Kabanata 26:Kaagad akong ginapang ng kaba nang pagpasok ko sa office ni Ma'am Faye ay nakita kong may kumukuha ng gamit ko, ang lamesa ko ay binubuhat na nila palabas.
"Hala! Kuya saan niyo po dadalhin ang lamesa ko?!" histerikal na tanong ko bago bumaling kay Ma'am Faye na malamlam ang tingin sa akin. "Ma'am Faye tanggal na po ba ako sa trabaho?" nanlulumong tanong ko sa kanya.
Kaagad naman siyang umiling.
"Hindi Denzy, nagbigay ng utos si Sir Alpha na ilipat lahat ng gamit mo sa itaas. Hindi ko naman alam kung bakit, hindi ko makuwestyon kasi alam mo na b-baka ako naman ang tanggalin. Sorry Denzy wala akong maitutulong sayo," aniya tapos ay bahagyang pinisil ang aking kamay.
Wala sa sariling sinundan ko ng tingin ang mga lalaking may dala ng gamit ko kakasakay lang nila ng elevator.
Nandito si Damulag?
Ang huli namin pagkikita ay isang linggo na ang nakakaraan. Simula no'n ay hindi ko na siya nakita, hindi naman din kasi karaniwan nakikita ng empleyado ang may-ari dahil nasa pinaka-itaas itong palapag, kung nandito man siya hindi rin namin makikita.
Ang narinig ko ay umalis daw si Damulag papuntang ibang bansa. Gano'n siya kayamang tao ginagawa niyang uwian ang America at Pilipinas kahit naman siguro ako na may sariling eroplano baka sa Spain ako magkape tapos sa Korea ako tatae.
Masaya ako kasi alam kong maayos na si Damulag pero nasasaktan ako sa kadahilang hindi naman niya ako maalala. Hindi ko alam kung paano iyon nangyari at kung anong ginawa nila kay Damulag.
Bumalik ang ala-ala niya noon pero nakalimutan naman niya ako.
"Miss Denzy sumunod po kayo sa akin.'' Napukaw ang atensyon ko nang magsalita si David bago iminuwestra ang elevator binigyan ako nito ng tipid na ngiti.
Wala sa sariling sumakay ako roon at hanggang makarating kami sa floor kung nasaan ang CEO Office ay tulala ako. Ano bang nangyayari?
Wala naman akong masamang ginawa ha? Ginagawa ko naman ang trabaho ko.
"Ano ho bang nangyayari bakit ako nandito?" takang tanong ko sa kanya.
Imbis na sumagot ay ngumiti lang siya. Putcha huwag kang ngingiti-ngiti sa akin.
Akala ata nito nakikipagbiruan ako.
"Señorito Alpha, narito na po si Miss Denzy," imporma niya bago kami pumasok.
Nagtataka ako kung bakit Señorito ang tawag niya kay Damulag samantalang ang lahat ng empleyado ay Sir ang tawag dito. Tapos ang mga bodyguard naman ni Damulag ay Lord Alpha ang tawag sa sa kanya.
Ang gulo.
"Pasok na po kayo," aniya bago buksan ang pinto ng CEO.
Magtatanong pa sana ako nang bahagya niya ako itulak papasok bago isara ang pinto.Kaagad akong ginapang ng kaba.
Lalo na nang makita ko si Damulag na nakasandal sa kanyang lamesa habang nakakrus ang mga braso sa matipunong dibdib habang deretsyong nakatingin sa akin at pinaglalaruan ang ibaba nitong labi.
Jusko... Ang puso ko.
Hindi ko maialis ang aking tingin sa kanya. Bagay na bagay sa kanya ang suot niyang dark blue armani suit samantalang noong nasa akin siya ay tig-singkwentang ukay-ukay na damit ang pinapasuot ko sa kanya.
Tumikhim ako para magising sa pag-iisip ko.
"Damu--este Sir Alpha bakit po ako nandito?" tanong ko sa kaniya kahit sa totoo lang ay hindi ako sanay.
BINABASA MO ANG
Back to Six
General FictionThey met accidentally. Literal na aksidente iyon at simula no'n ay hindi na tinigilan ng gwapong lalaki si Denzy. Kung saan siya pumunta ay nandoon din ito, kung anong gagawin niya ay gagawin din nito. Kahit anong pilit na taboy niya rito ay hindi i...