KABANATA 32

78.8K 3.7K 765
                                    

Kabanata 32:

"Saan po tayo pupunta?" tanong ko kay David dahil nakaabang na sila at tatlong body guard pagkarating ko sa Elegant Corporation.

Hindi pa tapos ang isang linggo kong break ang kaso ay pagkauwi ko galing sa mall kahapon ay nagtext si Ma'am Faye na madami raw akong gagawin at kailangan na raw ako magreport.

"Malalaman niyo rin po," aniya tapos ay tipid siyang ngumiti sa akin.

Nagkibit-balikat na lang ako bago ihilig ang aking ulo sa bintana ng kotse. Hindi talaga ako masyadong nakatulog kagabi dahil sa kakaisip ng kung ano-ano.

Lumipas ang oras at hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising lamang ako nang maramdaman kong may humahaplos sa aking pisngi habang nakahilig ako sa isang malambot na bagay.

Halos manlaki ang aking mata at napabalikwas ako sa aking pagkakaupo nang makita ko si Damulag na nasa aking tabi. Nakahilig ako sa kanyang balikat habang hinihimas niya ang aking kaliwang pisngi.

"We're here," anunsyo niya.

Napakurap-kurap naman akong inilibot ko ang paningin ko sa labas ng kotse, nasa open field kami at may helicopter sa labas.

"B-Bakit ka nandito? Anong ginagawa mo rito? At saka bakit ka dikit nang dikit ang b-baho mo," hindi makapaniwalang usal ko. He smells good. Really fucking good.

Timagilid pa ang ulo niya, may kakaibang emosyon sa kanyang mata na hindi ko mapangalanan. "In case you're not updated, this is my car. And oh boy, I smell so fucking good. Thank you so much," mayabang na aniya bago buksan ang pinto sa gilid ko kaya bahagya siyang dumukwang para abutin ito upang buksan.

"Beautiful first," aniya.

Napalunok ako dahil doon at wala sa sariling lumabas ng kotse naramdaman ko naman na sumunod siya sa akin.

Bakit feeling close 'to ngayon? Baka nakakalimutan niya tiningnan niya ako nang masama kahapon kasama niya pa ang babaeng 'yon!

"Let's go." Naglahad siya sa akin ng kamay.

Kinagat ko ang ibabang labi at naglakad papunta sa helicopter hindi ko pinansin ang paglahad niya sa akin. Akala ko ay hindi niya iyon papansin kaya nagulat ako nang sumabay siya sa akin maglakad at mahigpit na pinagsaklob ang aming mga daliri.

"A-Ano ba?" Naiilang na tanong ko.

"Just hold me," malumanay na sabi niya, hindi ko na inalis ang kamay ko hanggang makarating kami sa helicopter, pilit kong tinatago ang kaba sa aking dibdib.

Kahit naman anong tanggi ko at kahit anong pagpapanggap kong galit sa mokong na ito mas lamang pa rin ang nararamdaman ko. Nakakatawang isipin na nagmahal ako ng lalaking alam kong hindi naman masusuklian ang nararamdaman ko.

Hindi ako mapakali nang pataas na ang sasakyan namin, ngayon lang ako nakasakay sa helicopter kaya naman kinakabahan ako.

"Are you nervous?" tanong ng lalaking katabi ko.

Huminga ako nang malalim. "Obvious ba? Hindi ko alam kung paano sumakay sa helicopter, paano kung-kung mahulog tayo. Oh God!" histerikal na sabi ko.

Nakita kong tumaas ang sulok ng kanyang labi. "Relax, you just need to sit. Hindi naman ikaw ang magpapaandar nito kaya wala kang dapat ikatakot, and you're with me. Tingin mo hahayaan kong may mangyari sayong masama? Bago ka masaktan ako muna, Denzy," bahagya niyang pinisil ang aking kamay bago humilig sa aking balikat.

Napalunok ako habang pilit pinapakalma ang traydor kong puso. I missed this, namiss ko 'yong mga panahon na ganito kami. 'Yong uupo kami tapos yayakap lang siya sa akin at maglalambing. I miss my baby damulag.

Back to SixTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon