Kabanata 33:
Ramdam ko ang bahagyang paglayo sa akin ni Damulag upang buksan ang butones ng blouse ko habang hindi pa rin pinaghihiwalay ang aming mga labi.
I can hear my own heartbeat, my hands are shaking. Unti-unting bumibigat ang aking paghinga. Dalang-dala na ako sa init ng aking katawan.
"Fuck!"
Napadilat ako at napamura naman si Damulag nang may sunod-sunod na kumatok sa pinto sa kwarto kung nasaan kami. Hindi pa rin tumitigil si Damulag sa ginagawa,,dalawang butones na lang at tuluyan ng mabubuksan ang aking suot.
Unti-unti nang nawala ang aking pagkahibang bigla akong natauhan habang nakatingin kay Damulag na nanginginig pa ang kamay habang patuloy sa paghubad.
Lumalantad na ang pula kong bra at kitang-kita ko ang pagnanasa sa kanyang mata.
Nang matanggal niya lahat butones at akmang tatanggalin na niya ang aking blouse nang pigilan ko ang kanyang kamay kaya napatingin siya sa akin.
"What?" maang na tanong niya saka kumurap-kurap.
"We can't do this, don't make me your mistress," mabilis kong binutones ang damit ko. "Please open the door Alpha baka importante 'yan," malumanay na usal ko bago tumayo at pumasok sa banyo habang ramdam ko ang pagsunod ng tingin niya sa akin hanggang isara ko ang pinto.
Napasandal ako sa pinto at nasapo ko ang aking dibdib dahil sa sobrang kabog ng aking puso. Bahagya kong inilapat ang aking tainga sa pinto upang marinig ang kausap ni Damulag, narinig kong padabog niyang buksan ang pintuan ng kwarto tapos nakarinig ako ng pagkasa ng baril.
"Make sure that's important, and remind me why I shouldn't assassinate you David!" malakas na bulyaw ni Damulag.
"S-Señorito, you can't assassinate me. I'm your butler for almost twenty years. I'm sorry to disturb you but this is important," boses iyon ni David.
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng banyo.
"What is it?"
"Nasa labas po ng hotel si Ma'am Bianca, kakalapag lang ng helicopter niya nasundan po tayo." Kitang-kita ko kung paano mariin napapikit si Damulag bago ibinaba ang baril na nakatutok sa ulo ni David.
Tapos ay inilapag niya ang baril sa lamesa.
"Sige magbibihis lang ako." Tumango at nakayukong umalis si David bago pa humarap si Damulag sa gawi ko ay binuksan ko na ang pinto.
"Uhm, ano bang gagawin ko rito Sir A-Alpha? May ipapagawa ka ba?" tanong ko sa kanya kahit sa totoo lang ay nahihiya ako sa ginawa namin kanina.
"I'll attend meeting. You're my assistant so you should be there,"
aniya, pumasok ulit siya sa walk-in closet.Napatitig na lang ako pinto noon hanggang lumabas siyang nakasuot na ng dark blue armani suit. Mabilis kong inayos ang suot kong damit at sinuklay pa ang aking buhok gamit ang kamay ko.
Naunang naglakad si Damulag palabas. Napairap ako sa hangin bakit ba pabago-bago ng mood ang lalaki na ito? Minsan mabait at sweet tapos biglang lalamig ang pakikitungo sa akin.
Nang makalabas kami sa kwarto na iyon ay hindi na ako nagulat nang madaming lalakeig nakaitim ang nakapalibot sa labas ng kwarto.
Lumapit sa akin si David habang naglalakad kami papunta sa elevator. Si Damulag ang nauuna.
"David, ano pong oras na?" tanong ko sa kaniya.
Mukhang hindi niya narinig kaya napakurap siya. "Ano ho?" aniya.
Hindi ko na inulit ang sasabihin ko hinuli ko na lang ang pulsuhan niya at ini-angat iyon para makita ang oras sa wrist watch na suot niya habang naglalakad kami.
Lunch na pala.
Binitawan ko rin naman iyon, nakita kong nakatingin pala sa amin si Damulag na salubong ang kilay.
Pagpasok namin tatlo sa elevator ay biglang nagsalita si Damulag. "Labas." Nagkatinginan kami ni David.
Lalabas na sana ako kasama si David nang hawakan ni Damulag ang braso ko.
"David, get out before I cut your hand," malamig na usal ni Damulag bago sumara ang elevator nakita ko pang napakamot ng batok si David bago lumabas at gumamit na lang ng ibang elevator kasama ang ibang bodyguard.
"Bakit mo naman pinalabas si David e ang luwag-luwag pa ng elevator." Kunot-noong tanong ko sa kanya nang kami na lang ang maiwan.
Imbes na sumagot ay tumingin lang si Damulag sa mga numero tapos ay ipinalibot ang braso sa aking beywang dahilan para mapaigtad ako.
Hinalikan niya ang aking sentido bago bumulong.
"Malampit na Denzy. Just wait and be patient with me," makahulugang aniya.
Bago bumukas ang elevator ay humiwalay na siya sa akin. Hindi ako nakapagsalita habang nakasunod ang mata kay Damulag na nauna ng naglakad.
Problema no'n? Anong malapit na? Ang pagbukas ng elevator ba?
Wala akong nagawa kung hindi sundan siyang maglakad napatigil lang ako sa pagsunod sa kanya nang may matinis na boses na sumalubong sa amin.
"Babeeeeee! Finally, I see you!"
Natulala na ako nang lumapit si Bianca kay Damulag at mabilis itong halikan sa labi.
Mariin akong pumikit hindi ko kayang tingnan sumisikip ang puso ko.
Dumilat ako pagkaraan ng ilang segundo, naabutan kong nakaakbay na si Damulag kay Bianca habang ang hitad na babae ay nakayakap sa beywang ni Damulag.
Gustong-gusto kong manakal ng palaka ngayon.
"Dapat ay hindi ka na nagpunta rito sandali lang naman ako dito." Nagulat ako sa malambing na boses ni Damulag habang kausap si Bianca.
"You know that I want to be with you babe. I miss you so much that's why I went here. Why you gave your company in America to your brother? That's your main branch. Edi dapat nasa America pa rin tayo. I don't like here in the Philippines," maarteng usal niya, hindi ko alam kung maarte o sadyang ayoko lang talaga sa kanya.
"I told you, I have something to work on here, my new company. We'll go back there. I promise and build our family," malumanay na usal ng mokong.
Naningkit ang mata ko habang sumisikip ang aking puso sa mga nakikita ko.
Napatingin sa gawi ko si Bianca at nawala ang ngiti niya bago humiwalay kay Damulag.
"Why the hell are you here?!" Hindi ako nag-iwas tingin sinalubong ko ang kanyang tingin.
Akmang susugudin ako ni Bianca ay hinawakan siya ni Damulag sa braso wala sa sariling napatingin ako roon.
"Let go of me Alpha, makakatikim sa akin ang babae na 'yan!" sigaw niya.
"She's my assistant."
"Assistant? Kailan pa? Bitawan mo ako hindi pa ako nakakaganti sa malandi na 'yan!"
Tumingin muna sa akin si Damulag habang blanko ang mukha bago sapuhin ang mukha ni Bianca, halos hindi na ako makahinga.
Gusto ko ng umiyak.
"Don't waste your time. Wag mong sayangin ang oras mo sa walang kwentang bagay." Rinig kong usal ni Damulag.
Ngumiting tagumpay si Bianca bago kumapit sa braso Damulag at umirap sakin. Parang may bumara sa aking lalamunan at pumiga sa aking puso dahil sa sinabi ni Damulag, nanubig na ang aking mata.
"Let's go. Ako na ang sasama sa meeting mo," ani Bianca bago sila maglakad ni Damulag na magkasaklob ang kamay.
Tuluyan ng tumulo ang luha ko. Walang kwentang bagay? Iyon na ba ang tingin niya sakin? Kaya ba pinaglalaruan nalang niya ang feelings ko?
Bwiset ka damulag! Papaluin kita sa pwet!
_______________
SaviorKitty | Back To Six
BINABASA MO ANG
Back to Six
General FictionThey met accidentally. Literal na aksidente iyon at simula no'n ay hindi na tinigilan ng gwapong lalaki si Denzy. Kung saan siya pumunta ay nandoon din ito, kung anong gagawin niya ay gagawin din nito. Kahit anong pilit na taboy niya rito ay hindi i...