Kabanata 27:"What are you doing here Bianca?"
"Don't you miss me babe?" mapang-akit na usal ng babaeng kilalang-kilala ko kahit pa ito pa lang ang pangalawang beses namin magkita ng personal.
Para akong tinakasan ng dugo sa mukha nang makita kong bumaba ang palad ni Bianca sa matipunong dibdib ni Alpha at masuyo iyong hinihimas.
She seductively caressed Alphanzí's chest and fixed his necktie.
"How did you know that I'm here in the Philippines?" kunot-noong tanong ni Damulag sa kanya.
Mapang-akit na ngumiti naman si Bianca. "Your brother told me. Come on Alpha I missed you. I miss your kiss, your touch babe. Huwag ka ng magtrabaho ipag-utos mo nalang yan sa mga tauhan mo. Minsan na nga lang tayo magkita e. Please come with me. I wanna go shopping babe!" ani habang hinihimas himas ang dibdib hanggang balikat at braso ni Damulag.
Napaawang ang bibig ko dahil pakiramdam ko ay hindi na ako makahinga sa mga nakikita ko. Naikuyom ko ang aking kamao nang nakita kong ngumiti si Damulag sa kanya.
"All right. Wait me outside, okay? May ipagbibilin lang ako sa assistant ko," malumay na usal ni Damulag.
"Yay, thanks babe!" masayang lumabas ng opisina si Bianca na hindi man lang napansin ang presensya ko sa gilid dahil natatabunan ako ng mga folder.
Mabuti na rin hindi niya ako nakita.
Parang may sumaksak sa puso ko sa mga nakita ko. Kinagat ko ang aking ibabang labi nang makalabas si Bianca, humarap sa akin si Damulag habang inaayos ang coat niya.
"Finish that folders, I need that tomorrow before lunch," sabi niya bago tuluyan lumabas, hindi man lang ako hinintay magsalita.
Napamaang ako dahil doon.
"Finish! Eh kung buhay kaya ng babae na 'yan i-finish ko!" inis na bulong ko sa kawalan bago kunin ang telepono.
Hindi ko alam kung paanong nangyaring magkasama si Damulag at Bianca, paano sila nagkakilala at ang walang hiyang babae may pa babe pa!
Mabilis kong tinawagan si Kier.
Nakatatlong ring bago niya ito sagutin. Narinig ko pa siyang nag-excuse sa kung sino man bago tumahimik sa kabilang linya.
"Hey, emergency? Kumusta mga bata? Nasusunog ba ang bahay? Nabangga ka? Naholdap? Nakalunok ba si Sammy ng tae at—" Napabuntong hininga ako dahil masiyado siyang nag-oover acting na naman.
"Calm down. Wala sa nabanggit mo pero may malaki tayong problema Kier," nanlulumong sabi ko.
"Spill the tea, sis?" biro pa niya pero hindi ako tumawa.
Kinagat ko ang aking ibabang labi. "Mamaya ko na lang sasabihin. Susunduin mo naman ako hindi ba?"
"Eh bakit ka pa tumawag kung hindi mo naman sasabihin ngayon edi maiisip ko lang yan hanggang mamaya." iritang sabi niya.
"Hoy lalaki bakit ba ang sungit mo? Basta mamaya na madami pa pala akong tatapusin. Basta paalala mo na lang sa akin mamayang may sasabihin ako." Madalas kasi ay nakakalimutan ko kung anong sasabihin ko.
Narinig ko pa siyang mag 'tsk'. "Sige na, nasa meeting ako. Bye Denden," aniya bago namatay ang tawag.
Hinilot ko ang aking sentido bago simulan ulit ang ginagawa, pero lumipas ang oras ay para akong lutang wala ako sa aking sarili habang nagta-type.
Naiisip ko kung nasaan si Damulag, kung bakit niya kasama si Bianca. Anong ugnayan nila? Matagal na ba silang magkakilala?
"Ugh!" inis na sabi ko bago ibaba ang huling folder.
BINABASA MO ANG
Back to Six
General FictionThey met accidentally. Literal na aksidente iyon at simula no'n ay hindi na tinigilan ng gwapong lalaki si Denzy. Kung saan siya pumunta ay nandoon din ito, kung anong gagawin niya ay gagawin din nito. Kahit anong pilit na taboy niya rito ay hindi i...