"Date? "gulat na usal ko. Tumawa naman ito saka hinalikan ang noo ko.
"Yap! Hindi natuloy ang dinner date natin last time. Kaya mag-didate tayo ngayon"
Hindi ako makapaniwala ng dumating ito sa office namin at sabihing may date kami ngayon.
"Teka, hindi ako nag paalam sa boss ko"tarantang ani ko ng makasakay kami sa sasakyan nito. Ambang baba na ako ng pigilan niya ako.
"Dont worry, pinag-paalam na kita"ani niya bago binuhay ang makina ng sasakyan nito.
Kunot noo akong napatingin rito. Nang lumingon ito sakin, ngumiti lang ito.
"Rex"usal ko. Wala bang balak ang lalaking ito na sabihin sakin kung paano niya ako ipinag-paalam.
"Kilala ko ang boss mo kit-kat"sagot nito, bago mabilis na pinatakan ng halik ang labi ko.
Ganun nalang, kilala niya. Hindi niya ba sasabihin sakin kung paano sila nag-kakilala. Bumuntong hininga ako bago itinuon ang atensyon sa daan.
Habang tumatagal lalo lang dumadami ang katanungan ko. Gusto kung kausapin ito ngayon pero ayokong sirain ang araw nato.
"Anong ginagawa natin dito? "Maang na tanong ko ng iparada nito ang sasakyan niya sa isang mall.
"Ayokong makipag-date sa naka office attire"nakangising ani niya bago bumaba at pag-buksan ako ng pinto.
Hindi kaligtas sakin ang mga mata ng mga babaeng nadadaanan namin ni Rex. Umaarko paitaas ang kilay ko sa tuwing may tumitigil para lang titigan ito.
Maging ang ilang saleslady sa pinasukan naming bilihan ng damit. Sarap lang tusukin ng hanger mga mata nila.
"Umuwi nalang muna kaya tayo, hindi mo naman kailangang bumili ng pamalit ko"
"Kit-kat, ayokong mag-aksaya ng oras. Nandito na tayo. Pumili ka nang gusto mo"
Tutol man ako sa gusto nito, wala narin akong nagawa.
Blue Buttom down blouse at White denim short ang pinili ko. Liban sa simple lang ito, ayoko din naman mapamahal si Rex sa pagbabayad.
"Shoes? "ani nito saka tumingin sa itim na flatshoes ko. "What? Okey nato"umiling naman ito saka ako hinili sa mga nakahilerang sapatos.
"Rex, okey nato. Madami akong sapatos sa bahay hindi ko rin magagamit kung bibili kapa"pigil ko rito ng itapat niya sa paa ko ang isang kulay puting sneaker.
"Itapon muna ito na ang gagamitin mo ngayon "walang kaabog-abog na sabi nito bago binigay sa saleslady ang napili kung damit pati ang sapatos na pili nito.
"Fine, pero ako mag-babayad sa mga damit"ani ko saka Ambang kukuha ng pera sa bag ko ng iniabot na nito ang card cashier. Umawang naman ang labi ko sa ginawa nito.
Hinila niya ako palapit sakanya saka hinalikan ang pisngi ko"Saka muna ako bayaran"ani niya matapos niya akong halikan. Kinindatan pa ako nito bago tinggap ang card inaabot ng cashier.
Sumulyap pa sakin ang babae sa cashier bago matamis na ngumiti kay Rex ng matapos nitong ilagay sa paperbag ang pinamili namin. Hindi nakaligtas sakin ang pagtaas nito ng kilay.
Kung sa ibang pagkakataon lang, hihilain ko palabas ng counter ang walangya at isa-isa kung bubunutin kilay niya. Sino siya para pag-taasan ako ng kilay. Mas maganda at sexy naman ako sa kanya.
Hirap kasi sa ibang tao idinadaan sa pag-taas ng kilay ang insecurities nila sa ibang tao.
Matapos kung mag-bihis. Bumalik kami sa sasakyan ni Rex.
"Saan ba tayo pupunta"tanong ko ng mapansing palabas kami ng siyudad.
"You will find out later. Ngayon, matulog ka muna"ibinaba nito ang upuan ko.
Dahil hinihila ng antok ang mata ko. Minabuti ko ngang matulog muna.
Hindi ko alam kung ilang minuto o oras na akong natutulog ng maalimpungatan ako sa mahihinang yug-yug sa balikat ko.
"Hey! Kit-kat wake up"
"Alah, naimas turug na ata asawam sir. Bagkatem ngatan(Halah, sarap ng tulog ng asawa nyo sir, buhatin muna kaya) "tuluyan kung minulat ang mata ko ng marinig ang mga boses sa paligid.
"Rex"usal ko ng makita ang muka nito. Madilim na sa paligid ng igala ko ang paningin ko. "Nasaan naba tayo"
"Naimbag nga rabii ma'am. Welcome to Basao resort"
Lumipad ang paningin ko sa matandang nasa tabi ni Rex. Inalalayan naman ako sa pag-baba ni Rex sa sasakyan nito habang ginagala ko ang paningin ko sa paligid.
"Anong oras naba? , nasan tayo? "Magkasunod na tanong ko.
"Pas 10"tipid na sagot ni Rex. Nanuot sa balat ko ang lamig ng hangin kaya wala sa sariling idinikit ko ang sarili ko sa katawan ni Rex. "Lets go inside malamig dito baka mag-kasakit ka"ani niya saka ako inalalayan papasok sa reception area ng resort.
"Sir, idanun ko atuy gamit yun idjay kuwartu yun"tumango lang si Rex sa sinabi ng matanda.
"Anong sabi niya? "tanong ko ng sundan namin ang matanda.
"Dadalhin niya raw ang gamit natin sa kuwarto"sagot naman nito.. Napa "ah"nalang din ako.
Pagdating sa nasabing kuwarto napangiti ako ng makita ang mga gamit doon.
Halos gawa sa ratan ang mga ganit. Ang upuan at lamesa ay ratan pati ang lamesang patungan ng lampshade sa tabi ng kama ay ratan din. Pati narin ang dingding at bintana nito.
"Hindi ba tayo masisilipan dito"tanong ko ng lumapit ako sa tingin ko ay pinto ng banyo at nakahinga ako ng maluwag ng hindi ratan ang dingding nito.
"Nope, pero maririnig kung ano mang gagawin natin dito"pumulupot ang braso nito sa bewang ko saka pinatong ang baba nito sa balikat ko.
"W-wala naman tayong gagawin"utal na ani ko.
"Hmmmm, wala ba"bulong nito saka hinalikan ang leeg ko. "Rex"suway ko rito saka lumayo sa kanya. Tumawa naman ito.
Malawak ang kama kaya komportable akong nahiga matapos kung mag-shower.
Ang sabi ni Rex nasa parte kami ng Northern Luzon at halos sampong oras ang naging biyahe namin. Kung bus daw ang sinakyan namin baka abutin raw kami ng dose oras sa biyahe.
Mahimbing ang naging tulog ko kaya hindi na niya ako ginising pa. Kaya nang maideliver ang pag-kain namin sinunggaban ko agad iyon dahil sa gutom.
"What are you thingking"napatalon ako sa higaan ng lumapit sa tabi ko Rex. Agad ako nitong hinila palapit sa kanya.
"Amm, akala ko date ito bakit napunta sa out off town"ani ko. Mabilis ang kabog ng dibdib ko habang hinihintay ang sagot nito
"Gusto kitang masolo kaya naisip kung dalhin ka rito. Now, kit-kat can I have my payment"
Hindi ko paman natatanong kung anong ibig niyang sabihin ng mabilis itong pumaibabaw sakin.
"Rex"
.....
Alam na kasunod. Hahaha. Pabitin mood ako. Pasensya.
BINABASA MO ANG
DESIRE
General FictionSpg-BE OPEN MINDED I want to worship your body and kiss every inch of it....