KABANATA 23

78K 4.2K 1.8K
                                    


Kabanata 23:

            "Are you sure about this?" kunot-noong tanong sa akin ni Kier habang nasa kotse kami.

Bumuntonghininga ako dahil hindi ko na alam kung ilang ulit na niya iyang natanong sa akin.

"Sigurado na ako Kier. Sayang naman ang oportunidad na ito, alam mong ayokong nawawalan ng trabaho," marahan kong usal habang inaayos ang aking sarili pati na rin ang laman ng aking bag.

Ngayon araw ay ang unang pasok ko sa isang kompaniya. Nag-apply ako bilang assistant at sa kabutihang palad ay natanggap naman ako, ilang beses na akong hindi nakukuha sa trabaho, nagka-phobia na ata ako pag-apply pero sabi nga nila, huwag susuko dadating din ang para sa'yo.

Hindi ko nga lang alam kung kanino akong assistant, baka sa isang matandang lalaki? Naiisip ko na kaagad ang mamaging boss ko, sana talaga hindi masungit.

"That's it. Denzy iyon na nga ang problema, ilang beses na kitang inaalok ng trabaho sa kumpaniya ko pero umaayaw ka tapos malalaman ko na lang hired ka na sa ibang kumpaniya?" tanong niya bago iparada ang kotse sa tapat ng Elegant Corporation, nagpeke pa siyang tawa pero nahihimigan ang pagtatampo roon.

Kahit anong pilit sa akin ni Kier na tanggapin ang trabahong inaalok niya sa kumpaniya ay hindi ko tinatanggap kahit noon pa man ay ayokong makakuha ng trabaho dahil sa tulong niya. Kung makakahanap man ako ng trabaho ay dahil sa sarili kong paghihirap.

Umalis ako sa trabaho sa cafe shop ilang buwan simula nang nawala si Damulag pagkatapos no'n ay pumasok ako sa ilang maliliit na shop din habang nag-aaral ako ng college.

Kier helped me in every ways. Kumuha ako ng isang course about business na tinapos ko lamang nang walong buwan. Kaya naman pagkatapos non ay pwede na akong mag-apply sa mga kompaniya, pasok naman ang mga units na nakuha ko.

Sa dumaan taon ay may mga experience na rin ako, magaan lang naman ang ginagawa ko. Kung minsan ay ako ang nagpapaprint ng mga papeles, inuutusan magtimpla ng kape, mag-ayos ng folder at nag-e-encode.

Marahan kong hinaplos ang braso ni Kier. "Napag-usapan na natin 'to ayoko ng humingi ng kahit ano pa mula sayo."

"Ouch porket hindi mo na ako kailangan gano'n." Nagkunwari pa siyang nasasaktan kaya napatawa ako habang nakasapo siya sa kaniyang puso.

"Hindi sa gano'n. Ang ibig kong sabihin ay sobra-sobra na ang ibinigay mong tulong sa akin at sa pamilya ko. Sobra na ang ginawa mo para sa akin sa lumipas na tatlong taon," sabi ko saka tipid na ngumiti.

"Bumabawi lang ako sa lahat ng naitulong mo lalo na kay Dem at kay Sammy," aniya tapos ay bumuntonghininga.

Tinapik ko ang kaniyang balikat.

"Hindi pa rin ba kayo nakakapag-usap ni Bianca?" tanong ko.

Kita kong nag-iwas siya ng tingin. "She's hiding. Alam mong mahirap hanapin ang nagtatago." walang buhay na aniya.

"Hindi mo pa rin siya napapatawad?" tanong ko bago tanggalin ang pagkaka-seatbelt ko.

Pagak na tumawa si Kier "Nagpapatawad kung may humihingi ng tawad. Denzy she tried to kill our own son. She tried to kill Sammy." kitang-kita ko ang pag-igting ng kaniyang panga.

Iniabot ko ang panga niya at bahagya iyon hinimas upang pakalmahin siya. Alam ko ang lahat ng pinagdaanan ni Kier sa mga lumipas na taon.

Nang mawala si Damulag ay itinuon ko ang atensyon ko kay Dem at sa paglalapit nila ni Kier.

Sa totoo lang ay hanggang ngayon ay hindi pa rin sa akin kinukwento ni Kier kung anong dahilan kung bakit siya nagtatago noon.

Basta nabalitaan ko na lang sa kaniya na nanganak si Bianca, kulang sa buwan at sinubukan nito na patayin si Sammy. Pagkatapos no'n ay naghiwalay na sila masiyadong naging mabilis ang annulment of marriage nila siguro dahil na rin sa koneksyon.

Back to SixTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon