Chapter 1:

9K 84 4
                                    

Snow white, Beauty and the beast, Rafunzel, Little Mermaid, Sleeping Beauty ----at marami pang iba.

Hindi  ka maniniwala na may happily ever after kung hindi mo napanood isa manlang sa mga fansty movie nayan at alam kung may mga paborito ka at minsan pa ay inaasam-asam mo rin na baka mangyari rin sayo ang happy ending ng mga character lalo na sa mga taong lubos na nag-mamahal.

Isa ako sa mga nangarap na sana maging happy ang ending ang buhay ko kasama ang lalaking ipinag-laban ko at pinag-alayan ko ng lahat nang meron ako.

...............

Cinderella!!!

Minsan sa buhay ko pinangarap kung maging katulad ni Cinderella at makatagpo ng  prinsepeng mag-mamahal sakin ng totoo at hindi iisipin kung saang pamilya ako galing o kung anong istado ng buhay meron ako.

Hindi nga lang lahat ng pinangarap o gusto natin mangyayari dahil sa totoong buhay walang Cinderella at lalong walang prinsepeng mag-mamahal sayo. 

Sa mundong ito ang mga mayaman ay para rin sa mayaman.

Kaya nga walang karapatang mag-mahal ang isang mahirap natulad ko sa isang mayaman.

Gold digger!!! Madalas tawag sa mga mahihirap na dumidigit sa mayayaman.

Bilang mahirap masakit marinig ang katagang iyon, katagang hindi ko aakalaing pag-titiisan kung pakinggan para sa pag-mamahal.

.....

"Hindi kaba nag-iisip!! Anong pumasok sa  utak mo at pinatulan mo ang babaeng yan!!! "

Masakit marinig na harap-harapang ayaw sayo ng mga taong nasa paligid mo pero dahil sa pag-mamahal pilit kung tinitiis lahat.

"I'm sorry Aira!! "

"I'm sorry Aira!! "

"I'm sorry Aira!! "

Tatlo, hindi Apat. Apat na beses ko ng narinig ang mga katagang iyon at apat na beses narin akong naiiwang luhaan at paulit-ulit tinatanong sa sarili ko kung anong nagawa ko o kung ano ba ang pag-kukulang ko at lagi nila akong iniiwang luhaan at walang ano mang paliwanag.

Ayoko na! ayoko nang mag mahal at umasang mamahalin din ako. Nakakapagod na!!!

.....

"Magaling siya sa sobrang galing niya inabot na kami ng madaling araw"

"bakit mo hiniwalayan? "

" Okey narin sana siya malaki ang alaga at magaling sa kama nga lang ang chaka. E, alam mo naman ako magandang lalaki lang ang gusto ko kung hindi lang ako nangangailangan Hindi ako papatol sa kanya"

Kung sino pa ang mahinhin tignan siya pa madalas ang may ginagawang kalokohan.

Tulad nitong si Lorie sa aming tatlo ito ang madalas napapansin agad ng mga lalaki.Manang itong manamit at sa mahinhin nitong kilos hindi mo aakalaing ito pa ang may milagrong ginagawa.

"Ikaw Aira wala kapa bang nahahanap na kapalit sa hayop na Carl nayun"

Umiling ako sa tanong ni Magie.

Ilang linggo palang ang nakakalipas ng maghiwalay kami ni Carl at hanggang ngayon dala ko parin sa dibdib ko ang sakit na pinaramdam niya sakin ng iwan nalang niya ako ng basta-basta at wala manlang paliwanag.

"Ewan ko sa babaeng yan. Mga may datum nga ang nahuhuli pero sa huli nakakawala rin"

Hindi ko pinansin si Lorie. Inaliw ko nalang ang sarili ko sa panonood nang mga tao sa labas ng cafe kung nasaan kami.

Kanya-kanyang takbo ang ilan para makahanap ng masisilungan ang iba nakikisukob para lang hindi mabasa sa malakas na buhos ng ulan.

"Kailangan mo ng bumalik sa trabho sa lunes. Wala na akong maidadahilan kay boss"

Tumango lang ako bilang tugon sa sinabi ni Magie.

Sa panonood ko sa labas ng cafe na agaw ng pansin ko ang lalaking nakatayo sa labas ng bookstore sa harap ng cafe. Sa kamay nito dala ang isang puting bag na sugurado akong Libro ang laman. Nerd!! bulong ko sa hangin siya namang saktong pag-tingin nito sa gawi namin.

Bahagya akong napatalon sa kinauupuan ko dahil sa gulat ng lumingon ito. "Nangyari sayo? "tanong ni Lorie saka ito tumingin sa labas.

"Wala"tipid na sagot ko saka muling binalik ang mga Mata ko sa labas. Wala na ang lalaki pero ang mabilis na kabog ng dibdib ko ay naroon parin.

Bumalik ako sa trabho. Tulad ng mga nakaraang kabiguan ko sa pag-ibig pinag-patuloy ko ang buhay kahit dala ko parin ang mga sakit na dinulot nila sa akin.

"Nababaliw kana talaga! "singhal ni Magie Kay Lorie na umirap lang saka nag-patuloy sa ginagawa nitong kung ano sa cellphone na hawak niya.

"Makapal ang wallet nito at higit sa lahat gwapo. Kaya bukas samahan nyo ako makikipag-kita ako sa kanya kasama niya raw mga kaibigan niya Malay ninyo maakit sila sa inyo"


 DESIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon