KABANATA 34

75.7K 3.7K 617
                                    


Kabanata 34:

Bwiset. Nakakairita.

Kung alam ko lang ganito pala ang gagawin ko buong maghapon ay hindi na sana ako sumama rito umpisa pa lang. Ngayon ay kasama ko si David at ilang bodyguard ni Damulag habang nakasunod kami sa kanilang dalawa.

Tapos na ang meeting at ang malanding linta ay walang ginawa kung hindi himasin ang braso o kaya naman hita ni Damulag. Pigil na pigil ako habang nasa dulo. Ano naman ang magagawa ko assistant lang ako?

Pinipilit kong pakalmahin ang aking puso na gusto ng sumabog sa ano mang-oras.

Naglalakad kami ngayon papunta sa isang restaurant upang maglate lunch. Matalim ang aking tingin sa likod ni Damulag at Bianca na nasa unahan namin, naka-akbay sa kaniya si Damulag.

Hah! Kapal ng mukha mo, kanina ang sweet mo sa akin tapos ngayon. Tsk, babaero ka pala dapat tinapon na lang kita sa ilog noon.

Walang ibang ginawa ang babae na iyan simula kanina kung hindi irapan at ngisian ako.

Kung pwede na itarak ko sa leeg niya ang hawak kong ballpen kanina ay ginawa ko na.

Napakagat ako ng ibabang labi habang nakikitang humahagikgik pa si Bianca sa bisig ni Damulag. Kung titingnan mo sila ay parang magsyota silang nagbabakasyon sa Palawan habang kami ay mga alalay na nakasunod sa kanila.

Bago pa kami makapasok sa restaurant ay may narinig kaming tatlong sunod-sunod na pagsabog.

Napasigaw ako at napayuko habang nakatakip ang aking dalawang palad sa aking tainga habang mariin nakapikit ang aking mata. Jusko! Anyare?

Nakarinig ako ng mga takbuhan at sigawan bago may kamay na humatak sa akin patayo. Siguro ay si David dahil siya lang naman ang katabi kong maglakad. Hindi ako dumilat habang hawak-hawak ako ni David,  hila-hila niya akong tumatakbo.

Sobrang lakas ng kabog ng puso ko.

Nang tumigil kami at humina na ang mga sigawan ay dumilat na ako habang kapos ang aking paghinga.

Humarap ako kay David para magpasalamat. "Thank you Davi—" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang makita ko si Damulag ang humila a akin palayo sa lugar na 'yon.

Nasaan na si Biancang bukangkang?

"Are you okay?" Nagsalubong ang aking kilay dahil sa tono ng kanyang boses, para siyang nag-aalala.

"S-Si Bianca nasaan? Baka hanapin ka niya," tanong ko at binalewala ang tanong niya.

"She's with David," malamig na aniya tapos ay sinuri ang buo kong katawan parang sinusuri kung may masakit ba sa akin.

Kanina hindi mo ako pinapansin, tapos...

Inilibot ko ang paningin kung nasaqn kami. Nasa malapit na kami sa entrance ng resort kung saan kami naka-stay.

Naglakad si Damulag kaya naman sinundan ko siya hanggang makarating kami sa gilid ng kalsada.

"Saan tayo pupunta? Anong nangyari sa loob? Tayo ba ang pinapasabugan, baka kailangan natin magtago? Umuwi na tayo sa Manila!" histerikal na sabi ko.

Parang bumalik sa akin ang nangyari kila Nanay, kung ano-ano na ang naisip ko. Hindi niya ako pinansin bagkus ay pinara niya ang isang pampasaheros na jeep na dumaan.

Kumunot ang noo ko.

"A-Anong—"

"Stop asking just follow me and trust me," madiin sabi niya bago hawakan ang kamay ko at hatakin ako papasok sa jeep.

Nagsalubong ang kilay ko dahil punong-puno na ang jeep dahil siguro minsanan lang dumaan at malalayo ang terminal kaya madami ang sakay dahil naghahabol ng biyahe. May mga nakasabit na rin sa labas na mga gamit.

Back to SixTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon