KABANATA 24

77.7K 3.9K 1.7K
                                    


Kabanata 24:

Naghalo-halo ang aking emosyon habang nakatingin sa blankong mukha ni Damulag. Hindi ko alam kung matutuwa ako dahil sa wakas nakita ko na siya o masasaktan ako sa paraan ng pagtitig niya sa akin animong bored na bored siya.

Madalas kong iniisip ang tagpo na ito. Na muli kaming magkikita, na tatakbo ako sa kaniya at yayakapin siya nang mahigpit at sasabihin kung gaano ko siya namiss.

Pero ngayon ay natulos ako sa aking kinakatayuan habang nakatingin sa akin si Damulag.

Ibinaba niya ang kape tapos ay sumandal siya sa kaniyang swivel chair at hinawakan niya ang kaniyang baba gamit ang kaliwang kamay habang pinag-aaralan ang buo kong katawan.

Mula paa hanggang ulo ay pinasadahan niya ako ng tingin.

"Name?" wala akong makita kahit anong emosyon sa kaniyang boses.

Hindi ako nakasagot ibinukas ko ang aking bibig para magsalita pero isinara ko rin iyon dahil walang lumalabas na kahit ano.

"Cat got your tongue huh?" aniya tapos ay sumimsim ulit ng kape habang hindi inaalis ang tingin sa akin bago iyon ibaba ulit.

"I will not repeat my question. Now, answer me woman." medyo may diin aniya animong kahit anong oras ay sasabog na siya dahil mukha akong tangang nakatayo lang doon habang nakatingin sa kaniya.

Kumunot ang kaniyang noo nang wala siyang makuhang sagot mula sa akin. Nanginginig ang aking tuhod at kahit anong oras ay matutumba na ako sa kaba, ibang-iba na siya sa Damulag na baby ko, na inaalagan ko sa bahay ko.

Nakakaalala na siya, pero nakalimutan naman niya ako. Bakit?

"Are you mute?" may inis na tanong niya.

Agad akong umiling. "I-I'm D-Denzyeil Ma-Mauv." nanginginig ang aking boses.

Hindi ko alam kung paano niya nagawang itaas ang kaniyang isang kilay habang nakakunot pa rin ang isa habang nakatingin sa akin. Bahagya siyang umayos ng upo.

"Do you have a speech disorder?" deretsyong tanong niya sa akin dahil nauutal-utal ako.

Umiling ako. Gosh! Denzy sumagot ka si Damulag lang yan pinapagalitan mo nga yan noon!

"So are you afraid, scared, nervous?" aniya kitang-kita ko ang paggalaw ng kaniyang adams apple.

"N-No Sir."

"Then why the hell are you crying?" kunot-nuong tanong niya.

Kaaad akong napahawak sa aking pisngi basa na nga ito. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Siguro ay masaya lang ako dahil hindi nasayang ang ginawa kong desisyon noon.

Lahat ng ginawa ko ay may pinatunguhan dahil naging maayos na siya. Nakabalik na siya sa buhay na mayroon siya.

Napailing siya nang makitang nanginginig ang aking tuhod.

"Maupo ka." Hindi na ako nagulat nang magtagalog siya.

Hindi ko alam bakit lahat ng sinasabi niya ay parang lagi siyang iritado, laging may inis ang kaniyang tono. Hindi ba siya marunong kumalma? Nasaan na 'yong sweet na baby damulag ko?

Napalunok ako nang umupo ako sa upuan sa harap ng kaniyang malaking lamesa.

Humigpit ang hawak ko sa aking palda. Kailangan kong kumalma, dapat hindi ako magmukhang tanga na tutunganga lang.

Tama, Denzy. Hinga nang malalim, lunukin mo lahat kaba.

Nakita kong pumindot si Damulag sa telepono na nakakunekta sa labas.

Back to SixTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon