KABANATA 10

83.5K 4.2K 2.6K
                                    

Kabanata 10:

Napatingin ako sa mukha ni Damulag pagkatapos kong linisin ang sugat sa kanyang tuhod at siko. Payapa ang kanyang mukha habang natutulog at bahagya pang nakabukas ang bibig. Napabuga ako ng hangin bago iligpit ang mga panlisin sa sugat na ginamit ko.

Kanina ay pagkatapos namin mag-iyakan ay umuwi na kami na parang walang nangyari. Natawa pa ako dahil kahit nadapa na si Damulag ay hindi pa rin niya binitawan ang buko juice na naka-plastic, na siya rin ang uminom dahil nauhaw siya.

Umupo ako sa kama, kung iisipin ay hindi magandang tingnan magtabi ang babae at lalaki sa iisang kama lalo't hindi ko pa siya lubos na kilala. Maraming dahilan para hindi ko kupkupin pero hindi ko magawa.

Napatingin ako sa phone nang tumunog iyon, napangiti ako nang makita ang pangalan na nakasulat sa screen.

"Hello Nay?" agad na sagot ko sinipat ko pa ang orasan. Masiyado ng gabi bakit kaya tumawag si Nanay.

"Hello Anak? Natutulog ka na ba?"

"Hindi pa naman po Nay. May problema po ba diyan?" tanong ko tapos ay dahan-dahan akong humiga.

"Wala naman anak, ito kasing anak mo hindi makatulog gusto ka raw makausap."

Napangiti ako sa sinabi ni Nanay.

"Gano'n po ba? Sige po pakausap po ako," mahinahong sabi ko bago tumagilid ng higa paharap kay Damulag na tulog na tulog.

Ilang segundo natahimik sa kabilang linya bago ko marinig ang maliit na tinig.

"Mama.."

Kinagat ko ang ibabang labi nang marinig ko ang kanyang boses.

"Kamusta anak? Miss mo na si Mama? Pasensya na anak nagwowork pa dito si Mama huwag kang magpapasaway kila Lola diyan." kumurap-kurap ako para pigilan ang aking luha.

Mahirap ang malayo sa pamilya.

"Miss you Mama," aniya.

"Dem pakabait ka diyan ha. Uuwi si mama next month," sabi ko at pilit na nilabanan na hindi maiyak.

He's only four years old.

"I love you mama, uwi ka na pasalubong ko po." Tumango ako kahit hindi naman niya nakikita.

"I love you too sige na matulog ka na. Goodnight anak."

Pagkaraan ng ilang sandali ay narinig ko sa kanlang linya ang kaluskos tapos narinig ko na ang boses ni Nanay.

"Anak. Kailan ka uuwi?"

"Sa susunod na buwan po Nay."

Bahagyang natahimik si Nanay sa kabilang linya.

"Anong balita sa magaling na Ama ni Dem?"

Napabuntonghininga ako dahil sa sinabi ni Nanay, hindi ako kaagad nakapagsalita.

"Anong plano mo?"

"Nay napag-usapan na po natin 'to, hindi po 'yon magbabago gusto kong makilala ni Dem ang Ama niya gumagawa naman po ako ng paraan para malaman niya ang tungkol kay Dem," mahabang sabi ko.

"Kung tutuusin ay wala ng dapat karapatan ang lalaki na iyan kay Dem, hindi ko lang alam sayo bakit hinahanap mo pa rin ang lalaki na yan."

"Ma nangako ako kay Diane," pahina nang pahina ang aking boses.

Sandaling natahimik sa kabilang linya narinig ko pa ang malalim na buntonghininga ni Nanay.

"Sige na anak, desisyon mo iyan. Matulog ka na. Good night anak ingat ka diyan."

Back to SixTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon