Chapter 28

1.1K 34 0
                                    

REX POV:

....

"Halos kalahati ng stockholder natin nag benta na ng shares nila Rex kailangan mong gawan ng paraan ito kung gusto mong manatili sayo ang company ng daddy mo"

Ang company nalang ang natitirang ala-ala ni daddy at doon lang nanggagaling ang ikinabubuhay namin. I cant lost that company.

"I am the only remaining stockholder na hindi pa nag bebenta ng shares Rex at alam mong kalahati ng company ng daddy mo ay ang pera ko. Halos palubog na ang company Rex, mababa ang market value ng product ninyo, hindi pa umaabot sa kota ang kinikita ninyo sa isang araw. So, paano mo maibabalik ang lugi mo sa araw-araw kung walang pumapasok na pera"

Im lost, i cant even think straight. Im loosing my dad's company and the only woman I love leave me. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Kung anong uunahin ko.

"I can save your dad's company Rex. Only if you marry my daughter "

Nakakatawa. Sa pelikula lang nangyayari ang ganitong eksena pero hindi ko akalaing nangyayari ito ngayon sakin.

Paano si Aira?  Paano ang company? Ayokong masaktan siya pero ayokong mawala sakin ang company ni dad.

.....
The moment I said YES on marrying Bianca. I know, i can never get back to Aira. Mahal na mahal ko siya pero anong karapatan kung bumalik sakanya kung hindi ko siya kayang piliin.

Hindi ko ba kayang mag hirap kaya ayokong mawala ang kompanya ni Dad?..... Hindi, kaya kung gumapang sa hirap kung kinakailangan pero hindi ko kayang isuko ng ganun nalang ang kompanya na pinag hirapang itayo ng daddy ko at ayoko ring isuko iyon sa kadahilanang paano kami ni Aira kung sakaling bubuo kami ng pamilya.

Ayokong idamay ang babaeng mahal ko sa pag bagsak ko.

Sa lahat ng naging disisyon ko sa buhay ang mag pakasal sa babaeng hindi ko mahal para lang sa ikasasalba ng company ni daddy ang pinakamaling naging disisyon ko.

Maling mali. Maisalba ko man ang company hindi narin iyon magiging akin dahil halos pag mamay ari na iyon ng daddy ni Bianca. Pera nito ang gagamitin sa pag angat muli nito at ako lang ang magiging kasangkapan para mangyari iyon.

Sumabay parin ako sa agos ng mga pangyayari. 

Sa loob ng dalawang buwan. Unti-unti kung naibalik sa ayos ang company. Nanatili naman sa tabi ko si Bianca ng mga panahong iyon.Halos mag iisang buwan palang ng mawalan ako ng koneksyon kay Aira ay nangyari naman ang engagements Party namin ni Bianca. Alam kung nakarating iyon sakanya. At gusto ko ring malaman niya dahil ayokong mag krus pa ulit ang landas namin.

Hindi man kami nakapag usap ng maayos o mas tamang sabihing hindi man maayos ang pag hihiwalay namin. Mabuti narin siguro iyon para lalo siyang magalit sakin at tuluyan na niya akong kalimutan.

Unti-unti kunang tinatanggap ang takbo ng buhay. Kahit na ang sigaw parin ng puso ko ay si Aira. Gustong gusto kung puntahan ito sa tuwing umaalis ng bansa si Bianca at ang ama nito pero ayokong pag ginawa ko iyon,  babalik lang ako sakanya at kung mangyari iyon alam kung hindi kuna siya pakakawalan pang muli.

Nang maramdaman ko ang pag mamahal para kay Aira. Alam ko sa sarili kung wala nang halaga pa ang mga balak ko at kung anong nangyari sa pagitan ng mga magulang namin.

Mahal ko siya at akala ko sapat na iyon para manatili ako sa piling niya pero hindi sumasang-ayon samin ang agos ng buhay. Nag hiwalay parin kami at nasaktan ko pa siya ng paulit-ulit.

Sa mga nangyari buong akala ko hindi na kami mag kikita pang muli. Kaya nang makita ko siya sa harap ng bahay ko ng gabing iyon pakiramdam ko lahat ng tamang pag iisip na natitira sa utak ko nawalang lahat.

Lalo pa nang malaman kung mahal niya parin ako at gagawin niya ang lahat bumalik lang ako sakanya.

Pakiramdam ko mababaliw na ako.

Ako dapat ang gumagawa ng paraan para bumalik siya sakin. Ako dapat ang lumuluhod at nag mamakaawa na balikan niya ako pero anong ginawa ko Paulit ulit ko siyang pinag tabuyan at sinaktan.

Nang pumunta siya sa condo ko. Tuluyan ng sumuko ang utak ko at hinayaan ko nalang ang puso kung mag disisyon sa mga mangyayari at nangyari.

....

Magagalit ba si daddy kung isusuko ko ang pinag hirapan niya?.....  Hindi, dahil matagal na siyang namamahinga at alam ko kung saan ako sasaya iyon ang hindi ko dapat isuko.

Kaya kung bumangon sa sarili ko pero hindi ko makakaya iyon kung wala sa piling ko ang babaeng magiging dahilan ng pagbangon ko.

Kailangan kung makasama si Aira. Sakanya ako kukuha ng lakas. Siya lang ang makakatulong sakin at mag papanatili sa kaayusan ng puso ko.

Mahal na mahal ko siya at tama na ang panahong sinayang ko.  Ngayon at inaabot na nito ang kamay niya sakin tanga ako para hindi abutin iyon at hindi kuna hahayaang mawala pang muli ang nag mamay ari ng mga kamay na iyon.

.....

"Baka naman malusaw ako sa kakatitg mo sakin" tinagilid ko ang ulo saka pinasadahan ng tingin ang buong katawan nito. Humalukipkip naman ito at tinaasan ako ng kilay.

"You look good on my shirt. Hindi kaba naiinitan kasi kung oo puede kung alisin kung gusto mo"

"Gusto mo lang makaisa kamo. Please lang, mag damag na tayong nag laro. Mag pakita ka naman ng pagod"

Natawa ako sa sinabi nito. Nilapitan ko ito at niyakap. Ang sarap sa pakiramdam na nasa piling kuna ulit si Aira.

Kung pwede lang kaming manatili nalang sa lugar na ito at kalimutan lahat ng naiwan namin. Mamumuhay kami ng mapayapa at bubuo ng masayang pamilya pero hindi ganun tumatakbo ang riyalidad ng buhay.

"We need to go back. Kailangan kung ayusin ang namamagitan samin ni Bianca " mariin kung pinag-dikit ang mga ngipin ko ng makita ang takot sa mga mata nito.

"Umuwi nalang tayo samin" ani nito. Matagal bago ako nakasagot. Kung tatakbuhan namin ang problema, susundan lang kami nito at hindi kami patatahimikin.

"Sa bahay ninyo tayo uuwi. Ibabalik kita sainyo" Lumayo ito sakin matapos ng sinabi ko.

Hindi ko gusto ang pag layo nito kaya mabilis kung hinila ang kamay nito saka ko ito niyakap. "paano ka. Babalik ka mag isa sa maynila"

"Ako ang gumawa ng problema A kaya ako rin ang aayos. Hindi mo kailangang sumama sakin. Pag naayos kuna ang lahat babalikan kita"

Naging mahigpit ang naging yakap nito sakin" gusto kung sumama sayo. Pano kung pilitin ka nilang pakasalan mo si Bianca"

Pinatakan ko ng halik ang ulo nito. Inangat naman nito ang tingin niya sakin.

"That will never happen. You cant force to marry someone you dont love A. Hindi nakasulat sa script ang mangyayari sa buhay ko o sa magiging disisyon ko. Ikaw ang mahal ko at ikaw lang ang gusto kung pakasalan"

"Paano ang company ng daddy mo? "

Bumuntong hininga ako. Nasabi kuna rito lahat ng nangyari at ayoko mang pakawalan ang company ni daddy, wala narin akong magagawa para mabawi ito sa pamilya ni Bianca.

"Hindi na samin ang company ng pumayag ako sa gusto ng daddy ni Bianca"

Kung gustong ayusin ang gulong nagawa ko kailangan kung mag sakripisyo alam kung mababago ang takbo ng buhay ko pag katapos ng disisyon kung ito pero hindi iyon ang magiging hadlang para sumuko ako.

I have Aira in my life now. Kaya kung mawala ang lahat wag lang ang babaeng nag papatibok ng puso ko.

"Rex"

"Hmmmm? "

"I love you"

If loving someone is a sin.I will offer my soul to satan,  just to be with that someone until my last breath.

"I love you too kit-kat"

.....

 DESIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon