KABANATA 14

78K 4K 563
                                    


Kabanata 14:

Nakatitig ako sa kisame ng ospital nang bumukas ang pinto nito kaya bahagya akong umupo at tipid na ngumiti kay Jules.

"Okay na ba?"

"Oo, nabayadan ko na. Sure kang ayos ka lang? Uuwi ka na?" tanong niya pabalik tapos ay dumeretsyo siya sa small table sa gilid ng kama ko at kinuha ang isang apple roon at kumagat.

Bahagya akong tumango.

"Ayoko ng magtagal dito bakla, sayang ang perang ibabayad saka ayos naman na ako mga pasa at gasgas lang to," sabi ko bago bumaba ang tingin sa mga pasa at gasgas kong natamo sa braso at hita.

Ayoko naman na gumastos nang malaki habang nakahiga ako rito. Kung magpapahinga ako ay sa bahay na lang, saka hindi ako komportable sa amoy ng ospital pakiramdam ko ay lalo akong sasamain ng pakiramdam.

Isang araw pa lang simula ng nangyari sa may park, hindi pa rin ako makapaniwala. Una, dahil hindi ko alam na mangyayareiiyon sa akin. Pangalawa, akala ko talaga may mangyayaring masama sa akin akala ko katapusan ko na. Pangatlo, si Damulag pa ang tumulong sa akin.

"Nasaan na pala si Damulag?"

"Nasa labas kasama si Berto," ani Jules habang inaayos na ang mga gamit ko.

Nuong unang araw namin dito ni Damulag ay dahil sa allergy niya tapos nagkapalit kami at ako naman ang na-ospital.

Wala naman masamang nangyari sadyang napagod lang siguro ang katawan ko at dahil sa takot na rin na naramdaman ko kaya halos buong araw akong tulog kahapon mabuti na lang at natawagan ko si Jules at Berto para tingnan muna si Damulag habang nagpapalakas ako.

Ang kalbong muntik ng may gawin masama sa akin ay nakakulong na, mabuti na lang talaga at inasikaso ni Jules iyon habang tulog ako. Si Berto naman ang nagbabantay kay Damulag, nagpapasalamat na lang ako dahil kahit panay ang english at bulol naman si Berto ay nagkakaintindihan naman ang dalawa.

Sakto naman bumukas ulit ang pinto at iniluwa ang gwapong lalaki.

"Mommy!" matinis na boses nito nang makitang gising na ako.

Kaagad tumakbo si Damulag at sumampa sa gilid ng kama ko bago naglalambing na yumakap sa aking beywang.

Tipid na ngumiti ako kay Berto na kakapasok lang din.

"Tabi ko tayo huwag kang tsatsakbo!" hinihingal na usal nito kay Damulag tapos ay napatigil siya ng makita itong nakayakap sakin. "Ahm, ta labat nalang muna ako Tenzy. Iintayin ko nalang kayo ton." aniya.

Hindi ko naman nakakalimutan na may gusto sa akin si Berto pero alam din naman niyang hanggang kaibigan lang talaga ang kaya kong ibigay sa kanya. Nagpapasalamat na lang din ako at pinapakisamahan niya nang maayos si Damulag.

"Sige Berto lalabas na rin kami inaayos lang ni Jules 'yog gamit ko. Salamat pala sa pagbabantay Kay Damulag," sagot ko at ngumiti tumango lang siya bago isara ang pinto.

Napatingin naman ako kay Jules na tapos nang mag-ayos.

"Tara gorabels na, latang gulay na si aketch," aniya.

Ginulo ko ang buhok ni Damulag habang nakayakap pa rin siya sa akin.

"Tara uuwi na tayo." Napatingala naman siya sa akin. Hindi ko alam kung bakit lagi akong napapatitig sa mata niyang abuhin.

"Ateng una na ako sa sasakyan sunod kayo." Rinig kong usal ni Jules bago ko marinig ang pagbukas sara ng pinto.

Humiwalay na si Damulag mula sa pagkakayap niya, mabuti na lang at nawala na rin ang mga pantal niya at pamamaga ng labi niya.

Back to SixTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon