KABANATA 15

78.7K 4K 2.2K
                                    


Kabanata 15:

"Damulag naman napag-usapan na natin 'to hindi ka pwedeng sumama sa akin sa trabaho baka mahuli ka ng amo ko," nagmamakaawang usal ko kay Damulag na ngayon ay nakayakap sa aking beywang habang nakasubsob sa aking dibdib.

Halos sampong minuto na kami sa ganitong posisyon pero ayaw niya pa rin akong bitawan.

Kahapon lang ako nakalabas ng ospital pero papasok na ako ngayon sa trabaho dahil hindi naman na masama ang pakiramdam ko at kailangan ko rin pumasok dahil baka tanggalin naman ako ng amo ko kapag nagkataon.

Ayaw niya akong paaalisin dahil gusto niyang sumama. Hindi naman iyon maaari dahil lagi ng nasa shop ang aking amo.

"No Mommy, bring me with you. Sama ako! Sama mo ako!" ungot niya tapos ay umiling-iling pa bago mas lalong sumubsob sa pagitan ng aking dibdib.

Napabuntonghininga ako, mukhang hindi papatalo ang lalaking 'to sa akin. Hindi na siya pwede sa staff room dahil baka icheck na naman ng amo ko at madatnan siya roon.

"Bakit ka naman ba sasama sa akin? Wala ka naman doon gagawin paniguradong maiinip ka lang doon." Wala na akong maisip na dahilan, ang hirap naman kasing pakiusapan ni Damulag.

"I wanna take care of you, Mee please I don't want you alone. I want you beside me." Parang may humaplos sa aking puso dahil sa sinabi niya. Bakit ba napaka sweet ng lalaki na 'to? Tapos ako naman 'tong marupok.

Ginulo ko ang kanyang buhok, mukhang wala na akong magagawa.

"Sige na nga isasama na kita, basta huwag kang magulo. Saka hindi ka pwede sa staff room kaya magbihis ka nang maayos magku-kunwari kang customer para kahit papaano ay mababantay pa rin kita," aniko. Kaagad naman napa-angat ang kanyang mukha at may nakakalokong ngiti.

"You really love me."

Napakurap-kurap ako dahil sa nasabi niya at bahagyang napaubo pa ako at napaiwas ng tingin dahil parang lalabas sa lalamunan ko ang aking puso sa sobrang lakas ng kabog nito.

"A-Ano bang si-sinasabi mo?" naiilang na tanong ko.

Napahiwalay si Damulag sa akin. "You love me. Hindi mo kasi ako natitiis e, marupok ka pagdating sa akin so believe me Mommy you love me." aniya.

Hindi ako nakapagsalita basta napalunok lang ako habang nakatingin sa kanyang mapungay na mata.

"Ahm, magbihis ka na, aalis na tayo." Pag-iiba ko ng usapan, loko 'to ah.

Pero hindi siya umalis.

"Say that you love me, Mee," pangungulit niya. Hindi ako nakapagsalita hindi ko alam kung nagbibiro ba si Damulag o ano.

"Please say it, I saw Pepe with his mother yesterday. Sabi ng Mama niya love raw niya si Pepe. You never say I love you to me," malungkot na usal ni Damulag animong nagtatampo sa akin. Si Pepe abg kalaro niyang kapit bahay namin.

"S-Syempre Mama niya 'yon." Iyon nalang ang tangi kong nasabi.

"Why? You're my Mom also."

Napabuntonghininga ako bago ko sapuhin ang kanyang mukha.

"Makinig ka sa akin noh Damulag?" tumango naman siya. "K-Kasi hindi naman kita anak. Bata pa ako baka nga mas matanda ka pa sa akin e. Hindi talaga kita anak, inaalagaan lang kita p-pero hindi naman talaga kita kaano-ano," pahina nang pahina ang aking boses habang pinapaliwanag ko iyon sa kanya.

Nakita ko kung paano namula ang kaniyang mata.

"Ampon ako?" tanong niya dahilan para mapangiwi ako. Bakit ba hindi niya magets?

Back to SixTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon