KABANATA 8

79.8K 3.9K 871
                                    


Kabanata 8:

Nahigit ko ang aking hininga habang tulala nang bitawan ni Damulag ang aking pisngi.

Pakiramdam ko ay tumigil lahat ng ingay sa pagilid, ni hindi ko na marinig ang sigaw at kalampag ni Berto sa pintuan ang tanging naririnig ko lang ay lakas ng kabog ng puso ko.

Kaagad kong nasapo ang dibdib ko sabay na tiningnan ng masama si Damulag na kumakandirit na naglalakad pabalik sa sofa.

Sasampalin ko sana siya kaso...

"H-Hoy! Anong ginawa mo?!" sigaw ko sa kaniya, padabog na naglakad ako papalapit sa kanya.

Seryosong nameywang ako sa mismong harapan niya habang nakaupo siya at nakatingala sa akin.

"Alam mo ba ang ginawa mo?!" inis na tanong ko tapos napahawak ako sa aking labi.

Tumingin si Damulag sa akin na parang maamong tupa na hindi alam ang ginawa, pinaglalaruan niya ang kaniyang daliri habang nakatingin sa akin.

"Tenzy! Tenzy! Buktat mo to, ayot ka lang ba? Tenzy?!" mariin akong napapikit ng marinig ko ulit ang boses ni Berto na sumisigaw sa labas ng apartment ko.

"Diyan ka lang hindi pa tayo tapos," banta ko kay Damulag tapos pumunta ako sa pinto para kausapin na si Berto.

Bubuksan ko na ang pinto nang maramdaman ko na naman si Damulag sa aking likod kaya kaagad akong napatingin sa kaniya, naabutan ko siyang nakasimangot.

"Sandali lang 'to do'n ka na," utos ko sa kaniya pero umiling-iling siya at parang batang kumapit sa laylayan ng damit ko kaya napairap ako.

Wala akong nagawa kung hindi buksan ang pinto at saktong tumama ang palad ni Berto sa aking nuo ng akmang kakatok siya.

"Aray!" Bwiset naman oh, ginawa pang pinto ang noo ko.

"Nako! Tenzy indi ko alam lalabat ka. Torry Tenzy." Panghingi niya ng tawad, agad naman akong ngumiti pero nauwi sa ngiwi.

"Ayot—este ayos lang. Bakit ka pala nandito?" mahinahong tanong ko sa kanya at sumilip pa ako sa malabas para sinapit kung may mga kapitbahay na nakiki-chismis, mabuti at wala naman.

Hindi sa akin ang tingin ni Berto kung hindi sa malaking lalaki na nakakapit sa akin habang pinanlalaki siya nito ng mata.

Parang tinatakot niya si Berto dahil pinanlalakihan niya ito ng mata bahagya ko siyang siniko.

"Bad 'yan," bulong ko kay Damulag tapos napakamot ako ng ulo nang makita kong naguguluhan nakatingin si Berto samin.

"Tino yan Tenzy?" aniya.

Kinagat ko ang aking ibabang labi.

"Ahm, ano si ano. Pinsan ko to." kinakabahan usal ko.

Tinitigan ako ni Berto parang iniisip pa niya kung maniniwala siya sa akin. Tapos tumingin siya kay Damulag na nakanguso na.

"Panget mo." bulong ni Damulag tapos pinandilatan na naman si Berto.

Hindi yon pinansin ni Berto "Batit indi kayo magkamuka?" aniya.

"Hehe may lahi kasi tong italiano. Oo tama hahaha nakapag asawa yung tita ko ng imported."

"Akala ko nag-iitang anak ang nanay mo tapot patay na kapatit ng tatay mo." naguguluhan tanong niya. Nakakainis ang daming tanong hindi pa naman ako ganon kagaling mag sinungaling e.

"Oo nga, kase anak siya ng ano ni.. Ah oo anak siya ng kapatid ng kapitbahay ng tita ng inaanak ng kaibigan ng guard ng pamangkin ng lola ng pinsan ng kaaway ng kaibigan ng tita ng tatay ko. Hahaha oo tama yun nga." mahabang paliwanag ko mukhang hindi naman nagets ni Berto maski ako walang naintindihan sa pinagsasabe ko e.

Napakamot nalang ng ulo si Berto. "Tige Tenzy aalit na ako kapag may kailangan ka tabiin mo lang a?" aniya tapos tipid nangumiti kita na naman ang bungal niyang ngipin.

Tipid akong ngumiti bago isara ang pinto ay kumaway pa ako sa kaniya, pinanuod ko siyang umalis, baka liparin siya ng hangin sa labas. Sana mag-ingat siya pauwi, baka kainin siya ng aso, akalain buto siya.

Hays Berto kung pwede ko lang turuan ang puso kong mahalin ka ginawa ko na.

Napabuntonghininga ako bago bumaling sa lalaking nakakapit sa akin.

"Hoy may kasalanan ka pa sa akin. Ninakaw mo ang first kiss ko!" inis na usal ko sa kaniya tapos tinanggal ko ang pagkakakapit niya sa akin.

Hindi na ako lugi kasi ang gwapo ng first kiss ko pero kahit na dapat ay hindi niya iyon ginawa. Parang tsumatsansing lang ata 'to sa akin e.

Parang hindi naintindihan ni Damulag ang pinagsasabi ko dahil nakatingin lang siya sa akin habang pumupungay ang abuhing mata.

"Huwag mo akong daanin sa beautiful eyes na 'yan," singhal ko sa kaniya, hahampasin ko sana siya pero kinusot lang niya ang mata niya tapos ay humikab.

"I'm sleepy," paos na imporma niya.

"Tinatakasan mo lang ata 'yong sermon mo e," sabi ko pero hindi siya nagsalita. "Tss tara na sa kwarto. Huwag kang uutot ulit talagang sa labas ka matutulog pag umutot ka ulit," banta ko sa kaniya.

Masayang tumango siya tapos nagtatakbo papasok sa kwarto.

"Teka magpapalit ka muna ng damit." pahabol na sigaw ko.

Jusmiyo, parang nagka-anak ako ng hindi oras. Imbes na maayos ang buhay ko at tahimik kumuha pa ako ng alagain ni hindi ko naman kakilala.

Kung nandito lang ang magulang ko siguradong kukurutin no'n ang singit ko.


***

      Nagising ako kinabukasan dahil pakiramdam ko ay lumilindol. Kaagad akong napamulat dahil do'n napakurap-kurap pa ako nang makita ang lalaki na tumatalon-talon sa kama ko kaya kaagad akong napabalikwas sa gulat.

"Ano ba Damulag?!" inis na usal ko.

Muntik na kaming mahulog nqng dambahin niya ako ng yakap at mas awkward dahil nakakandong siya sa akin habang nakayakap ang mga braso sa leeg ko. Jusko ang bigat.

"Morning Mommy," aniya tapos ay ngumiti.

Tumikhim naman ako.

"Good morning din, pwede bang umalis ka sa ibabaw ko ang bigat mo," mahinang sabi ko, mabuti at sumunod siya sa akin.

Hinilot ko ang aking ulo dahil parang sasakit ito buong araw, pinaka ayaw ko pa naman ay ang nabibitin ako sa pagtulog.

Nagulat ako nang halikan ni Damulag ang nuo ko.

Napakurap-kurap ako dahil doon kasunod ng kabog ng puso ko habang nakatingin sa abo niyang mata. Walang malisya ang mga ito, wala akong nakikitang kahit ano sa mata niya na parang ginawa niya 'yon na natural na sa kaniya maging malambing.

"M-May pasok ako sa shop ngayon. Isasama ulit kita kasi baka masunog mo ang apartment pero ro'n ka lang ulit sa staffroom," paliwanag ko sa kaniya habang itinatali ko ang aking buhok.

Tumango lang siya.

"Tapos kapag hapon na pupunta tayo sa presinto para ireport ka baka hinahanap ka na ng pamilya mo," aniko.

Nakatingin lang siya sa akin parang iniintindi ang sinabi ko, alam kong naiintindihan na niya yon.

Ginulo ko ang buhok niya.

"Ikaw muna maligo bago ako kaya mo na siguro? Tinuruan na kita kahapon tingnan ko lang kung ano pwede natin kainin," sabi ko sa kanya.

Mabilis siyang tumango at patakbong pumasok sa banyo.

Napabuntonghininga ako nang tuluyan siyang mawala sa paningin ko.

"Sorry Damulag, kailangan kitang ibalik. Hindi ka pwede rito," bulong ko bago pumunta sa kusina.


____________________
SaviorKitty | Back To Six

Back to SixTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon