DESIRE 1:2

2.1K 45 1
                                    

"I don't have a choice but to marry her. I love you Aira and I'll do anything for you"

Nakatitig lang ako sa mga mata nang simulan nitong ipaliwanag ang lahat.

Hindi kuna hiniling na malaman pa ang nangyari. Isang taon na ang lumipas at wala naring mababago pa nakaraan pero ang mga mata nito nag mamakaawang makinig ako at paniwalaan ang lahat ng sasabihin niya.

Mahirap tanggapin na iniwan ka ng taong pinakamamahal mo pero mas mahirap na alam mong may dahilan siya pero pinili mong wag makinig at manatili lang sa isang sulok at paniwalain ang sarili mong tapos na ang lahat at maayos kana kahit ang totoo gusto mo paring malaman ang lahat.

Kaya pinili kung pakinggan si Rex.

Dahil alam kung ilang ulit niya man akong iwan at saktan nakahanda parin akong tanggapin siya.

Katangahan man para sa iba ang ginagawa ko pero hindi lahat kayang isuko ang pag mamahal nila para sa isang tao.

"Nakiusap sakin ang daddy niya. Babae ang anak niya ayaw niyang masangkot ito sa kahihiyan pag hindi natuloy ang kasal namin.. Ayokong pumayag, alam mong mahal na mahal kita. Isinuko kuna ang lahat para makasama lang kita pero hindi kaya ng konsensya kung ilagay sa kahihiyan si Bianca at ang pamilya niya"

Pag mahal mo ang isang, lahat kayang mong gawin para sakanya. Mabubulag ka sa mga pangayayari sa pagligid, iniisip mong kakayanin mo ang lahat pag kasama mo siya pero pag binuksan mo ang mga mata mo sa katotohanan at mga nangyayari sa paligid doon mo lang malalaman na may mga bagay na hindi lahat kayang pag takpan ng pag ibig.

"Tinanggihan ko ang gusto ng daddy niya. Nilunok ko ang konsensyang naramdaman ko, ayokong masaktan ka."

Kaakibat na ng pag ibig ang sakit pero hindi ibig sabihin nito na kailangan mo ring manakit ng kapwa mo.

Mahirap dalhin sa dib dib ang konsensya para sa ginawa mong pananakit sa ibang tao.

"Nakiusap parin sakin ang daddy niya at handa nitong ibalik ang company ni daddy pakasalan ko lang ang anak niya"

Gagawin mo ang lahat para sa mga taong mahal mo, kahit wala nang matira sayo.

"Buo na ang disisyon ko. Alam mong isinuko kuna ang company ni dad pero nang sabihin nitong isang taon lang kami mag sasama ni Bianca.....  Pumayag ako. Inisip ko pag katapos ng isang taon, makakabalik na ako sayo at nakuha kuna ulit ang company ni dad"

Para sa kinabukasan kailangan mong mamili ng tama ng walang pag si-sisi sa huli.

"Pumayag ako kahit alam kung pag katapos ng isang taon hindi ako nakasisigurong ako parin ang mahal mo"

Pupusta ka kahit walang kasiguraduhan.

"Pag katapos ng isang taon at naayos na ang annulment papers namin ni Bianca. Nag disisyon akong puntahan ka pero wala na kayo sa Dati ninyong tinitirhan... Wala akong ma pag tanungan, pinuntahan ko ang mga kaibigan mo pero wala akong nakuha sa kanila kaya umasa nalang ako at nag tiwala sa puso ko na mag kikita pa tayo  at nangyari naman ngayon nasa harapan kita hindi kuna hahayaang mawala kapa sakin ulit.Hinding hindi na"

Pag asa at Tiwala.

Sa pag ibig ang pag asa at pag titiwala ang pinakamahalaga.

Ang pag titiwala sa mga taong mahal natin at ang pag asa na kahit anong mangyari sa bawat araw na daraan sa buhay, alam nating malalampasan natin iyon ng sasama.

"Rex, hindi na mahalaga ang mga nangyari..... Lumayo ako sa mga bisig nito. Ilang hakbang ang distansyang ginawa ko sa pagitan naming dalawa... " Hindi ako nag tanim ng sama ng loob sayo kahit noon paman. Mahal kita iyon lang ang alam ko at ngayon masaya na ako sa bagong buhay na tinahak ko ng wala ka..... "Ngumiti ako rito saka tumaligod, bago ako tuluyang umalis nilingon ko uli ito... " Bumalik ka pag naayos muna ang lahat. Mag hihintay ako..... Lagi akong mag hihintay sayo"

 DESIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon