KABANATA 20

81.7K 3.6K 679
                                    


Kabanata 20:

           ISANG-LINGGO na ang lumipas nang magpunta kami ni Damulag sa neurologist para sa check-up niya, isang linggo na rin simula nang mawalan siya ng malay mabuti at hindi na iyon naulit-ulit.

Isang linggo na rin nang magkausap kami ni Kier simula no'n ay hindi pa siya tumatawag o nagtetext katulad ng sinabi niya ay hindi ako nagtext o tumawag dahil sabi niya ay siya ang unang ko-contact sa akin.

Hindi ko pa nasasabi kila Nanay na nakita ko na ang ama ni Dem siguro ay saka na lang paghanda ng lumitaw si Kier. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung bakit nagtatago ang isa na 'yon, hindi na ako nagtatanong dahil wala naman akong karapatan para alamin pa iyon.

Labas na ako sa bagay na iyon.

Itinaas ko ang kamay ko para makita ang singsing na binigay sa akin ni Damulag. Napasikipan ko na ito kaya kasyang-kasya na.

Bumaba ang tingin ko sa lalaking nakayakap sa aking beywang habang nakasubsob sa aking leeg at mahimbing na natutulog. Kung noong una ay naghaharang pa ako ng unan sa pagitan namin ay ngayon ay halos hindi ata ako nito binibitawan kahit gabi. Basta nagigising na lang ako na wala na ang unan at nakayakap na siya sa akin hanggang nasanay na lang din ako na gano'n.

Noong mga nakaraan araw sinusubukan ko pa rin hanapan ng impormasyon tungkol kay Damulag pero wala pa rin akong mahanap.

Kahit nga mga magazine ay nanghingi na ako sa kapitbahay nagbabakasakaling may larawan do'n si Damulag pero wala.

"Good morning, Mee." Napatingin ako kay Damulag na namumungay ang mata na nakatingala sa akin.

Palihim akong napalunok dahil doon.

"G-Good morning din." Hindi na ako nagulat ng umangat ang kanyang mukha upang abutin ang aking noo at halikan iyon.

Hindi ko alam saan niya iyon napanuod basta nasanay na lang ako na kapag umaaga ay hahalikan niya ako sa noo.

"Mee, I'm hungry," aniya tapos ay dahan-dahan umupo.

Natatawang umupo rin ako, paanong hindi siya magugutom e hindi siya kumain kagabi dahil nakatulog agad siya sa sofa aba't gusto pa ngang magpabuhat sa akin nang ginigising ko siya para lumipat na sa kwarto. Syempre hindi ko ginawa dahil ang laki niya baka mahimatay ako kapag binuhat ko pa siya.

"Tara magluluto na ako. Tapos aalis tayo pupunta tayong palengke wala na tayong stock na bigas," paliwanag ko sa kanya.

Nakatingin lang siya sa akin habang nagsasalita ako.

"Ano?" tanong ko.

"I had a nightmare Mee," kwento niya habang nakatingin sa akin.

Bumangon ako at nagtali ng buhok habang nakatingin sakaniya. "Ano naman napaginipan mo?"

"A woman," aniya.

"Oh tapos?"

"She's crying. I saw myself laughing at her. I promise Mommy I don't want that. Ayaw ko pong umiiyak ang girl."

Napukaw ang atensyon ko sa sinabi niya.

"Anong nangyare?"

Bahagya siyang nag-isip "Mmm. I can't remember what happened next. But it's weird Mom," aniya.

"Bakit?"

"Because the woman is you." aniya dahilan para mapakurap-kurap ako.

Ako? Bakit naman ako iiyak at bakit naman tumatawa pa si Damulag habang umiiyak ako? Hindi naman ganon ka bully itong si Damulag.

"Ako? Hehehe. Bakit naman ako iiyak? Huwag muna isipin yan panaginip lang siguro yan," aniko tumango naman siya bago kami lumabas ng kwarto.

Kagaya ng sinabi ko ay pinagluto ko siya ng paborito niyang hotdog at itlog saka tinimplahan ng kape. Pagkatapos no'n ay pumunta kami sa palengke para mamili.

Back to SixTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon