Hinayaan kung pumasok si Rex sa buhay ko. Nakakapagod mag-taboy ng mga taong alam mong babalik parin kahit anong pilit mong umalis ito sa buhay mo.
"Kahit sabado may pasok ka? "
Nasanay na akong tuwing gigising ako sa umaga makikita ko si Rex sa sala ng apartment at bubungad sakin ang mga tanong niya tulad ngayon.
"Hindi ba nasabi ng mama ko sayo na linggo lang ako walang pasok"
Iniwan ko ito sa sala. Simula ng hinayaan ko itong pasukin ang buhay ko,tinanggap ko narin ang pangingialam nito sa araw-araw kung gawain.
"Sinabi mo ba sakanya na linggo ang dayoff mo"
Nakahalukipkip ito habang nakasandal sa pinto ng kusina. Napaisip naman ako sa sinabi nito, simula ng humiwalay ako Kay mama hindi ko na ito kinausap pa kaya wala akong maalalang sinabi ko sakanya ang schedule ng trabho ko.
"Ikaw na mag-sabi tutal lahat naman ng ginagawa ko nirereport mo sakanya diba"pairap na sagot ko sakanya.
"Kumain kana, ihahatid kita"
Bago pa ako mag- react sa sinabi nito nakaalis na ito sa kusina.
Makulimlim parin ang langit. Hindi na ako mag-tataka kung ilan sa mga kasama ko sa trabho ang hindi papasok ngayon.
Hindi ito ang unang beses na hinatid ako ni Rex pero tulad ng nauna hindi parin kami nag-uusap sa biyahe.
"Hai, Rex"malanding bati ni Lorie ng bumaba ito ng sasakyan.
Nakilala ni Magie at Lorie si Rex ng unang ihatid niya ako at tulad ng inaasahan ko. Nagustuhan agad ito ni Lorie, kung hindi ko nga lang kilala itong si Lorie sa itchura niya ngayon habang Nakatingin Kay Rex kulang nalang mag-hubad ito sa harap ng niya.
"Hai"balik na bati naman ni Rex.
Hindi ko maiwasang mainis tuwing binabati nito si Lorie o maging si Magie. Nagagawa kasi nitong ngitian ang dalawang kaibigan ko samantalang ako hindi manlang nakakatanggap ng ngiti nito kahit pilit manlang sana, malalamig na tingin lang ang nakukuha ko sa kanya.
Iniwan ko ang mga ito. Hindi ko matagalang nakikitang nakikipag-landian si Lorie sa lalaking yun.
"Ang gwapo talaga, kung hindi mo siya balak tikman Aira puede bang ibalato mo nalang siya sakin"tinapunan ko ng masamang tingin si Lorie.
"Wala akong pakialam sa damuhong iyon, at wala rin akong balak na makipag-mabutihan sakanya"
Tumawa si Magie sa sinabi ko"Ingat Aira baka mafall ka"tukso pa nito sakin.
Bumuhos ang malakas na ulan bandang tanghali. Ang ilan samin ay nag-halfday na.
"Nag-pasundo na ako Kay papa"si Magie. Nasa labas na kami ng building na pinapasukan namin. Malakas parin ang ulan kahit alasingko na.
"Dadaan ako sa condo ng babylove ko kaya mauna na ako"pumara ng taxi si Lorie.
"Ihahatid kana namin sa apartment mo"ani ni Magie.
"Aira"sabay kaming napalingon ni Magie sa palapit na lalaki. Malakas ang ulan kaya hindi ko agad ito nakilala.
"Dom? "Gulat na ani ko. "Pauwi kana ba Sabay kana sakin"Tumingin ako Kay Magie, ngumiti lang naman ito bago tumango.
Si Dominic kababata ko at unang lalaking minahal ko ito rin ang unang kabiguan ko sa pag-ibig. May nakaraan man kami nanatili parin kaming mag-kaibigan.
"Kamusta, hindi ka ata umuuwi sainyo?
"Ayos lang. Daming ginagawa sa trabho "tumango lang naman ito. Alam nitong hindi maganda ang relasyon ko sa mama ko kaya alam kung hindi ito naniniwala sa sinabi ko.
"May nakikita akong lalaki sa bahay ninyo"
Nakaramdam ako ng hiya. Sa mga nakakakita alam kung may iniisip sila sa mama ko at bilang anak nahihiya ako sa ginagawa niya. Ang malala pa hinayaan ko ang lalaking iyon na pumasok rin sa buhay ko.
Kung may makakakita Kay Rex, alam kung pag-iisipan rin ako ng hindi maganda.
"Sorry, ayokong makialam --"
"Ayos lang, kilala ko ang lalaking yun. Pakibaba nalang ako jan"
Hanggang kelan ko ba pag-titiisan ang mga ginagawa ni mama.
"Aira, I'm sorry! "
Bumaba ako sa sasakyan ni Dom"Salamat! "ani ko bago nag-lakad palayo.
Malakas parin ang buhos ng ulan, Ang lamig na tubig nito ay nanunuot sa katawan ko, hindi ko ininda iyon. Nangingibabaw ang sakit sa dibdib ko sa nangyayari ngayon sa buhay ko.
"Shit! Aira, are you crazy. Bakit nag-paulan ka"
Mabilis na dumapo ang palad ko sa pisngi ni Rex, kasunod nito ang pag-tulo ng luha ko. "Ayoko na! please lang, Kung ano mang namamagitan sainyo ni mama wag ninyo akong idamay"
Napasalampak ako sa sahig dahil sa panginginig ng tuhod at katawan dahil sa lamig galing satubig ulan.
"Anong sinabi mo"may diing ani nito. Inangat nito ang muka ko, hinanap nito ang mga mata ko.
"Walang namamagitan samin ng mama mo. I just want to help her, kaya kung ano mang-nasaisip mo ngayon hindi kami ganun"
Hindi ko alam kung dapat ko bang paniwalaan Ang mga sinasabi nito at ang mga malalamig nitong mga mata na ngayon ay nakatitig sakin.
"Bakit ka nandito? anong dahilan mo"
Nanatili itong nakatitig sakin at sa unang pag-kakataon may nakita akong imosyon sa mga mata nito. Pag-aalinlangan.
"Alisin mo ang suot mo, mag-kakasakit"
Natuon ang atensyon ko sa katawan nito ng mabilis niyang hubarin ang T-shirt niya. Wala sa sariling napalunok ako.
"Anong ginagawa mo"singhal ko rito ng hawakan niya ang damit ko"Aalisin mo ako ang mag-aalis!"
Mahigpit ang naging hawak ko sa damit ko ng alisin nito ang kamay niya.
"Inaasahan mo bang mag-huhubad rin ako sa harap mo"tanong ko ng hindi ito umaalis at nakatingin lang sakin.
"Don't act as if your a virgin"
Nanlaki ang mata ko sa sinabi nito Nag-init rin ang mag-kabilang pisngi ko."Gago!"bulyaw ko at walang pag-aalinlangan na inalis ang suot ko.
Sa inis ko sa sinabi nito nakalimutan kung naka nipple pads lang ako dahil nabasa ako sa ulan Kasama itong naalis ng tanggalin ko ang suot kung damit.
Pareho kaming walang imik sa nangyari.Mabilis kung tinakpan ang hinaharap ko gamit ang dalawang palad ko"Bastos"Nag-madali akong umakyat sa kuwarto ko at sa unang pag-kakataon narinig ang tawa nito.
Isang oras na ang nakalipas ng mag-pasya akong lumabas ng kuwarto ko.Minsan umaalis ito ng walang paalam kaya inaasahan kung wala na ito sa baba.
Nakahinga ako ng maluwag ng hindi ko ito nakita sa sala.Tinungo ko ang kusina ,Hindi ko inaasahang makakasalubong ko ito sa pinto.Bumanga ako sa dibdib nito sa lakas ng pag-bangga ko muntik na akong mabuwal kung hindi lang mabilis ang braso nitong humapit sa bewang ko.
Napakapit ako sa leeg nito.Nag-tama ang mga mata naming dalawa doon ko napasing Hindi nito suot ang salamin niya.Ilang sandali pa ng pasadahan nito ang tingin ang dibdib ko.
"Manyak"usal ko.
"Yes,I am!"sagot nito at walang pag-aatubiling sinakop ng labi nito ang labi ko.
.......
BINABASA MO ANG
DESIRE
Fiksi UmumSpg-BE OPEN MINDED I want to worship your body and kiss every inch of it....
