Kabanata 31:Napabalikwas ako mula sa aking pagkakahiga dahil ilang oras na ata akong nakatitig sa kisame pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok.
It's been two days.
Dalawang araw ng nawawala si Kier. And as I expected the DNA test confirmed that the burned body was not matched with Kier's DNA.
Napabuga ako ng hangin bakit ba hanggang ngayon hindi bumabalik ang tukmol na 'yon? Kapag talaga nakita ko ang lalaki na 'yon ay ingungudngud ko siya sa sahig.
Sobra kaya akong nag-aalala.
Hinahanap na rin ng mga anak niya si Kier naaawa na ako sa kanila. Si Sammy tuwing umaga si Kier ang nakikita niya pagkagising dahil kasama niya ito sa kwarto kaya naman naninibago ito ngayon na wala si Kier. Si Dem naman may sariling kwarto pero madalas din sa kwarto ng ama niya ito natutulog.
Dalawang araw na rin akong hindi pumapasok sa opisina. I texted Mam Faye about what happened nagpaalam akong hindi papasok. They gave me one week.
Hindi ko pa nakakausap si Damulag simula no'n, I want to talk to him. Personally.
Napatingin ako sa phone ko nang may nagtext sa akin gamit ang number sa ibang bansa.
Hi Denzy, are you still awake? Pwede ba tayong magvideo call?
Napakunot ang aking noo dahil sa mensahe na iyon bago ako magbukas ng internet at pumunta sa whatsapp. Sa tingin ko ay umaaga sa kanila. Ano naman kayang problema nito?
Ilang minuto pa ay tumawag na siya. Umayos muna ako ng upo at inilapag ko ang telepono ko sa mini table sa gilid ng aking kama bago iyon sagutin.
Then, I saw a man. Smiling and waving at me.
"Hi Denzy nakaistorbo ba ako?"
"Hindi naman Berto medyo lang." Tipid akong ngumiti.
Umalis si Berto papunta sa Singapore nang parehas na taon nang pagkamatay ng magulang ako. Mga ilang linggo pagkamatay ng magulang ko ay umalis na siya dahil kinuha raw siya ng tiyahin niya doon.
Sobrang laki na ng pinag-bago niya, hindi na siya bulol, lumaki na ang katawan at pumuti pati ang kaniyang ngipin ay napaayos na niya.
Hindi naman nawala ang contact namin dahil halos buwan-buwan naman ay nangangamusta siya. Tanging sila ni Jules ang nakakaalam ng fake marriage namin ni Kier bukod sa kanila ay lahat ang alam ay totoo ito.
"Pasensya na Denzy," aniya tapos ay napakamot ng batok.
"Bakit ka pala napatawag, Berto?" tanong ko sa kaniya.
Bahagya siyang natahimik tapos ay narinig kong nagpakawala siya ng malalim na hininga.
"I heard about what happened to Kier, sorry." malungkot na aniya.
Inipit ko ang tumatabing na buhok sa aking buhok. "It's fine Berto. Ang mahalaga naman ay buhay siya sa ngayon hinahanap pa siya. Sana lang talaga okay siya," malungkot na sagot ko.
Sandali kaming natahimik ni Berto bago siya nagsalita halata mong mabigat ang ano mang iniisip niya.
"Sorry Denzy, sa lahat-lahat ng nagawa ko sayo. Sana dumating ang panahon ay mapatawad mo ako," makahulugang aniya.
Nagsalubong naman ang ang kilay dahil doon. "Are you drunk?" Natatawang usal ko.
"Hindi ah." Tipid siyang ngumiti.
"E bakit ka nag-sosorry? Wala ka naman kasalanan sakin a?"
"Sana nga Denzy wala, kasi hindi na ako pinapatulog ng kunsensya ko e." Mariin siyang pumikit.
BINABASA MO ANG
Back to Six
General FictionThey met accidentally. Literal na aksidente iyon at simula no'n ay hindi na tinigilan ng gwapong lalaki si Denzy. Kung saan siya pumunta ay nandoon din ito, kung anong gagawin niya ay gagawin din nito. Kahit anong pilit na taboy niya rito ay hindi i...