KABANATA 25

76.7K 3.6K 129
                                    

Kabanata 25:

"It's me Kier, we need to talk."

Mabilis kong binuksan ang pinto upang makapasok si Kier. Nagpalinga-linga pa siya bago tuluyan makapasok.

"Bakit ka nandito? Anong oras na, may problema ba?" medyo kinabahan ako.

Inikot muna niya ang paningin sa sala ng maliit kong apartment. Napangiwi ako dahil madumi ang sala dahil sa laruan ni Damulag na binili namin sa palengke.

Tumikhim ako upang kunin ang kanyang atensyon. "Doon na lang tayo sa kusina mag-usap." Tumango naman siya bago sumunod sa akin.

Nang nasa kusina na kami ay pinagtimpla ko siya ng kape bago ako umupo sa katapat niyang upuan.

"So bakit ka nandito?"

Nagpakawala muna siya ng malalim na hininga bago magsimula magpaliwanag sa akin. "Nasabi na sa akin ng kaibigan kong Doctor ang tungkol sa kalagayan ni Mr. Alforcourd. Tatapatin kita Denzy kailangan ng malaking halaga para sa therapy na 'yon."

"Alam ko naman iyon. Wala pa lang akong pera sa ngayon pero balak ko naman ipagamot siya kapag nakakuha na ako ng malaking pera," sabi ko tapos ay sumandal sa lamesa.

Nagpakawala siya ng buntong-hininga.

"Wala ka bang planong ibalik siya sa mundo kung saan siya nababagay?" kunot-noong tanong niya sa akin kaya napabuga ako ng hangin.

"Mayroon siyempre. Ang kaso nga hindi ko alam ang—"

"I'll help you. Tutulungan kitang ma-contact ang mga kamag-anak niya. Tutulungan kitang maibalik siya," aniya, pursigido ang mata.

Nagsalubong ang aking kilay. "Bakit ako magtitiwala sayo? Bakit mo iyon gagawin Kier? Bakit mo kami tutulungan?" puno ng pagdududa kong tanong sa kanya.

"Para makabawi sayo, kay Diane at sa anak namin. Para sa lahat ng pagkukulang ko," aniya ramdam ko ang sinseridad sa boses ni Kier.

Hindi ako nagsalita kaagad may parte ng pagkatao ko na natatakot na mawala si Damulag. Paano kung may masamang mangyari sa kaniya roon? Paano kung masama ang pamilya niya? Paano kung hindi totoo, wala akong tiwala dahil baka ibigay niya sa maling mga tao si Damulag. Okay na rito, at least ay ligtas siya.

"Listen Denzy." Kuha niya ng atensyon ko, pumitik pa siya sa harapan ko. "Manganganib ang buhay mo at mga taong nakapaligid sayo kung hindi mo ibabalik si Mr. Alforcourd. Buwis buhay ang ginagawa mo. Pasalamat ka na lang at hindi nila siya hinahanap dahil ang alam ng lahat ay patay na siya."

"A-Akala nila patay na siya?" hindi makapaniwalang tanong ko. Kaya ba walang naghahanap sa kanya?

"Yes, nawala ako ng ilang araw dahil nag-imbestiga ako. They thought that Mr. Alforcourd died ten months ago because of plane crash. Masiyadong mahirap makakuha ng impormasyon lalo na kapag matataas na tao katulad niya. Itinago nila ang balita na 'yon."

Lalo akong naguluhan sa kaniyang sinabi.

"Anong ibig mong sabihin, m-matataas na tao?"

"Like what I said before, he is the highest Genovese. Dapat ay hindi mo ito malaman pero naniniwala akong may karapatan kang malaman ang lahat."

Kinain ako ng kaba habang nagsasalita si Kier.

"Genovese is a largest and powerful organization in America. Masiyadong confidential ang grupo. Denzy sa buhay namin mga negosyante, hindi lang kumpaniya ang prino-protektahan namin kung hindi pati sarili namin. Sa tingin mo walang nagtatangka sa mga buhay namin? Mayroon. Pero dahil sa koneksyon namin ay napo-protektahan kami. And Alphanzí Eluard Alforcourd is part of that organization. No—He's more than a part of that. Let's just say, He's the founder. He is the Lord Alpha of them. Gano'n kadelikadong tao ang hawak mo Denzy," aniya.

Natulala ako dahil sa ipinaliwanag niya hindi ko alam kung paano maniniwala sa lahat ng aking nalaman.

Kumbaga siya ang nasa itaas. No, hindi masamang tao si Damulag. Ang bait-bait nga niya at inosente.

"M-Masama bang tao si Damulag?"

Kaagad umiling si Kier. "Hindi natin masasabi. Iyon lang ang nakuha kong impormasyon at alam ko. He is the founder of that organization but aside from that wala na. Kung anong klaseng organisasyon iyon at kung anong ginagawa nila. Wala na akong ideya."

"I-Ikaw kabilang ka ba sa kahit anong organisayon na 'yan?" kinakabahan tanong ko.

"No, mayroon akong koneksyon pero hindi ako kabilang sa kahit anong organisasyon. Sa tingin mo ang mga politiko at iba pang matataas na tao ay walang kinabibilangan? Syempre mayroon. Kailangan nila ng proteksyon," aniya.

Mariin akong napapikit dahil hindi ko pa alam ang gagawin ko dahil sa mga nalaman ko.

"A-Anong gagawin ko, kung madaming kaaway si Damulag ay delikado siya rito. Kailangan niyang makauwi sa kanila," kinakabahan aniko.

Hinawakan ni Kier ang aking kamay. "Gagawa ako ng paraan para mokontak ang grupo nila, may kakilala ako isang abugado ang alam ko kabilang siya sa Genovese. Matutulungan niya tayo pero Denzy limitado ang oras natin. Dahil sa oras na nalaman nila na buhay si Mr. Alforcourd pati ang mga kaaway niya ay malalaman na rin. Gano'n sila katindi," aniya.

Muli akong napalunok bago nag-isip. Kung ito naman ang makakabuti kay Damulag. Handa ko na siyang ibalik at ayaw ko rin mapahamak ang pamilya ko.

"Isipin mo na lang na kapag nalaman nilang inaalagan mo siya, pati ikaw mapapahamak. Lahat ng mahal mo mapapahamak," mahinang aniya.

"B-Bigyan mo ako kahit isang araw, isang araw na kasama siya. Pagkatapos no'n ibabalik ko na siya. Papalayain ko na siya," nanghihinang aniko.

**

SaviorKitty | Back To Six

Back to SixTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon