Chapter 30

1.4K 32 3
                                    

Learn to let go.

Natutunan kung tanggapin ang salitang yan matapos ang isang buwang pag iwan sakin ni Rex.

Mag iisang taon na ngayong araw ng huli kung masilayan ang gwapo nitong muka at huling pag kakataon kung naramdaman ang pag mamahal nito para sakin.

"Hindi kapa ba mag bubukas? " nilingon ko ang pinto ng kuwarto. Nakatayo si mama doon, nagawi ang tingin nito sa hawak ko. "Isang taon na ang newspaper nayan"lumapit ito sakin at umupo sa tabi ko.

Binalik ko ang tingin sa newspaper"Isang taon... "Bumuntong hininga ako saka ibinalik iyon sa box na pinaglalagyan ko saka isinilid ulit sa ilalim ng Kama. "Malinaw parin sakin ang pangyayari, kung paano ko siya panooring nakatayo sa altar at nag hihintay sa pag dating ng pakakasalan niya"

Pinatong ni mama ang ulo ko sa balikat nito" Masaya kana ngayon anak. Maayos na ang lahat" marahan akong tumango sa sinabi ni mama.

Tama. Okey kana ngayon Aira. Okey kana.

....

"Magandang umaga"

Malapad ang ngiti ko ng batiin ang unang customer ko sa Garden.

"Magandang umaga A, meron naba iyong order ko sayo? "

Kinuha ko ang halamang order ni Mrs. Revera. "White Angel, para sa napaka bait at napakagandang miss ni Sir. Revera" masayang inabot nito ang hawak kung halaman.

"Ikaw talagang bata ka, lagi mo nalang akOng binubola. Bukas babalik ako, pilian mo naman ako ng magagandang cactus para sa balkunahe ng bahay namin"

Inihatid ko ito sa pinto ng Garden. "Asahan po ninyo mrs. Revera ang magagandang cactus bukas"

Pinanood ko itong sumakay sa sasakyan niya bago pumasok sa Garden. Kailangan kung diligan ang ilan sa mga halaman at ayusin. May ilang halaman akong naubos na kailangan kung bumiyahe bukas sa bayan para kumuha ng ilan.

"Kailangan mo ng tulong? " napalingon ako sa likuran ko.

Umiling-iling ko saka namewang sa harapan ng lalaking umistorbo sa pag didilig ko.

"Ano nanamang inirason mo at narito ka ng ganito kaaga? Wala akong roses ngayon na ipang susuhol mo"

Natawa ito sa sinabi ko kaya hindi ko rin napigilan ang hindi matawa. Inabot ko rito ang pandilig na gamit ko.

"Ituloy mo. Kailangan kung tumawag baka mamaya mag kagulo ang buong mundo pag nalaman niyang wala ka sa trabho mo"

Malutong ang naging tawa nito. Nangingiting iniwan ko ito. Pumasok ako sa maliit na kuwarto sa Garden na nag sisilbing opisina at pahingahan namin ni mama pag walang customer.

Hinanap ko agad ang cellphone ko.

"Paki sabi ayoko ng roses. "

Hindi ko napigilan ang malakas na tawa ng sumagot ang nasa kabilang linya.

"Okey sasabihin ko. Wala rin kaming roses ngayon"

"Thank god. Hindi kuna Alam kung saan pa ilalagAy ang ibibigay niya pag nag kataon"

"Gusto mong kausapin? "

"Nope. papasok na ako sa trabho ngayon pakisabi nalang wag siyang malalate sa pag sundo sakin kung ayaw niyang ilublub ko sa kumukulong mantika si Mike"

"Okey. Bye"

Natatawa akong lumabas sa opisina pero agad iyong napawi ng makita ang nag kalat na halaman sa sahig.

 DESIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon