Chapter 8:

2.8K 55 12
                                    

Gigising ka sa umaga at hahayaan nalang ang lahat sa dapat nitong kalagyan.Tulad ng hinayaan ko nalang ang puso kung mahalin si Rex at hindi inisip kung anong maaring mangyari kinabukasan.

"Goodmorning Kit-kat"kinagat ko ang ibabang labi ko para maitago ang ngiti ko."Morning Rex"Balik na bati ko bago pumasok sa sasakyan nito.

Ilang linggo narin simula ng ihatid at sundo ako ni Rex sa trabho at hindi man ganun kalinaw sakin kung ano ba talaga ang namamagitan saming dalawa hinayaan ko nalang ang puso kung mag-disisyon kung anong dapat kung gawin.

Pag-katapos kung ibigay ang sarili ko kay Rex nag-bago narin ito ng pakikitungo sakin sa una ang pag-sundo lang ang ginagawa nito sakin hanggang Hindi nag-tagal inihahatid narin niya ako.Sinabihan ko itong wag na niyang abalahin pa ang sarili sa pag-hatid at sundo sakin pero binalewala niya lang iyon kaya sa huli hinayaan ko nalang ito.

"Penny for your thought Kit-kat"nabalik ako sa sarili ng marinig si Rex.Marahan din nitong pinisil ang kamay kung hawak niya."Wala,medjo inaatok pa kasi ako"ngiting sagot ko rito.

Dinala nito ang kamay ko sa labi niya ,napatingin ako rito.Bumalik ang atensyon nito sa pag-mamaneho matapos maibaba ang kamay ko.

Hanggang ngayon hindi ko parin maiwasang magulat sa tuwing may mga kilos itong nag-dudulot ng kakaibang tibok sa puso ko tulad ngayon.

"See you later"magaang halik sa noo ko ang ginawad nito.Bumaba ito at binuksan ang pinto sa gawi ko.Inalalayan ako nito,ramdam ko naman ang paninitig ng mga tao sa paligid nahagip rin ng mata ko si Lorie at Magie.

"Txt kita pag-out na ako"ani ko bago kumawala sa pag-kakahawak nito sa bewang ko.

Pinanood ko ang pag-pasok nito sa sasakyan niya hanggang sa makaalis na ito.Ganun lagi ang eksena sa tuwing ihahatid niya ako.Hahalikan muna nito ang noo ko bago bababa at pag-bubuksan ako ng pinto at papanoorin ko naman ang pag-alis nito bago pumasok sa building kung saan ako nag-tatrabho.

"Morning Kit-Kat"may panunuksong bati ni Magie na sinundan naman ng siko ni Lorie sakin.

Umiling lang ako sa panunukso ng dalawA.

Hindi ko alam kung bakit ganun ang tawag ni Rex sakin.Nang una niyang sabihin iyon sakin Akala ko tinatanong nito kung gusto ko ng Kit-Kat kaya ng sabihin kung hindi nag-taka ako sa pag-ngisi niya.Ilang ulit niya pang binigkas ang Kit-kat bago ko napag-tanto kung anong ibig niyang sabihin.

Dati Hindi ako nakakaramdam ng pag-kainip sa trabho pero ngayon pakiramdam napakabagal ng oras at inip na inip na ako sa kinauupuan ko gusto ko ng matapos ang Araw nato at makita si Rex.

limang oras pa Aira.

....

Halos takbuhin kuna ang pag-labas sa building ng mamataan ko sa labas nito ang sasakyan ni Rex. Nakasandal nanaman ito sa sasakyan niya. Umayos lang ito ng tayo ng makita ako.

"Hi, kanina kapa? "bati ko ng makalapit ako rito.

Ilang hakbang pa ang pagitan naming dalawa kaya nagulat ako ng hilain niya ako palapit sakanya. Tumama ang muka ko sa dibdib nito, agad nanuot sa ilong ko ang amoy nito.Nasa damit nito ang amoy ng sasakyan niya at ang body spray na gamit nito na gustong-gusto ko ang amoy.

"Hmmm"ungol nito ng isiksik niya ang muka niya sa leeg ko at hapitin nito ang bewang ko para mayakap ako. Ilang minuto kami sa ganung ayos ng umalis ito sa pag-kakayakap sakin doon ko lang napansin ang pagod sa muka nito.

Ngayon ko lang naisip. Hindi ko pa alam kung anong pinag-kakaabalahan nito. Inihahatid at sinusundo niya ako sa trabho pero hindi kuna alam kung anong ginagawa nito pag-hindi kami mag-kasama.

Wala sa sariling hinaplos ko ang muka nito. Hinawaka namin nito ang kamay ko saka tumitig sakin. Sinalubong ko ang mga titig nito.

"Ayos kalang ba? "alam kung hindi ito ayos kitang-kita iyon sa mga mata niya pero wala akong ibang maisip na itanong sakanya.

"Let's go"ani niya ilang minuto. Inalalayan niya akong makapasok sa sasakyan nito bago ito pumasok sa sasakyan nito 

Tahimik kami buong biyahe. Hindi naman ito ang unang beses na Tahimik ang biyahe namin pauwi sa apartment pero ito ang unang pag-kakataon na mabigat ang pakiramdam ko.  Pasulyap sulyap rin ako rito pero nasa daan lang ang atensyon nito.

Pag-dating sa apartment Tahimik parin kaming dalawa. Nag-dalawang isip pa ako kung aakayat ba ako para mag-bihis o kakausapin ko muna ito napansin siguro nito ang pag-aalangan ko kaya ng hawakan niya ang kamay ko at tanungin kung anong gusto ko para sa hapunan nag-pasya akong manatili nalang muna sa tabi nito.

"Tulungan na kitang mag-luto"prisinta ko.

"No. Go and change. Take some rest kit-kat"

May ngiti sa labi nito pero hindi umabot iyon sa mga mata nito lalo lang tumindi ang hinala kung may mali rito.

Hindi narin ako nag-pumilit sa gusto ko. Nag-madali nalang ako sa pag-papalit para masamahan ito.

Abala ito sa pag-hahalo sa niluluto niya ng pumasok ako sa kusina.

"Bango, nakakagutom"usal ko. May kung anong nag-tulak rin sakin parin yakapin ito.

Tumigil ito sa ginagawa niya ng yakapin ko ito. walang salitang lumabas saming dalawa.Hinaplos nito ang kamay ko bago nito hinAwakan iyon.Humarap ito sakin.Bumilis ang kabog ng dibdib ko ng mag-katitigan kami may mga imosyon sa mga mata nitong Hindi ko mapangalanan.Hindi na nito madalas isuot ang salamin niya kaya Malaya kung napag-mamasdan ang mga mata nito tulad ngayon.

"If only I can change the past.Hindi ko sana ginagawa ang mga ginawa ko"

Hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin kaya nanatili akong nakatitig lang sakanya.Ito ang unang umiwas ng tingin,napansin ko rin ang pag-kuyom ng kamao niya bago ako nito hinila at mahigpit na niyakap.

"Rex"

"Masasaktan kita Aira pero tandaan mong lahat ng mga nangyayari ngayon ay totoo kung ano mang nararamdaman mo ngayon sana hindi mag-bago."

 DESIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon