KABANATA 7

86.1K 4.5K 1.9K
                                    


Kabanata 7:

Mabilis ang aking kilos habang nililigpit ko ang lamesa. Hindi ako makapali at patingin-tingin ako sa pinto kung nasaan ang staff room habang nagta-trabaho. This is not good. Kahit anong pilit kong kumalma ay hindi ko magawa. Nakakainis!

"Hay nako, ateng baka mabali na ang leeg mo kakalingon nyan," bulong ni Jules sa akin sabay ngisi.

Sa totoo lang ay kanina niya pa ako kinukulit na magkwento tungkol kay Damulag pero wala akong binanggit sa kanyang kahit ano. Mapapagod na lang siya kaka-tanong ay wala siyang makukuhang sagot sa akin. Napatingin ako sa wall clock na kanina ko pa ina-abangan, napabuga ako ng hangin nang makitang oras na ng out ko.

Sa wakas!

Kung noon ay hindi ko pansin ang oras ay ngayon ay inip na inip ako.

Mabilis ang aking kilos na tinanggal ang suot kong apron at isinabit sa gilid. Narinig ko pa na tinatawag ako ni Jules pero hindi ko na siya pinansin, maaga ang alis ko kumpara sa kanya, pupunta ako sa bayan para bumili ng ibang gamit sa bahay pati na rin damit ni Damulag.

Pagpasok ko sa staff room ay nakita kong pinagkukumpulan si Damulag ng ibang babae kong katrabaho. Hindi ko alam pero naningkit ang aking mata at parang nainis ako.

Kaagad akong lumapit sa kanila.

"Tabi! Tabi!" singhal ko sabay hawi sa kanila. Sinamaan nila ako ng tingin pero tinaasan ko lang silang tatlo ng kilay.

"Kilala mo ba iyang gwapo na 'yan Denzy?" tanong ng isang mataba.

"Oras ng trabaho nandito kayo? Tsk. Doon na nga kayo!" inis na sabi ko ko tapos ay binalingan si Damulag.

Narinig kong padabog na umalis ang tatlo.

Magsasalita pa sana ako pero nagulat ako ng hapitin ako ni Damulag at mahigpit na niyakap.

"Mee," bulong niya napapikit ako dahil lumakas ang kabog ng puso ko. Jusko.

Ginantihan ko siya ng yakap. Wala lang para makachansing man lang tutal parang wala lang naman sa kaniya e.

Nakagat ko ang ibabang labi para pigilan ang kilig. Ang gwapo kaya ni Damulag tapos kung yakapin ako ay akala mong ako na ang pinaka mabangong nilalang sa balat ng lupa.

Masimple kong pinalo ang pwet ni Damulag. Natawa ako ng mapansin natigilan siya.

"Ay!" napaigtad ako ng gumanti siya ng palo sa pwet ko naman.

Napahiwalay ako sa kaniya na nakangiti na ngayon animong may nakakatuwa siyang ginawa.

Pansin na pansin ko ang pantay niyang mga ngipin.

"Your butt is so soft, mee." aniya tapos akmany papaluin ulit ang pwet ko ay umatras ako sa pader.

"Hep! Hep! Sumusobra ka na ah. Isang palo lang sa isang araw." aniko tapos lumapit ulit ako sa kaniya para punasan ang nuo niyang puro pawis.

May electric fan naman pero pinagpapawisan siya.

"Hindi ka sanay sa mainit? Anak mayaman ka ba? Sino bang pamilya mo?" tanong ko sa kanya tapos ay tumingkayad ako para suklayin ang buhok niya samantalang siya ay tahimik lang na hinahayaan ako sa ginagawa ko.

Hindi siya nagsalita kaya napabuga na lang ako ng hangin bago ko kunin ang bag ko.

"Tara aalis na tayo, pupunta tayong bayan para bumili ng damit mo."

•••

          "HUWAG kang bibitaw sa akin baka mawala ka rito." Paalala ko kay Damulag nang bumaba kami sa jeep.

Back to SixTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon