Kabanata 43:It's been a long and difficult eight months of our life.
Sabi nga nila pagkatapos ng saya may dadating naman na malaking problema. Nakakatakot nadin maging masaya nakakatakot na may malaking problemang dadating pagkatapos non.
Minsan sinisisi ko ang sarili ko kung ano bang kasalanang nagawa ko para parusahan ako ng ganito.
Hindi naman ako naging masamang tao para parusahan ng ganito pero wala na akong magagawa.
Sa lumipas na buwan unti-unti ko na lang tinatanggap sa sarili ko na ito na ang tadhana ko.
Hindi naman 'to ibibigay ni Lord kung hindi ko kakayanin. Hindi naman niya ako bibigyan ng pagsubok na hindi ko malalagpasan.
Iyon nalang ang pinanghahawakan ko.
I was diagnosed with the inflammatory breast cancer.
Kaya hindi ko ito nalaman agad, Inflammatory breast cancer can be difficult to diagnose. Often, there is no lump that can be felt during a physical exam or seen in a screening mammogram.
Ang mga nararamdaman ko noon pagkahilo, pagdugo ng ilong at panghihina ay indikasyon na lumalala na ang tumor sa aking dibdib. Dahil sa sobrang stress din kaya unti-unting bumigay ang katawan ko at tuluyan kumalat ang cancer.
Breast cancer is sometimes found after symptoms appear, but many women with breast cancer have no symptoms.
My breast cancer is stage three, the tumor is up to 5 cm across and it may have spread to some lymph nodes.
Natanggal na ang unang tumor na nakita sakin tatlong buwan na ang dumaan. Sumalang na rin ako sa chemotherapy unti-unting nalalagas ang mga buhok ko.
Bumaba ang aking timbang.
Akala ko okay na gagaling na ako, pero hindi. After months. Another tumor na naman ang nadiskubre nila at mabilis na kumakalat iyon.
Pakiramdam ko nga malapit na akong mamatay.
Sobra kasing manghina ang katawan ko kumpara sa ibang may cancer. Halos hindi na ako makabangon sa kama kung walang aakay sakin.
Agad na pinunasan ko ang luha ko habang nakatitig sa kisame ng ospital na naging tahanan ko na sa lumipas na buwan.
Agad dumako ang mata ko sa lalaking kakapasok lang sa kwarto at may malawak na ngiti.
"How's my baby?" Malambing na tanong niya bago lumapit sakin.
Dumukwang siya tapos ay hinalikan ako sa nuo.
Iniayos ni Damulag ang bonet na nagtatakip sa ulo ko na kaunting-kaunti nalang ang buhok.
Kita ko ang pagod niyang mukha. Sa mga unang buwan ay hindi nagtatrabaho si Damulag kahit anong pilit ko ay hindi siya umaalis pero hindi naman iyon pwede kaya naman pagkatapos ng una kong opera ay pinabalik ko na siya sa trabaho.
May mga bagay pa rin siyang dapat intindihin hindi katulad kong pabigat lang sa kaniya.
Naramdaman kong pinunasan ni Damulag ang luha na tumulo sa pisngi ko.
"Ayokong nakikitang malungkot ang fiancé ko." Malumanay na aniya tapos ay hinalikan ulit ako pero sa mga mata ko naman. "Di'ba sabi ko naman sayo huwag ka na masiyadong mag-isip. Gagaling ka, magpapagaling ka ikakasal pa tayo. Di'ba?" Nakangiting tanong niya sakin pero ang kaniyang mga ngiti ay hindi na umabot sa mata.
"I-I'm tired, D-Damulag." Mahinang aniko habang pinag-aaralan ang bawat sulok ng kaniyang mukha.
Hindi ko alam kung hanggang kailan lalaban ang katawan ko, hindi ko alam kung hanggang saan aabot ang hininga ko.
BINABASA MO ANG
Back to Six
General FictionThey met accidentally. Literal na aksidente iyon at simula no'n ay hindi na tinigilan ng gwapong lalaki si Denzy. Kung saan siya pumunta ay nandoon din ito, kung anong gagawin niya ay gagawin din nito. Kahit anong pilit na taboy niya rito ay hindi i...