Sabi nang ilan sa lalaking mamahalin mo at siyang makakasama mo sa habang buhay ang nararapat mong pag-alayan ng iyong iniingatang puri.
Lumaki ako sa modernong sibilisasyon at ngayon halos hindi na mahalaga kung malinis kapang haharap sa altar basta nag-mamahal kayo hindi na mahalaga kung siya ba ang nauna.
Paano kung hindi mo mahal? masasabi bang isa kana sa mga babaeng gusto lang ng sarap o iyong mga gusto lang kumita.
....
"Umamin ka binigay muna sakanya, ano!? "Mariin ang pag-kakatitig ni Magie at Lorie sakin habang hinintay ang magiging sagot ko.
"Kasalanan kuba kung hindi sumunod ang katawan ko sa gusto ng isip ko"
Napatalon kami ni Magie ng malakas na paluin ni Lorie ang mesa. Ang ilang tao sa cafeteria napatingin pa samin.
"Shit! susundunin kaba ng Rex nayan? "pareho kaming napakunot ng noo ni Magie sa sinabi ni Lorie. "Hindi ko alam, bakit? "Takang tanong ko.
Ilang minuto itong nanahimik. Sinuklay pa nito ang buhok niya gamit ang daliri nito bago tumitig sakin.
"Sa ating tatlo, ako man ang pinakamaayos na tignan alam naman nating ako ang laging bumubukaka sa mga lalaki kahit hindi ko sila mahal kaya alam ko kung anong pakiramdam ng nag-paparaos at pinag-paparausan lang at bilang matalik ko kayong mga kaibigan Ayokong matulad kayo sa akin, lalo kana Aira"
Matagal akong napatitig Kay Lorie, tinitimbang kung seryoso ba ito sa mga sinabi niya. Ito rin kasi ang unang beses na nag-bitaw ito ng ganong mga salita.
"Buwisit!! Wag nyo akong titigan na parang may Halo ako sa ibabaw ng ulo. Naalala ninyo iyong ginawa ko sa lintik na ex nitong si Magie na matapos butas ang gaga hindi na nag-pakita. Ganun din ang gagawin ko sa Rex nayun pag-hindi siya umayos"
Nag-katinginan kami ni Magie bago sabay na tumayo at lumapit Kay Lorie para mayakap ito. Sa aming tatlo si Lorie lang ang may lakas ng loob na kumalaban sa mga lalaki. Tulad ng ginawa niya sa ex nga ni Magie, ilang beses niyang pinag-susuntok iyong tao matpos niyang pag-salitaan ng Hindi magandang mga salita iniwan niya ito sa mall hindi man lang inisip ang mga taong naroon.
"Tandaan nyo ito, Hindi baleng ako ang mabastos o magago wag lang kayong dalawa"pareho kaming naluha ni Magie.
Sa mga relasyon na nag-daan samin laging nariyan si Lorie para damayan at iganti kami malalaman nalang naming pinuntahan nito ang mga ex namin ni Magie at alam na namin ang naging resulta ng ginawa nito..
"Pls, lang Lorie. Wag mo namang gawin Kay Rex kung sakali iyong ginawa mo Kay Mark, sayang ang muka nung tao"pabirong ani ni Magie ng makauwi na ulit kami."Nakuh! Hindi lang iyon ang aabutin niya pag-hindi niya pinanindigan itong si Aira"
Natawa nalang ako sa sinabi nito"Hindi naman kami para panagutan niya ako"ani ko dahilan para mapatayo si Lorie.
"Abat!! sa ginawa ninyo paanong Hindi magiging kayo. Malaman ko lang na may syota pala ang Rex nayun ako mismo gagawa ng paraan para mag-hiwalay sila. Walang yun matapos kaninyang butas ganun-ganun nalang, hindi puede iyon!! ".
Minsan O. A rin talaga itong si Lorie pero isa rin iyon sa dahilan kung bakit mahal namin siya ni Magie. Ito na ang naging ate sa aming tatlo kaya masarap sa pakiramdam na naging matalik namin itong kaibigan.
.....
Kadalasan alasingko ng hapon tapos na ang trabho ko dahil sa ilang rush na papeles nakailangan inabot na ako nang alasyete bago matapos."Ipapakuha nalang kita kay papa"si Magie sa kabilang linya.Pababa na ako ng building nang tuwag ito."Hindi na,marami namang taxi.Traffic narin ngayon ,maabala pa si Tito"
Mag-kakaibang department kami sa trabho kaya madalas Hindi kami nag-kakasabay umuwi lalo na pag-ganitong maraming Gawain sa opisina.
"Sure ka?baka mas lalo kalang gabihin"sasagot na sana ako ng mamataan ko si Rex.Natigilan ako ng ilang sigundo.Nakasandal ito sa sasakyan niya habang nakatingalan sa building.Ilang minuto pa ng mapalingon na ito sa gawi ko.Bahagyang tumagilid ang ulo nito bago umayos ng tayo.Kusa namang humakbang ang paa ko palapit rito.
Gusto ko sanang tanungin kung anong ginagawa niya doon pero nang makalapit ako binuksan na nito ang pinto para sakin kaya obvious na sinusundo niya ako.Ngali-ngali ko pang kutusan ang ulo ko dahil sa magiging tanong ko sana rito.
"Hindi na ako mag-luluto kaya sa drive thru nalang tayo bumili ng makakain"ani niya bago pinaandar ang makina ng sasakyan.
Tulad ng Sabi niya sa drive thru nga kami bumili habang hinihintay ang order namin nag-tanong ito"Iyong kaibigan mong isa may sayad ba iyon?"takang napalingon naman ako sakanya"Hah?sino?"
"Si Lorie"napakamot ako sa noo , siguradong may ginawa nanamang Hindi maganda si Lorie"Bakit?Anong ginawa niya sayo"may hiya akong naramdaman.
Kung tutuusin kasi gusto ko rin naman iyong nangyari samin kaya walang kasalanan si Rex kung hindi niya man ako pananagutan tulad ng sinasabi ni Lorie.
"Wala naman,honestly!I admire her.Tunay siyang kaibigan"dumating na ang order namin.Kinuha iyon ni Rex saka nag-simula ulit mag-maneho pauwi.
"Ilang Oras kabang nag-hintay at nag-kita kayo ni Lorie?"
Hindi ito umiimik,kaya hinayaan ko nalang rin ito.Nang dumating kami sa apartment ito na ang nag-bukas.Hangang ngayon hindi ko parin maintindihan kung bakit ipinag-katiwala ni mama sa kanya ang susi ng apartment ko.
Hinayaan ko itong mag-ayos ng binili namin.Nag-shower muna ako bago bumama at makakain.Mag-aalas nuwebe nang maalingunan ko ang oras sa ding-ding.
"Bakit Hindi kapa kumain.gagabihin ka sa Daan"ani ko ng makapasok ako sa kusina.
Tumitig naman ito sakin kaya Wala sa sariling pinasadahan ko ng Tingin ang suot ko.Padjama at puting sando na may design ni Patrick ng SpongeBob ang suot ko.
"Kumain na tayo"usal ko para putulin ang paninitig nito pero sa halip na umupo ito humakbang ito palapit sakin.
"I don't care how long will it takes for me to wait, as long as I'll be with you at the end Aira"
Natulala ako at halos hindi makagalaw sa kinatatayuan ko ng makalapit ito sakin at sambitin nito ang mga katagang iyon.Hindi ko alam kung anong dahilan nito at pinilit niyang pumasok sa buhay ko at Hindi ko alam kung ito ba ang paraan niya para tuluyan ko siyang hayaang manatili na sa buhay ko.
.....
Main character:
Aira Mendoza
Rex Kyrie Asuncion.
BINABASA MO ANG
DESIRE
General FictionSpg-BE OPEN MINDED I want to worship your body and kiss every inch of it....