"Niloloko kalang niya!"
Natigil ako sa pag hakbang.Nilingon ko ulit si Neville.
"Kung ginagawa mo ito para siraan si Rex at para bumalik ako sayo nag kakamali ka Neville.Mahal ko si Rex at hindi ikaw ang magiging dahilan para mag hiwalay kami"mabilis ang pag hingA ko matapos kung sabihin iyon.
Nakatingin sa amin ang ilang taong naroon.Maging ang guard sa entrance ng hospital.
Umiling iling si Neville saka lumapit ulit sakin.
"Oo gusto kung mag hiwalay kayo dahil iyon ang dapat Aira.At hindi ko hinihiling na bumalik ka sakin pag nangyari iyon.Ayoko lang masaktan ka ulit dahil lang sa pag mamahal mo sakanya na Hindi niya naman susuklian"
"Mahal ako ni Rex!"
hinAwakan nito ang pisngi ko at tumitig ito sa mga mata ko.
"Hindi totoo lahat ng ipinapakita niya sayo dahil sa una palang gusto niyang mahalin mo siya at pag hulog na hulog kana iiwanan ka niya"
Tumutulo ang luha ko habang Hindi makapaniwala sa mga sinabi ni Neville.Paano niya nasasabi ang mga iyon tungkol kay Rex.
"Please!umalis kana"pag tataboy ko rito."Aira please,Listen to me"winaksi ko ang kamay nito.
Nag patuloy akong mag lakad.Ayoko nang makarinig pA ng kung ano mula sa kanya.
Paliko na sana ako sa pasilyo papunta sa kuwarto ni mama ng mag salita ulit ito na siyang kinatigil Panandalian ng mundo ko.
"Iiwan ka niya tulad ng ginawa ng mAma mo sa tatay niya"
....
"Aira ,anak ayos kalang ba?"
Humihikbing lumapit ako rito.Kailangan kung malaman ang lahat ngayon.
"S-sabihin mo,totoo bang anak ng lalaking iyon si Rex"
Sa gulat nito alam kuna ang sagot sa tanong ko.
Nang hihinang na paupo ako sa upang nasa tabi ng kama nito.Namanhid ang buong katawan ko Wala akong maramdaman ng sandaling iyon.Nakatulala ako sa kama ni Mama.
Hindi ko alam kung ilang minuto akong nawala sa sarili ng maramdaman ang haplos ni mama sa muka ko.
"Gusto kung sabihin sayo anak pero alam kung ayaw mo akong makita ng mga panahong nalaman kung anak siya ni Alfredo.Maniwala ka Aira sinubukan kung sabihin pero nang makita ko ang saya mo sa piling niya ,sino ako para sirain iyon.Mahal kita anak at ayokong sirain ang Kaligayahan mo"
Akala ko Wala mamg ilalabas na luha ang mga mata ko pero sa sinabi ni mama parang tubig nanaman ang naging agos nito.
"Paanong hindi ninyo agad nalamang anak siya ng lalaking iyon?"tanong ko ng huminahpn ako mula sa pag iyak.
Kailangan ko ng mga kasagutan bago ko harapin si Rex.
"May ari ang pamilya niya ng factory na pinapasukan ko.At ng umuwi ito galing ibang bansa nag pakilala ito sa amin.Iba ang apilyido niya kay Alfredo kaya hindi ko inisip na may kuneksyon ito sakanya.Lalo panang isang linggo lang ang lumipas ay mag simula itong Kausapin ako..Akala ko dahil ako ang isa sa pinakamatagal sa factory nila kaya sakin ito nag tatanong ng tungkol sa mga nangyayari doon.Naging mag kaibigan kami ,nangungulila ako sayo noon kaya naibaling ko sakanya ang atensyon ko itunuring ko siyang parang anak ko.Hanggang sa naikuwento ko ang tungkol sa naging buhay natin at iyon nga nag kakilala kayo.Huli na ng malaman kung kaya siya bumalik rito para ipag higanti ang ama niya at ako ang sinisisi niya sa pag kamatay nito at dahil wala siyang dahilan para saktan ako ikaw ang nilapitan niya"
Umakyat ang galit ko.Hindi ko alam kung para kay mama iyon o kay Rex.
"Paano nyo nalamang anak siya ni Alfredo?"
Tinitigan ako ni mama,Hinawakan nito ang mga kamay ko.
"Sinabi niya sakin.Nang umuwi kayo galing sa Bakasyon "
Naalala ko ang txt ni Mama na wag ako nitong idamay.Ibig sabihin hindi totoo ang lahat ng ipinapakita niya sakin noon.
Hindi rin ba totoo ang nararamdaman niya para sakin.
Nanikip ang dibdib ko sa isiping iyon.Sa mga sinabi ni mama ngayon may linaw na sakin ang lahat pero kailangN ko paring makausap si Rex.
Mahal ko siya at hindi nabawasan iyon ng mga nalaman ko ngayon.Kakapit ako sa nararamdaman ko para sakanya at alam kung Mahal niya rin ako dahil ipinaramdam niya iyon ng mga panahong mag kasama kami.
"Alam nyo ba kung saan siya nakatira?.
......
Mabilis ang tibok ng puso ko habang nakatingin sa bahay na nasa harapan ko.Bumuga ako ng hangin bago lumapit sa gate at pindutin ang doorbell na naroon.Nakailang pindot ako bago may nag bukas ng pinto.
"Sino po sila?"tanong ng satingin ko ay katulong sa bahay.Lumunok ako bago ito sinagot.
"Ah,dito ba nakatira si Rex Asuncion?"
Tinitigan muna ako ng kasambahay bago ito tumango."Kakilala kaba ni Sir?"
Natigilan ako sa tanong nito.Hindi ko alam kung anong dapat kung sabihin.Sasabihin kubang girlfriend ako nito pero paano kung naroon ang babaeng iyon.
"K-kaibigam niya ako"nautal na sagot ko.
"Nasa trabho pa si Sir,pero pauwi narin iyon Maya Maya .Pasok ka muna"
Pag pasok ,bumungad sakin ang ilang nakaparadang sasakyan sa harapan ng bahay.Pag pasok sa loob ang sala ang bubungad at kaliwa ang hakdanan.
"Umupo ka muna.ipag hahanda kita ng maiinom"ngumiti ako sa kasambahay bago ito umalis...
May mga litrato at isa Doon si Alfredo.Mukang totoo nga ang sinabi ni mama at ang tungkol sa sinabi ni Neville ang kailangan kung malaman ngayon.
Paanong sasaktan lang ako ni Rex kung ipinaramdam naman nito na Mahal niya rin ako.
"What are you doing here?"nabaling ang atensyon ko sa hagdanan.Pababa mula doon si Bianca.
Nandito siya.Ibig sabihin maaring totoo ang sinabi nitong hindi sila Tunay na mag Kapatid ni Rex.Sumikip ang dibdib ko.
Hindi,kailangang manggaling kay Rex kung ano talaga ang totoo.
"Masabang bisitahin ang boyfriend ko"sagot ko rito.Tumawa naman ito.
"Anong Hindi mo naintindihan sa sinabi ko noon.Fiance ko si Rex kaya wag munang ipag siksikan ang sarili mo sakanya"may galit sa boses na nito.
"Finance?Hindi ko narinig na sinabi iyon ni Rex kaya hindi ako maniniwala sayo"
Lalong tumindi ang galit sa muka nito dahil sa sinabi ko.Lumapit ito sakin at ambang sasampalin ako ng bumukas ang pinto ng bahay at pumasok mula doon si Rex.
"Aira,anong ginawa mo rito?"..
....
Nxt update ang lihim ni Rex.charottttt.see you.
......
BINABASA MO ANG
DESIRE
Художественная прозаSpg-BE OPEN MINDED I want to worship your body and kiss every inch of it....