"Wala akong maalalang pinayagan kitang pumunta dito ng wala ako.Tindi rin ng kakapalan ng muka mo sinabi ko nang wag kanang pumunta dito!!!"
Hindi marunong umintindi ang damuhong ito.Ilang beses ko na itong naaabutan sa apartment.Akala ko huling pag-punta na nito sa apartment ng mag-kasakit ako,nilinaw ko sakanya noon na wag itong babalik o pupunta manlang.
"Hindi ko rin gustong pumunta rito"tinalikuran niya ako matapos niyang sabihin iyon.
Sinundan ko ito sa kusina,natigilan ako ng makita ang nakahain sa mesa."Hindi ako patay gutom,Iuwi mo yan"madiing ani ko.
"Puro pag-bubunganga lang ba ang alam mo,hindi kaba marunong mag-pasalamat at may mga taong nag-aalala sayo"
"Hindi ko kailangan ng pag-aalala ng kung sino Hindi ako bata"singhal ko rito.Bumilis ang tibok ng puso ko sa galit."Lumayas ka!!!"galit na sigaw ko rito.
Napatalon ako ng bitawan nito ang pinggan na hawak niya saka mabilis ang naging hakbang nito palapit sakin.Mahigpit ang naging hawak nito sa braso ko,pinipilit kung alisin ang hawak nito pero lalo lang nitong dinidiin ang hawak niya sakin.
"Hindi mo ba naisip kung sino ang dahilan kung bakit nandito ako. Puro kalang dada. Honestly,i don't like you!at Hindi na ako mag-tataka kung bakit nag-iisa ka.Walang sino man ang mag-titiyaga sa ugali mo kung hindi lang dahil sa mama mo Hindi ako pupunta rito."
Binitawan nito ang pag-kakahawak niya sakin.Nanginig ang tuhod ko ng matitigan ko ang mata nito ,hindi naitago ng salamin nito ang galit na nararamdaman niya.
Naiwan akong nakatulala sa kusina at sa isip ko ang mga mata nitong puno ng galit para sakin.
.....
Hindi na bumalik si Rex matapos ng tagpong iyon saming dalawa. Aaminin kung sa tuwing uuwi ako at madaratnan ang apartment kung madilim napapatanong nalang ako sa sarili kung tama ba ang ginawa ko.
Sa huli ang matigas kung utak parin ang mag-sasabing tama lang ang ginawa ko kahit sa sulok ng puso ko ay nararamdaman kung mali ako at umaasa akong makita ito at makahingi ng tawad.
"Si mama ang nag-papapunta sakanya"kinuwento ko Kay Lorie at Magie ang tungkol Kay Rex at ang pag-punta niya sa apartment.
"Sabi mo kaibigan lang siya ng mama mo. E, bakit niya inuutusan na puntahan ka sa apartment at ipag-luto ka"
Hindi ako sumagot sa tanong nayun ni Magie. Hindi ko naman nakakausap si mama kaya hindi ko alam kung ano ba talaga ang relasyon nila ni Rex.
"Matagal na tayong mag-kakaibigan ni minsan hindi ko pa kayo pinapunta sa bahay para tignan ang kapatid ko"si Lorie.
Nagkibit balikat lang ako, nag-tinginan naman silang dalawa. Tumaas ang kilay ko ng may ngisi sa labi nila ng lingunin ako.
"Baka naman may lihim na pag-nanasa sayo iyong tao"nakangising ani ni Lorie, tumawa naman si Magie sa sinabi nito.
"Sira, sa pag-mumuka ng lalaking yun hindi ko alam kung may mag-kakagusto doon. Kaya paanong mag-kakaroon ng pag-nanasa sakin yun"
Napailing nalang ako sa kalokohang naisip ng dalawang kaibigan ko.
"Pangit ba? "Tanong ni Magie. Umiling naman ako.
"Hindi, pang model nga ang muka. Pag-nakita nitong si Lorie iyon baka mag-hubad nalang ang gagang to. Muka nga lang nerd kasi nakasalamin tapos iyong mga mata niya ang lamig kung makatingin. Nakakatakot"
Nakatingin lang sakin ang dalawa matapos kung mag-salita"bakit? "Takang tanong ko pa ng hindi parin sila umiimik.
"Umamin ka, hindi ka manlang lang ba nag-kainteres sa kanya kasi kung paano mo siya ilarawan parang matagal mo na siyang nakakasama. E, sabi mo limang beses palang kayong nag-kakasama at hindi pa kayo nag-uusap ng maayos"
Natigilan ako sa sinabi ni Lorie.
"Hindi! "madiing ani ko.
Apat na beses na akong nag-mahal at nabigo. Hindi na ako basta-basta mahuhulog o mag-kakainteres sa mga lalaking alam kung iiwan din ako sa huli.
Lalong hindi ako mag-kakainteres sa lalaking harap-harapang sinabing ayaw niya sakin.
.....
Napatili ako ng may mag-salita sa likuran ko habang binubuksan ko ang pinto ng apartment.
"Its already midnight, saan ka galing? "
"Shit! Balak mo ba akong patayin sa gulat"singhal ko rito.
Nanatili itong nakatayo, ilang minuto pa ng mahimasmasan ako"Anong ginagawa mo dito? "
Hindi ko alam kung maiinis ba ako o matutuwa dahil nandito siya ngayon. Ilang linggo narin ang nakalipas ng huling punta niya sa apartment.
"Uunahin mo nanaman ba ang pag-dadada kesa buksan ang pinto"
Umikot ang mata ko sa pag-kairita sakanya sa tono nito parang sakanya ang apartment.
"So, anong g----"hindi natapos ang sasabihin ko ng tapunan niya ako ng masamang tingin.
Ilang minuto pa itong tumitig sakin bago umupo"Gawain ba ng matinong Babae ang umuwi sa disoras ng gabi"
Nag-pantig ang tenga ko sa sinabi nito.
"Pakialamero!wala kang pakialam kung anong Oras ko gustong umuwi.Lumayas ka!"madiin ang pag-kakasabi ko ng huling salita.Nanginginig ang buong katawan ko ,gusto kung bulyawan ito para mailabas ang inis ko sa pangingialam nito sa buhay ko.
Tumalikod ako rito at ambang iiwan ito ng hilain niya ako .Tumama ang muka ko sa dibdib nito.
Mabilis ang tibok ng puso ko at katulad ko mabilis rin ang tibok ng puso nito.
"Ayokong makikitang umiiyak ang mama mo sakaling may mangyari sayo sa pag-uwi mo ng gabing-gabi"
Hindi ko alam kung mag-papasalamat ba ako sa pagiging concern niya sa mama ko o magagalit dahil kayA lang naman ito pumupunta sa apartment ko ay dahil din sa mama ko.
Akala ko nang lumayo ako kay mama magiging maayos na ako hindi pa pala.Lahat ng mga nangyayari sakin ngayon dahil parin kay mama.
Gustong gusto kung makaalis sa anino ni mama pero habang ginagawa ko iyon lalo lang naman itong lumalapit sakin.
BINABASA MO ANG
DESIRE
General FictionSpg-BE OPEN MINDED I want to worship your body and kiss every inch of it....