Kabanata 38:
Kinabukasan ay nagising ako sa isang puting kwarto. Kaagad akong ginapang ng kaba dahil hindi pamilyar ang paligid pero agad din naglaho nang maalala ko ang nangyari nang madaling araw.
Nalaman ko na lahat.
Ang malanding bukangkang na iyon ang pumatay sa magulang ko, hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala.
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako kakaiyak habang yakap ako ni Damulag. Naalimpungatan lang ako nang buhatin niya ako at ilapag sa malambot na kama.
Nang magising ako at lumabas nang kwarto ay si Kier ang naabutan kong nasa sala habang sumisimsim ng kape, wala na si Damulag dahil kailangan pa nitong bumalik sa hotel upang hindi makahalata si Bianca. Si Berto naman ay nasa kusina nang bumaba ako iniiwasan niya ang aking mga tingin. Hindi ko pa rin kayang makipag-usap sa kaniya sa ngayon.
Ngayon ay ihahatid ako pabalik ni Kier sa resort, ilang beses ko ng tinatanong sa kanya kung ano ang planong sinasabi ni Damulag pero isa lang ang laging sagot ni Kier.
"Huwag ako ang tanungin mo Denden," aniya.
Pinukol ko siya ng masamang tingin. "Ikaw, alam mo ba kung gaano mo ako pinag-alala nang malaman kong nahulog ang sinasakyan mong sasakyan sa bangin? Halos mahimatay ako no'n tapos may pa tawag-tawag ka pa mas lalo tuloy akong kinabahan," inis na aniko sa kaniya pero ang tukmol ay tumawa lang.
"Sinadya namin iyon Denzy. That's the plan," aniya tapos ay kumindat.
Napailing na lang ako, hindi ko alam kung anong plano ni Damulag. Hindi nakakatuwa.
"Kier, hindi ko maintindihan. Mayaman si Damulag at may malakas na kuneksyon kung gugustuhin niyang maipakulong si Bianca ay madali lang. B-Bakit kailagan niya pa itong pakisamahan, bakit kailangan niyang magpanggap na gusto niya 'to?" takang tanong ko habang nakatingin sa mga damuhan na dinadaanan namin.
"Paano mo naman nasabi na hindi niya talaga gusto si Bianca?" balik tanong niya kaya kunot-noong bumaling ako sa kaniya.
"Anong sabi mo?!" inis na usal ko at akmang babatuhin siya ng tissue na nasa loob ng kotse ng humagalpak siya ng tawa.
"Joke lang, alam ko naman patay na patay ka sa lalaki na 'yon," sabi niya sa mapaglarong tono.
Napabuntonghininga ako bago mag-iwas tingin. Gano'n na ba ako kahalata?
"Just trust your Alpha." Hindi ko maiwasan mapangiti dahil sa sinabi niya. "Ayiee kinikilig na naman ang pempem mo." Aniya bago ihinto ang kotse dahil nasa harap na kami ng resort.
Agad kong hinampas si Kier na tumawa lang. Minsan talaga hindi ko maintindihan ang lalaki na ito.
"Ang bastos ng bunganga mo." Pinandilatan ko pa siya ng mata.
"Pero madaming babaeng baliw na baliw dahil sa bungangang ito Denzy," aniya tapos kumindat.
"Yan! Iyang kalandian mo ang dahilan kung bakit puro panganay ang anak mo! Baka naman may anak ka pa sa iba sabihin muna balak mo atang magtayo ng day care center e. Akala ko pa naman dati good boy ka." Inirapan ko siya.
Bigla siyang natahimik. "Miss ko na ang mga anak ko." Bumuntong hininga siya.
Nagbaba ako ng tingin."Pasensya na Kier, nadadamay pa kayo sa mga nangyayari sa buhay ko," pahina nang pahinang usal ko.
Ginulo niya ang aking buhok. "Wala kang kasalanan bago pa kita makilala magulo na rin ang buhay na mayroon ako. Kaya nga nagtatago ako noon." He chuckled. "Anyways, bumaba ka na at kay Damulag mo ikaw magtanong kung anong plano. Nasa kanya na iyon kung idadamay ka niya o hindi." Tipid siyang ngumiti.
BINABASA MO ANG
Back to Six
General FictionThey met accidentally. Literal na aksidente iyon at simula no'n ay hindi na tinigilan ng gwapong lalaki si Denzy. Kung saan siya pumunta ay nandoon din ito, kung anong gagawin niya ay gagawin din nito. Kahit anong pilit na taboy niya rito ay hindi i...