Chapter 3

4.2K 58 0
                                    

Maaga akong nag-paalam sa trabho. Ilang araw ng walang tigil ang ulan sumabay narin ang masamang pakiramdam ko.

Pag-dating sa apartment hinanap agad ng katawan ko ang malambot kung kama. Nararamdaman ko narin ang init na lumalabas sa katawan ko.

Ilang oras narin ang nakakalipas ng mahiga ako. Madilim narin sa labas isama pa ang malakas na ulan. Alasingko nang tignan ko ang oras sa cellphone ko.

Pinilit kung bumango kahit nanghihina ang katawan ko. Kumakalam narin ang sikmura sa gutom. Hindi ako nakapag lunch Kanina dahil sa sama ng pakiramdam ko.

Nakarating ako sa kusina, sapo ang masakit kung ulo pinilit kung makapag-luto ng noodles. Umupo ako saka pinatong ang ulo ko sa mesa habang hinihintay kung kumulo ang tubig.

"Aira!! "naalimpungatan ako sa sigaw naiyon.

Mausok ang kusina ng imulat ko ang mga mata ko. Malabo ang paningin ko sa matinding hilong nararamdaman at dahil narin sa usok.

"Balak mo bang sunugin ang apartment mo!! "Galit na singhal nito bago ako kinaladkad palabas ng kusina.

"Anong g-ginagawa m--"hindi natapos ang sasabihin ko nang umikot ang paningin ko.

Huling nakita ko bago nawalan ng malay ay ang dalawang pares ng mga matang walang imosyon.

Masama parin ang pakiramdam ko ng maalimpungatan ako. Pinilit kung bumangon ng maramdaman ko ang pag-alalay sa likod ko.

"Hungry? "

Lumingon ako sa gawi nito ng makasandal ako sa headboard ng kama ko.

"Bakit nandito ka? "hirap na ani ko. Nanunuyo ang lalamunan ko kaya hirap akong mag-salita. Napansin naman nito iyon kaya inabot nito ang baso ng tubig.

"Hindi ba dapat ay nag-papasalamat ka sakin"ani niya bago umupo sa silyang nasa tabi ng kama ko. Inayos nito ang salamin niya bago tumitig sakin.

"Salamat"ayoko mang nakikita ito sa apartment ko, ayoko rin namang paalisin ito kung hindi dahil sa kanya baka nasunog na ang apartment kasama ako.

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Gusto ko man itong paalisin alam ko sa sarili kung kailangan ko ng kasama ngayon lalo na at hindi pa maayos ang pakiramdam ko. "Si mama"wala sa sariling tanong ko.

Nanatili naman ang mga mata ko sa basong hawak ko. Alam kung nakatingin parin ito sakin kaya hindi ko magawang iangat ang paningin ko.

"Nasa bahay"humigpit ang hawak ko sa baso sa sagot nito.

Saang bahay,  sa bahay niya ba o sa bahay namin baka nag-sasama na sila ni mama. 

"Anong ginagawa mo dito? "balik na tanong ko.

Gusto kung mahiga at matulog ulit pero mas gusto kung malaman kung bakit siya nandito at kung bakit hindi niya kasama si mama.

Tumunog ang inuupuan nito, napaTingin naman ako sakanya nakatayo na ito ngayon. Nanatili akong nakatingin sa kanya kaya ng alisin nito ang salamin niya at tumitig ito sa mga mata ko pakiramdam ko tumigil ang lahat.

"Nag-aalala ang mama mo kaya pinapunta niya ako rito"napakurap ako ng sabihin niya iyon at doon ko lang napansin na sobrang lapit ng muka nito sakin.

Mabilis ko itong tinulak. "Umalis kana"ani ko saka bumalik sa pag-kakahiga , nag-talukbong din ako ng kumot.

Lumabas nga ito ng kuwarto ko. Hindi ko alam kung ilang minuto pa akong nakatulala sa ilalim ng kumot bago muling hilain ng antok.

Ayokong umiinom ng gamot hindi ko gusto ang lasa nito kaya madalas ilang araw nag-tatagal ang sakit ko. Madalas mag-isa lang din ako kaya minsan hindi ako nakakain ng maayos isa rin sa dahil kaya matagal ang pag-galing ko.

Inaasahan kung wala na si Rex sa apartment pag-kagising ko pero pag-baba ko sa sala nakita ko itong nakabaluktot sa sofa at mahimbing na natutulog.

Sa himbing ng tulog nito nag-dalawang isip akong gisingin ito.

Lumapit ako rito at wala sa sariling pinag-masdan ang muka nito. "Mayaman siguro ang damuhong ito"usal ko ng mapansin ang magandang kutis sa muka nito. Hindi pa ako nakontento pinasadahan ko ng tingin ang leeg nito pababa sa braso nito.

Maputi ako pero hindi ko inaasahang mas maputi ito at masakit mang-aminin sa sarili kung mas maganda rin ang kutis nito kesa sakin.

"Nakakailang laklak na kaya ng glulath ito"pinasadahan ko pa ulit ng tingin ang braso nito pabalik sa muka nito.

Muntik na akong mapatili ng makitang nakamulat ang mga mata nito"Done checking me? "malalim at malamig na ani nito. Ambang tatayo na ako ng mabilis nitong hilain ang kamay ko sumubsub ako sa leeg nito nanuot sa ilong ang mabangong amoy nito chocolate!  singit ng utak ko.Amoy chocolate kasi ang leeg nito.

"Anong ginagawa mo"ani ko ng hawakan nito ang batok saka dahan-dahang inangat ang muka kung nasa leeg niya"Don't move!"madiing ani nito.

Hinarap nito ang muka niya sakin saka dahan-dahang inilalapit ang muka ko sa kanya.Pinipigilan ko ang pag-lapit ng muka ko sakanya pero malakas ito kaya ng dumikit ang noo ko sa noo nito pinikit ko nalang ang mga mata ko.Nararamdaman ko ang pag-hinga niya sa muka ko,may kung anong pakiramdam sa katawan ko ang init na lumalabas sa bawat pag-hinga nito.

Malakas narin ang tibok ng puso ko habang mag-kadikit parin ang noo namin at ilang hibla lang ang malayo ng labi nito sakin.

"Don't think to much.Wala akong balak na halikan ka kung yan ang iniisip mo"

Inilayo nito ang noo niya sakin saka binitawan ang hawak sa batok ko.Inabot nito ang salamin sa ibabaw ng mesang nasa gilid ko ,sinuot niya ito bago tumayo at tinapunan niya ako ng tingin bago ako iwan.

Napahilamos ako sa muka ko saka madiing kinagat ang labi ko dahil sa inis.Ang kapal para namang mag-papahalik ako sa kanya----- Sumunod ako rito sa kusina.Agad akong umiwas ng tingin at mabilis na tinakpan ang labi ko para itago ang ngiti ko ng makitang suot nito ang apron kung pink na may design ni Patrick sa SpongeBob.

Cute ,Mahinang usal ko.Nag-init ang muka ko ng ibalik ko ang paningin ko sakanyA at naabutan kung nakatingin rin ito sakin habang salubong ang kilay niya.

"Noodles lang ang meron ka maayos paba ang kidney mong babae ka"umawang ang labi ko sa sinabi nito.

Sino ba ang lalaking to at hindi lang pag-pasok sa apartment ko ang ginagawa niya pati kinakain ko pinapakialaman niya.Gaano ba kakapal ang muka ng damuhong to!!!.










 DESIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon