Kabanata 18:
"Ohhh God!"
"Mee do you like this position?"
Nakapikit na tumango ako habang nakatuwad sa kama. Literal na nakatuwad ako dahil nakasubsob ako sa aking unan habang nakaangat ang aking pwet.
"Ohhh Damulag, tuloy mo lang ganyan nga." mahinang daing ko.
Napakagat ako ng ibabang labi habang hinihimas ni Damulag ang aking balakang.
Ngayon karaw ay sobrang sakit ng puson ko, simula pagkagising namin ay hindi na ako mapakali mabuti na lang at linggo ngayon at wala akong trabaho.
Nakakainis dahil nakalimutan kong magkakaruon ako, ni hindi ko namalayan ang araw. Hays, ang hirap maging babae.
Namimilipit ako sa sakit habang hinihimas-himas ni Damulag ang balakang ko. Sa totoo lang ay kanina niya pa ako hindi iniiwan at panay lang ang tanong niya kung anong gusto ko at kung saan ang masakit.
Nang medyo humupa ang kirot sa puson ko ay tumihaya na ako habang naka-upo naman si Damulag sa kama. Ngumiti ako sa kanya ng tipid dahil kita kong pag-aalala niya sa akin.
"Masakit pa Mee?" malumanay na tanong niya sa akin.
"Hindi na masiyado, first day ko kasi kaya medyo masakit mamayang kaunti ay okay na ito," aniko tapos ay napahigit ako ng hininga at muntik ng mapabalikwas ng bangon nang dahan-dahan siyang yumuko tapos ay itinaas niya ang t-shirt na suot ko.
Napatulala ako kay Damulag nang himasin niya ang aking puson tapos ay hinahalikan niya ito nang unti-unti.
"A-Anong ginagawa mo?"
Dumungaw siya sa akin. "I'm kissing your tummy, Mommy. Kapag may masakit sa akin kinikiss mo " inosenteng aniya bago tumuwid ng upo.
Ibinaba ko naman ang aking shirt. "Lapit ka nga rito," utos ko sa kanya.
Kaagad naman sumunod si Damulag hinimas ko ang kanyang mukha. Ibang-iba na ang kanyang itsura kaysa noong una ko siyang nakita mukha siyang ermetanyo.
"Sino ka ba talaga Damulag? Ano ba kasing ang totoo mong pagkatao?" mahinang usal ko habang nakatitig sa kanyang mukha.
Kagabi ay sinubukan kong isearch ang pangalan niya sa google at sa iba pang social media pero wala akong nakita.
Walang lumabas na 'Alphanzí Eluard Alforcourd'
Hindi ko tuloy alam kung nagsasabi ba ng totoo si Kier o baka naman pinagtitripan niya ako.
Masiyado bang pribadong tao si Damulag kaya hindi ko siya mahanap? Dahil kung kakilala siya ni Kier na isang business man siguradong mayaman din si Damulag katulad ni Kier.
Ang problema lang ay wala akong mahanap na impormasyon tungkol sa kaniya.
"I'm your baby," ani Damulag kaya napangiti ako.
Lalo na nang makita ko ang daliri kong may singsing. Napabaling ako sa phone ko ng tumunog ito.
"Damulag paabot naman ng cellphone ko."
Kaagad naman sumunod si Damulag, sinagot ko agad iyon kahit hindi ko kilala nagmamadali namang humiga rin si Damulag at inilapit din ang tainga sa phone.
Hay nako, chismoso.
"Hello?"
"Hey it's Kier." Napatigil ako sandali bago sumagot.
"Hey, buti tumawag ka? Aayusin na ba natin 'yong pagkikita niyo ni Dem?"
"No, hindi muna. I called you because of Mr. Alforcourd." Wala sa sariling napatingin ako kay Damulag na sige lang sa pagdikit sa akin para marinig ang pinag-uusapan namin ni Kier.
"Anong tungkol kay Damulag?"
"Who's damulag?"
"Iyon ang tawag ko sa kanya. Basta mahabang kwento. Ano ba iyon?" kinakabahan usal ko, baka kasi tungkol na ito na tungkol na pagkatao ni Damulag.
"I have a neurologist friend."
"Inidorologist?" ulit ko sa sinabi niya ang bilis naman kasi e.
"Neu-ro-lo-gist." madiin aniya.
"Ahhhhhh 'yon pala. Oh ano ba 'yon?"
Narinig kong bumungong-hininga siya.
"The neurologist treats disorders that affect the brain, spinal cord, and nerves, such as Cerebrov—"
"Hep! Okay na gets ko na. Doctor para sa utak pinahaba mo pa."
"Yes and like what I said, nakausap ko na siya para sa check-up ni Damu—oh whatever you called him. Itetext ko sayo 'yong address ng clinic niya. Don't worry about the bills. Hindi ko kayo masasamahan do'n," aniya.
Parang nahiya naman ako dahil kakakilala lang namin kahapon.
"Hindi mo naman kailangan gawin 'to," pagtanggi ko kahit sa loob-loob ko ay gusto kong tanggapin ang alok niya, hindi lang naman din para sa akin ito, matutulungan ko si Damulag dito.
"No, gusto ko rin naman malaman kung anong nangyayari sa kaniya. Wala pa ito para sa mga nagawa mo para sa anak ko. Sige na, I have to go, I can't keep the line open. Bye."
"Teka la—"
Hindi ko na tuloy ang sasabihin ko dahil namatay na ang tawag. Napatingin ako kay Damulag na nasa gilid ko pa rin.
"Maligo ka at magbihis Damulag aalis tayo."
Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako sa kalalabasan ng check up. Parang natatakot akong malaman ang pinagdadaan at problema kay Damulag natatakot akong malaman na mawawala siya sa akin kapag gumaling siya.
Alam ko mali iyon, hindi ko lang maiwasan.
"Let's take a shower Mee" aniya tapos ay inilalayan akong umupo.
"Nako, hindi na marupok ako kapag may period ako sige na mauna ka na. Aayusin ko na lang susuotin mo." Patakbong pumasok sa banyo.
***
KAGAYA ng sinabi ni Kier ay tinext niya ako tungkol sa clinic na pupuntahan namin, nagreply pa ako sa kanya pero hindi na siya nagreply ulit. Sinubukan ko tawagan ulit ang number niya pero hindi ko na ma-contact.
Napatingin ako sa glasswall kung nasaan si Damulag habang nakahiga sa isang mahabang kama.
Tapos na siyang i-check-up at kung ano-anong aparato ang ginamit sa kaniya para malaman kung anong problema tapos may mga tinanong din ang Doctor na kaibigan ni Kier kay Damulag.
Habang tinatanong si Damulag ay hawak-hawak lang nito ang aking mga kamay animong ayaw akong pakawalan.
Parang tamad na tamad din siyang sumagot sa Doctor habang kinakausap siya nito kanina ay apura laro ni Damulag sa mga daliri ko pati panay ang bulong na nagugutom na siya.
Ngayon naman ay payapa siyang natutulog siguro ay napagod din siya ako naman ay halos makalimutan ko masakit ang puson ko dahil kinakabahan ako sa hindi malamang dahilan.
Bumukas ang pinto at pumasok ang Doctor na nagcheck-up kay Damulag hindi ko alam bakit ang bilis namin makuha ang result test.bSiguro dahil si Kier ang nagpadala sa amin dito kaya naman talagang binilisan nila ang proseso.
"Ito na ho ang result ng test natinx" panimulang ani ng Doctor pagka-upo niya kaya naman napaayos ako ng upo ko.
Sandaling pinasadahan ng Doctor ang papel na nasa folder bago tumingin sa akin.
"Doc ano hong sakit ni Damulag?"
"Tatapatin nakita hindi na ako magpapaligoy, the patient is suffering from Amnesia."
Unti-unti akong kinain ng kaba alam ko naman na iyon pero iba pala kapag Doctor na ang nagsabi.
"He's suffering from Dissociative amnesia."
---
BINABASA MO ANG
Back to Six
General FictionThey met accidentally. Literal na aksidente iyon at simula no'n ay hindi na tinigilan ng gwapong lalaki si Denzy. Kung saan siya pumunta ay nandoon din ito, kung anong gagawin niya ay gagawin din nito. Kahit anong pilit na taboy niya rito ay hindi i...