"Basang basa ka. Halah, umakyat kana agad at mag bihis"
Hinalikan ko muna ang noo ni mama bago umakyat sa silid ko.
Malakas ang buhos ng ulan. Ang sabi sa balita kaninang umaga lalo pang lumakas ang bagyo, nag dala naman ako ng payo kayalang sa pag mamadali kung makalabas kanina sa trabho naiwan ko iyon sa Office namin.
"Anak, bumaba kana at mag ha hapunan na tayo"
Isang beses kung pinasadahan ang muka ko sa salamin bago bumaba.
Naabutan ko si mama sa pag lalapag nito ng huling plato.
"Umupo kana. Ang lakas ng ulan baka malawan ng kuryente, kaya mas mabuting makakain na tayo"
Nag simula kaming kumain ni mama. Isang buwan narin ang nakakalipas ng tumira kami ni mama sa iisang bahay.
Sa una nanibago ako. Matagal rin kaming mag kahiwalay kaya nanibago talaga ako pero ngayon bumalik na kami sa dati at kontento na ako ngayon.
"Nakatulala ka nanaman" inabot ni mama ang isang tasa ng kape bago umupo sa tabi ko.
Malalim na ang kagabi pero pareho kaming hindi dalawin ng antok dahil narin sa lakas ng ulan sa labas.
Nawalan narin ng kuryente isang oras pag katapos naming kumain kanina.
"Marami lang po akong iniisip tungkol sa trabho"
Hinawi nito ang takas na buhok ko, isinuksok nito iyon sa tenga ko bago nito niyapos ang bewang ko.
"Hindi muba na mi-miss si Magie at Lorie? Sa tanda ko huling kita mo sa kanila bago tayo lumipat rito"
Binalik ko ang atensyon sa labas ng bintana. Madilim sa labas sa kawalan ng ilaw.
Hindi ko mapigilang ikumpara ang damdamin ko sa kadiliman ng paligid ngayon.
"Nakaka chat ko naman sila ma. Araw-araw ko rin silang ka vediocall ngayon ngalang hindi kasi malakas ang ulan mahina ang signal"
Nag hiwalay kami ng walang pag uusap. Bago ako umalis sa lugar niya alam kunang hindi niya ako hahanapin o hahabulin. Pareho naming nasaktan ang isat-isa kaya mahirap kung mag sasama pa kami.
Naging madilim ang mundo para sakin simula ng tanggapin kung wala na sa buhay ko si Rex.
Kahit alam kung sarado na ang kuwento naming dalawa. Nananatili parin ang pag mamahal ko para sakanya.
Mahal na mahal ko si Rex at kaylan man hindi mag babago iyon. Alam ko sa sarili kung siya lang ang mamahal ko ng ganito.
"Aira anak" nilingon ko si mama sa tabi ko.
Lumamig na ang kape na binigay nito.
"Kung anong nang yari sa nakalipas sana wag mong dalhin iyon ngayon. Kung mahal mo ang isang tao at alam mong siya lang wag kang matakot na lumaban para sakanya. Kahit ba sabihin nilang ikaw lang ang lumalaban hayaan mo lang dahil patunay lang yan na totoo at wagas ang pag mamahal mo"
Tumulo ang luha ko. Mabilis naman pinahid ni mama iyon.
"Ikakasal na siya ma" ani ko kasunod ng hikbi ko.
"Ano kung ikakasal na siya. Minahal nga namin ng tatay niya ang isat-isa kahit alam naming bawal dahil kasal siya pero hindi iyon naging hadlang para hindi namin iparamdam sa isat-isa ang pag mamahal sa mga puso namin. Hindi pa siya tuluyang ikinakasal, habang hindi pa huli ang lahat subukan mong lumaban ulit anak alam kung mahal na mahal mo parin siya"
Niyakap ako ni mama matapos ng mahabang litanya nito.
Nabuhayan naman ako ng loob sa sinabi nito.
Sana noong nalaman ko ang katotohanan kay mama sana bumalik ako sakanya at ipinaliwanag ko sakanya ang lahat.
Hindi maling gamot ang ikinamatay ng papa nito, inatake ito sa puso. Hindi na kinaya ng puso nito kaya kahit gustuhin pa nitong mabuhay kusa ng sumuko ang puso nito. Si mama ang sinisi dahil siya ang na sabi ni Alfredo ng mangyari ang trahedya sa buhay nito.
Alam kung pinaniwala nila si Rex na ang mama ko ang pumatay sa papa nito.
Kung sana sinabi ko sakanya ito noon ng malaman ko sana hindi ako nahihirapan ngayon ng ganito pero naunahan ako ang takot noon na baka kahit sabihin ko sakanya ang lahat hindi rin ito maniniwala dahil sa galit na nararamdaman nito sa akin at sa mama ko.
Ngayon tama na ang Ilang buwan pag titiis ko. Mahal na mahal ko siya at kung hindi na kami pareho ng nararamdaman ngayon, hindi magiging hadlang iyon para hindi ko iparamdam sakanya ang pag mamahal ko para sakanya.
Pag katapos ng ulan lilitaw ang magandang bahaghari sa kalangitan . Hudyat na tapos na ang unos at sisikat na muli ang magandang bukas.
Hindi ko susukuan si Rex. Hanggat mahal ko siya gagawin ko ang lahat para bumalik siya muli sa akin.
"Luluwas kaba ngayon? "
Abala ako sa pag aayos ng gamit ko pag pasok ni mama sa silid ko. Tinanguan ko lang ang tanong nito.
"Nag sabi ka sana sa mga kaibigan mo para may matuluyan ka doon"
"Nag sabi po ako kay Lorie ma"
Tinulungan ako nitong mag ayos ng gamit ko.
Maaraw na sa labas nag sisimula naring matuyo ang basang semento ng lumabas ako ng bahay.
"Mag iingat ka. Tawagan mo ako pag dating mo doon"
Ilang oras lang nasa iisang lugar na kami ni Rex at hindi kuna hahayaang malayo pa ako sakanya.
.....
Shortup date!!!
Salamat sa pag Hihintay at patuloy ba pag Hihintay.
PS:Nawalan ako ng isang importanteng tao sa buhay ko at hanggang ngayon masakit paring tanggapin iyon. Kaya sana maintindihan ninyo kung hindi ako nakakapag update. Lahat tayo may kanya-kanyang buhay na hinaharap kaya sana wag kayo demand ng demand ng UD.. Hindi lang naman rito sa wattpad ang mundo natin kaya sana intindihin nyo rin kaming mga gumawa ng istorya para sainyo.
Pps:Mahal ko kayo.
Salamat!!.
BINABASA MO ANG
DESIRE
General FictionSpg-BE OPEN MINDED I want to worship your body and kiss every inch of it....