"Aira Mendoza "
Papalapit sa akin ang isang babae na satingi ko ay siyang tumawag sa pangalan ko.
Nang ilang hakbang nalang ang layo nito sa akin tumigil ito.
"Kilala mo ako? "wala sa sariling tanong ko.
Hindi maganda ang pakiramdam ko kaya maging ang utak ko hindi rin gumagana ng maayos.
"Tatawagin ba kita kung hindi kita kilala"mataray na sagot nito.
Nag salubong naman ang kilay ko at nakaramdam din ako ng inis para sa babae.
"Pasensya na. Wala kasi akong kakilalang halos ilagay na sa labi ang laman ng isang lipstick at halos lumabas na ang dibdib sa suot niya.... Sino kaba? "
Umawang ang labi ng babae sa sinabi ko. Maging ako nagulat rin sa sinabi ko pero mabuti naring malaman nitong hindi maganda sa mata ang ayos niya.
"How dare you! "singhal nito, tinaasan ko lang ito ng kilay.
Hindi ko ugaling mag taray o makipag away. wag lang sanang nataon na masama ang araw ko o pakiramdam ko tulad ngayon dahil hindi ko uurungan ang kahit sino.
At mukang isa ang babaeng tao sa makakatikim ng masamang ako kung sakaling hindi siya umayos.
"Puede ba, hindi kita kilala at kung aakusahan mo akong inagaw ko ang syota mo nag kakamali ka, dahil hindi ako papatol sa lalaking ang gusto ay babaeng mukang dancer sa club"
Hinahagod ko ito ng tingin habang sinasabi iyon at ang namumula nitong muka na may halong galit ang nag sasabing kailangan kunang tumigil.
"Kaya nga ba hindi na ako nag taka kung sino ang nanay mo dahil pareho kayong walang pinag-aral .sa mga sinabi mo ngayon hindi na ako magugulat kung maging nursery manlang ay hindi mo narating"
Lahat ata ng dugo ko sa katawan umakyat sa ulo.
Gusto kung ihampas sa muka niya ngayon ang college diploma ng malaman niya kung saan ang narating ko.At hindi man kami mag kasundo ni mama wala parin siyang karapatang insultuhin ito sa harapan ko.
Sa galit na nararamdaman ko.Inilang hakbang ko lang ang pagitan namin,bago pa ito makakilos nahawakan kuna ang buhok nito at buong lakas kung hinala ito.
Napaluhod ito sa ginawa ko.Nag simula itong umiyak ,inalog alog ko ang ulo nito habang mahigpit ang pag kakahawak ko sa buhok nito.
Nag sisigaw ito,sinakyan ko ang likod nito at dalawang kamay ko narin ang nasa buhok niya.
"Masama ang araw ko dumagdag kapa, ngayon bawiin mo ang sinabi mo kung ayaw mong makahalikan ang simento!!"
"Walangya ka bitawan mo ako!"
Ambang aalugin ko ulit ang ulo nito ng marinig ko ang sigaw muka sa likuran ko.
"R-rex help me"sigaw ng babae.
Natigilan naman ako.Kinuha naman itong pagkakataon ng babae para makalayo sa akin.Nang humarap ako sa gawi ni Rex nasa bisig na nito ang babae.Umakyat ulit ang dugo sa Ulo .
"Lumayo ka sa babaeng yan Rex"galit na sigaw ko.Hahawakan ko sana ang babae para ilayo kay Rex ng itago niya ito sa likuran niya.
Gulat na tumingin ako kay Rex.Walang imosyong makikita sa muka nito.
"D-dumudugo ang tuhod ko"umiiyak na ani ng babae.Nilingon naman iyon ni Rex,nag dilim ang muka nito.
"Get in the Bianca"madiin na ani nito.
"No,I won't live you with this bitch!"duro nito sakin.
Sa buong buhay ko ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong galit.
"Ikaw na pok----"
"Enough!"
Napatalon ako sa sigaw ni Rex.
"Sino ba siya?"tanong ko saka masamang binalingan ng tingin ang babae.
"Tell her Rex!"
Kumunot ang noo ko sa sinabi ng babae.Nag palipat lipat ang tingin ko kay Rex at sa babae na Bianca pala ang pangalan.
Ang gandang pangalan pero sa babaeng ito pa ibinigay.
"Rex? "
Hindi ko alam pero biglang bumilis ang tibok ng puso ko. May kaba akong nararamdaman habang hinihintay kung mag salita si Rex.
"kung hindi mo sasabihin ako ang----"
"She's my sister"
Tumingin si Bianca kay Rex samantalang tumingin naman ako sakanya.
Hindi sila mag kamuka, wala akong makitang kahit kaunting pag kakapareho manlang nila.
"Sister? Hanggang ngayon ba ganyan parin ang tingin mo sakin"may pait sa boses ni bianca.
Nang lingunin ko si Rex may imosyon na akong nakita sa muka nito at naguluhan ako kung bakit takot ang nakikita ko doon.
"Tandaan mo kung anong ibinilin ni daddy sayo. Pakakasalan mo ako Rex. Ako lang wala nang iba"
Nabato ako sa kinatatayuan ko. Pakiramdam ko lahat ng ingay sa paligid ko nawala liban lang sa mabilis na tibok ng puso ko.
Nag sisimula palang kaming bumuo ng magandang relasyon ni Rex pero heto at may papakasalan na pala ito.
"H-hindi totoo yan, d-diba Rex"humakbang ako para hawak ito pero humakbang naman ito palayo. Nanlaki ang mata ko sa ginawa nito.
Nag simulang umagos ang luha ko ng ilang sigundo na ang lumipas pero walang salitang lumabas kay Rex para itanggi ang sinabi ni Bianca.
"Hindi naman kayo diba"napalingon ako kay bianca ng sabihin niya iyon.
"Lets go bianca"
Pinanood ko ang pag-alis ng mga ito.
Tumigil na sa pag tulo ang mga luha ko pero ang kirot sa puso ko lalo lang tumitindi habang pinapanood ko ang pag layo ng sasakyan ni Rex.
Hindi naman kayo diba? Bakit hindi niya sinabi kung ano ako sakanya. Bakit? Iniwan niya akong nag-iisa ng wala manlang sinasabi.
Anong dahilan ng takot sa mga mata niya.
Ano ba ang itinatago mo sakin Rex. Hindi mo ba ako kayang pag katiwalaan.
Hindi ko alam kung paano ako nakauwi sa apartment ko ng gabing iyon. Nagising nalang ako kinabukasan ng parang may butas sa puso ko at may mabigat na nakadagan sakin.
"Saan ba nakatira ang hayop na Rex nayan! "
"Lorie, hindi ka nakakatulong"
Hindi ako pumasok kaya ang dalawang ito narito ngayon para guluhin ang katahimikan ko. Gusto ko sanang mapag isa pero alam kung hindi mangyayari hanggat kaibigan ko si Lorie at Maggie.
"Sinabi ko sakanya noon, hindi na siya sisikatan ng araw pag sinaktan niya si Aira. Makikita ng lalaking yun ipapa salvage ko siya kahit ibayad ko pa ang buong sahod ko ng isang taon para sa gagawa nun. Walangya! Nanggigigil ako! "
Nag-talukbong ako ng kumot. Hinayaan kung ilabas ni Lorie lahat ng agenda niya kay Rex.
Kagabi ko pa gustong umiyak para manlang sana mabawasan ang kirot na nararamdaman ko pero mukang napagod na ang mga mata ko sa kakaiyak.
"Hanggat hindi mismo kat Rex nanggaling na papakasalan niya nga iyong babae, hindi ka dapat maniwala. Kailangang makausap mo si Rex at nang malaman mo kung ano talaga ang totoo"
Napaisip ako sa sinabi ni Maggie. Tama siya, alam kung mahal ako ni Rex at hindi niya ako basta nalang ipag papalit. Siguradong may dahilan kung bakit iyon nasabi ni Bianca.
Kailangan kung makausap si Rex.
.......
Mukang malalaman na ni Aira kung ano ang mga itinatago ni Rex. Hmmmm, ready kaya siya sa mga malalaman niya.
.....
Please! Follow my Second acc. Its @ginnievinnie I alredy posted my first story there.. T. Y
BINABASA MO ANG
DESIRE
Genel KurguSpg-BE OPEN MINDED I want to worship your body and kiss every inch of it....
