Kabanata 12:Nakapalumbaba ako sa stool sa may café dahil wala naman masiyadong kostumer sa mga oras na ito, may tumapik sa aking balikat kaya naman agad akong napalingon doon.
Nakangising dumungaw sa akin si Jules. "Anong problema bakla?" tanong niya sa akin, halatang nanunuya ang boses.
Nagpakawala ako ng malakas na buntonghininga.
"Madami akong problema hindi ko alam saan ako magsisimula," aniko bago ako tumingin sa kanya.
"Dahil ba kay babyboy?" tanong niya at tinaasan pa ako ng kilay.
"Isa pang tawag mo kay Damulag ng babyboy susungalngalin ko 'yang bunganga mo!" singhal ko sa kaniya.
Tumuwid naman siya ng pagkakatayo bago umupo sa aking tabi na natatawa.
"Dahil ba roon sa Kier Mauv?" Na kwento ko na rin kasi sa kanya ang nangyari.
Tatlong araw na rin ang lumipas ng malaman ko iyon. Kaya lang naman ako nandito sa Manila para hanapin ang legal na ama ni Dem bukod sa pagta-trabaho ko rito ay iyon din ang dahilan.
Tumango ako bago tumingin ulit sa malayo.
"Alam mo bang naisip ko pa ng marinig ko ang balita ay akala ko si Damulag at Kier Mauv ay iisa. Pero hindi pala hindi ko alam kung matutuwa ako o hindi." aniko.
"Masaya ka kasi nalaman mo na ang pangalan ng ama ni Dem o masaya ka kasi hindi pala si Damulag 'yon? I mean hindi ba sabi mo bakla may asawa na iyong si Kier Mauv kung nagkataon na iisa pala sila edi hindi na kayo pwede ni Babyboy. Sad!" mahabang aniya.
Pabirong kinurot ko siya sa braso.
"Sira! Masaya ako kasi ang tagal ko ng hinahanap ang tatay ng anak ko. Malungkot din ako kasi hindi ko pa rin alam kung sino si Damulag wala naman siyang picture sa Police Station, sa susunod na dayoff ko ire-report ko na talaga siya," desididong wika ko.
"Hay nako ate girl bukod kay mama mary ikaw lang ang kilala kong virgin na may anak." aniya tapos ay humalakhak.
Inirapan ko siya dahil do'n. "Pwede bang itikom mo iyang bunganga mo. Anak ko si Dem. Period!" inis na sabi ko.
Ngumisi naman siya. "Whatever..." Hinawi niya ang kanyang imaginary bangs bago bumalik sa trabaho.
Nagpakawala ulit ako ng malalim na buntonghininga. Nawawala pala ang tatay ni Dem at hindi lang iyon mayaman pala ito, ang problema ay hindi ko alam kung saan siya hahanapin pero at least ngayon may improvement na ang paghahanap ko. Kahit papaano ay alam ko na ang pangalan niya.
Tumingin ako sa orasan at napangiti nang makitang oras na ng uwian. Kaagad akong pumunta sa staff room upang kunin ang aking gamit.
Sa lumipas na tatlong araw ay hindi ko na sinamasama sa trabaho si Damulag baka kasi mahuli kami ng Boss ko at matanggal pa ako sa trabaho, mas mahirap 'yon.
Kaya naman niyang maiwan doon, wala naman siyang choice. Nagbilin din ako sa mga kapitbahay ko na tingnan kapag nasunog na ang apartment ko.
Kumaway pa ako kay Jules bago umalis. Mabilis akong nakarating sa lugar na tinutuluyan ko. Bumaba ako sa kanto at lalakadin ko na lang papunta sa bahay para makatipid.
Kung noon ay nakaabang na dito si Berto sa akin para sunduin ako ngayon ay wala na siya at alam ko kung bakit hindi niya ako sinusundo.
Napangiti ako nang maisip ko iyon.
Ilang minuto pa akong naglalakad nang mapahinto ako sa paglalakad nang makita ko ang mga batang naglalaro sa kalsada habang nagtatawanan.
Hindi iyon ang nakapukaw ng atensyon ko kung hindi si Damulag na nakikipaghabulan din sa kanila.
BINABASA MO ANG
Back to Six
General FictionThey met accidentally. Literal na aksidente iyon at simula no'n ay hindi na tinigilan ng gwapong lalaki si Denzy. Kung saan siya pumunta ay nandoon din ito, kung anong gagawin niya ay gagawin din nito. Kahit anong pilit na taboy niya rito ay hindi i...