Kabanata 22:Napabuntong-hininga ako habang nakatingin sa kalsada. I looked around before I stepped back. Madilim na ang langit alam kong sa ilang sandali pa ay babagsak na malakas na ulan.
Sumulyap pa ako sandali sa dati kong apartment na ngayon ay isa ng malaking bahay.
Nang umuwi galing ibang bansa ang anak ng may-ari ng dati kong inuupahan ay kinailangan namin umalis dahil napagdesisyonan nilang huwag ng paupahan ang lugar at patayuan na lang ng bahay at dito na maglagi sa Pilipinas. Kahit naman ayaw namin umalis ay wala naman kaming magagawa.
It's been three years.
Kapag may oras ako ay bumabalik ako sa lugar na ito at tumatambay kahit isang oras lang nagbabakasaling baka bumalik siya.
Naghihintay na baka dumating ang araw na tuparin niya ang pangako niya. Pero lingo, buwan hanggang umabot ng taon hindi na siya bumalik.
Hindi na ulit kami muling nagkita ni Damulag.
Alam kong kasalanan ko naman e dahil ako ang nagtulak sa kaniya palayo, ako ang gumawa ng desisyon nang araw na iyon. Pero wala akong pinagsisisihan sa ginawa ko dahil alam kong iyon naman ang makakabuti sakaniya. Kung sakaling naging makasarili ako at tinago ko siya magiging masaya ba ako? Magiging maayos ba kami? Hindi rin.
Dahil alam kong hindi ako papatulugin ng aking konsensya. Alam kong tama ang ginawa kong ibalik si Damulag sa mundo kung saan siya nababagay.
Sa mundo malayo sa mundong ginagalawan ko.
Until now, the memories are vivid.
Hanggang ngayon ay naaalala ko pa ang itsura na habang nagmamakaawa sa akin na huwag siyang ipamigay, na huwag siyang bitawan. Until now, masakit pa rin.
Pumara ako ng taxi upang makauwi na sa bago kong tahanan. Hindi man nag-iinit ang puwet ko sa upuan ay tumunog na ang aking phone.
Bahagya kong naitirik ang aking mata dahil alam ko na kung sino ito.
"Hello?" bungad ko.
"Where are you? Alam mo ba kung anong oras na? Nakalimutan mo ba? Today is—" Mariin akong pumikit bago ko putulin ang paninermon niya.
"Today is Sammy's birthday. I'm going home now, Kier. Chill," kalmadong sabi ko para putulin ang sasabihin niya. Paano ko naman iyon makakalimutan?
I heard him 'tsked'.
"Okay, hintayin ka namin."
"Sige na po." Bago ko patayin ang tawag.
Napatingin ako sa mga nagtataasang gusali sa labas. Sa lumipas na panahon ay madami ng nangyari at nagbago. Madami rin akong nakilalang ibang tao na naging kaibigan ko.
Ni hindi ko alam na aabot ako sa punto na ganito. May mga nawala sakin at mayroon din naman dumating sa akin. Sa tingin ko ay nakatadhana lahat ng nangyari sa akin.
Lumipas ang kalahating oras at hindi ko namalayan na nakarating na kami sa address na ibinigay ko sa taxi driver. Mabilis na nagbayad ako bago lumabas.
Napabuntong-hininga ako nang mabuksan ang gate ng malaking bahay. Hindi ako kumatok basta binuksan ko ang pinto at kagaya ng inaasahan ko ay isang matinis na boses ng bata ang sumalubong sa akin.
"Ma! Ma-Ma!" anito.
Lumawak ang aking ngiti ng lumapit ako kay Sammy habang karga ito ni Kier na kakababa lang ng hagdan.
Pinugpug ko ng halik ang magkabilang pisngi ni baby sammy na dalawang taon gulang na.
"Hey baby miss mama?" tanong ko dito bago haplusin ang munting buhok sa ulo nito.
"Kanina ka pa nito hinihintay e." ani Kier bago ako halikan sa pisngi.
Ininat naman ng bata ang munting braso nito animong nagpapabuhat sa sakin kaya naman kinuha ko ito kay Kier.
"Dumede na ba siya?" tumango si Kier bago pulutin ang nagkalat na mga laruan sa sahig tapos ay hinilot ang sentido.
Napangisi ako dahil alam ko na ang patutunguhan ng ganitong eksena at hindi ako nagkamali nang sumigaw si Kier.
"Deeeeeem! Mama is here! Clean your toys!" usal nito habang iniipon ang nagkalat na laruan.
Umupo naman ako sa sofa. Bago ko.halikan ulit si Sammy "Happy birthday baby," bulong ko, humagikgik lang ang bata.
Ilang segundo lang ay tumatakbo na galing sa kusina si Dem habang may hawak na cupcake.
"Mama!" sigaw nito.
Lumapad ang ngiti ko ng lampasan ni Dem si Kier at salubungin ako ng yakap.
"Kamusta ang Kuya Dem ko? Nagpakabait ka ba habang wala ako?" tanong ko sa kanya.
Sinubuan ako ni Dem ng cupcake. "Opo naman Mama," aniya.
Sa gilid ng aking mata ay nakita kong bumuntonghininga si Kier bago umupo rin. Hindi ko maiwasan hindi mapangiti paniguradong pinasakit ng dalawang bata ang kaniyang ulo buong araw habang wala ako.
"Maglinis ka muna ng katawan mo saka tayo kakain pagtapos mo," sabi ko Dem bago ito halikan sa noo. "Ate Inda!" tawag ko sa katulong sa bahay.
Ilang sandali pa ay lumabas si Ate inda galing sa kusina, may tatlong katulong dito sa bahay. Si Manang ang tiga luto, si Isang na tiga linis ng bahay at si Ate Inda na matanda lang sa akin ng tatlong taon na siyang nag-aalaga kay Dem at Sammy kapag wala ako.
"Ate Inda pakilinisan naman ng katawan si Dem." Tipid akong ngumiti sa kaniya.
Kaagad naman niyang sinunod ang sinabi ko, nang tuluyan ng makaakyat sila sa itaas kung nasaan ang kwarto ni Dem ay napaharap ako kay Kier na nakasandal sa sofa ang ulo habang pagod ang mata nakatingin sa akin.
"Kamusta ang trabaho?" tanong ko sa kaniya. Marahan kong inuuga-uga si Sammy upang patulugin sa braso ko.
"Ayos lang medyo pagod galing pa akong Davao this morning nang tumawag kang wala ka sa bahay umuwe na ako," aniya kaya napangiti ako.
"Alam mo naman hindi ko pwedeng isama ro'n ang mga bata," aniko tapos ay bahagya akong sumandal para komportableng makaupo.
Tumango siya rinig ko ang buntong hininga niya. "Why are you still coming back to that place?" pagkuwan tanong niya.
Bumaba ang tingin ko kay Sammy hindi ako sumagot.
"Hanggang ngayon ba ay umaasa kang babalik siya? Are you still believing to his promise? Come on Denzy. Three years na ang nakalipas kung babalikan ka niya kahit nagpasalamat man lang ay ginawa na niya." He frowned.
Hindi ko alam kung bakit parang may tumutusok sa puso ko habang iniisip na hindi ko na makikita si Damulag, kahit na alam ko naman sa sarili ko na malaki ang posibilidad na hindi na nga kami magkita.
"Alam ko naman iyon Kier. Wala naman akong pinagsisisihan sa mga ginawa ko at desisyon ko. Pero sana hayaan mo na ako sa simpleng bagay na 'yon." tumingin ako sa kaniya habang nangungusap ang mata.
Nakita kong lumambot ang kaniyang mukha bago tumayo.
"Fine, sige na magpapahain na ako para makakain na tayo," aniya bago lumapit sa akin.
Dumukwang siya para halikan si Sammy sa nuo.
Tipid akong ngumiti.
He caressed my hair. "Just be careful. Don't forget that you are married now. Kasal ka sakin Denzy." anito bago ako halikan sa nuo at umalis papunta sa kusina.
--
SaviorKitty | Back To Six
BINABASA MO ANG
Back to Six
General FictionThey met accidentally. Literal na aksidente iyon at simula no'n ay hindi na tinigilan ng gwapong lalaki si Denzy. Kung saan siya pumunta ay nandoon din ito, kung anong gagawin niya ay gagawin din nito. Kahit anong pilit na taboy niya rito ay hindi i...