"Aira anak"
Lumingon ako sa pintong nasa likuran ko.
Ilang minuto akong natulala ng makita si mama.
Ang dating malusog nitong pangangatawan ay nag laho na ngayon.May kirot sa puso ko habang nakatulala ako rito.
"N-napadalaw ka a-anak"ani nito kasabay ng Paulit ulit nitong pag ubo.
Ilang buwan naba ang lumipas ng huli ko itong makita at sobra ang naging pag bagsak ng katawan nito sa mga panahong iyon.
Humakbang ako palapit rito"Ma"mahinang ani ko. Ngumiti naman ito. Kinagat ko ang ibabang labi ko bago tumingala para pigilan ang pag patak ng luha ko nang makita ang luha sa mga mata nito habang nakangiti sa akin.
"Anong nangyari sa inyo? "tanong ko ng alalayan ko ito papasok ng bahay.
Hindi katulad sa labas na makalat ang loob ng bahay ay malinis nasa ayos ang lahat ng gamit.
Sa kalagayan nito mukang hindi kaya ng katawan nitong linisan ang bahay kasabay ng paligid nito.
Halos buto't balat nalang ang makikita sa katawan nito. Kaya hindi ko narin napigilan ang mga luha ko.
May galit man ako sakanya hindi ko parin gugustuhing makita ito sa ganitong kalagayan ngayon.
"Ilang araw na akong may trangkaso anak pero wag kang mag alala maayos ayos na ang pakiramdam ko ngayon"nakangiti paring sagot nito habang pinag mamasdan ako.
Gusto ko itong bulyawan paano niya nasasabing maayos siya samtalang halos hindi siya makatayo ng sarili lang niya.
Umiwas ako ng tingin rito bago pinahid ang luhang katutula lang sa pisngi ko. Lumunok ako para mawala ang bara sa lalamunan ko bago ulit binalingan ito.
"Mag bihis kayo. Dadalhin ko kayo sa hospital " aalalayan ko ito sa pag tayo ng umiling ito.
"Ayos lang ako anak. Pahinga lang ang kailangan ko"
"Ma! Halos hindi na kayo makatayo ng kayo lang tapos sasabihin mong pahinga lang ang kailangan mo"
Napahilamos ako sa muka ko ng yumuko ito. Sunod sunod rin ang patak ng luha ko.
"Wag nyo nang dag -dagan ang galit ko sa inyo at lalong wag ninyong hayaang maging ako ay magalit rin sa sarili ko pag may nangyari sa inyo"
......
"May infection sa bituka ang nanay mo. Dahilan ng pag bagsak ng katawan niya"
"Malala po ba ang kalagayan niya doc? "mabilis ang kabog ng dibdib ko habang hinihintay ang sagot ng doctor.
"Kung hindi maagapan ang infection maaari niyang ikamatay ito"
Nabingi ako sa huling sinabi ng doctor nakatulala lang ako rito ng ilang sigundo bago nito tinapik ang balikat ko.
"Gagawin namin ang lahat para maagapan kaya wag kanang mag alala. Ipag dasal nating kakayanin pa ng katawan niya ang mga gamot na ibibigay namin sakanya"
Hindi nakabawas ang unang sinabi nito sa bigat ng dibdib ko. Lalo lang itong bumigat dahil sa huli rin nitong sinabi.
"Kamusta pakiramdam mo? "
Umupo ako sa tabi ng kama nito at pinag masdan ang muka nito.
Tama bang magalit parin ako sakanya habang nakikita ang kalagayan niya ngayon.
Nahihirapan siya alam ko iyon kahit hindi niya sabihin at sapat naba ang pag hihirap niya kapalit ng pag kawala ng galit ko sa kanya dahil sa mga maling disisyong ginawa niya noon kaya kami nasa sitwasyong ganito ngayon.
Ang galit ko sakanya dahilan lang ng pag mamahal niya sa isang taong sumira hindi lang ng relasyon naming mag ina kundi pati narin ang buhay namin.
Habang pinag mamasdan ko siya ngayon na pag tanto kung hindi ako dapat magalit sakanya nag mahal lang siya at ngayon nag mamahal din ako naiintindihan kuna kung bakit pinili niyang maging kabit kahit alam niyang mali iyon.
"Magaan na kahit papaano ang pakiramdam ko. Anong sinabi ng doctor sayo"
Hinawakan ko ang kamay nito.
Hindi na niya kailangan malaman pa ang sinabi ng doctor.
"Kailangan mong mag pagaling ipangako mo sakin"tumango naman ito, ilang minuto matapos niya akong titigan.
"Aira anak. P-pataw--"umiling ako dahilan para hindi nito matapos ang sasabihin niya.
"Mag pagaling ka para makauwi na tayo"
"Uuwi tayong dalawa? "May gulat na ani nito na tinanguan ko lang kasunod naman nito ang pag hagulgul niya.
Tumayo ako at niyakap nito. Tulo narin ang mga luha ko. Matagal tagal narin ng huli ko itong mayakap.
Ang bigat sa dibdib ko ay nabawasan na.
.....
"Mahal mo talaga siya"
Ngumiti ako at tumango. Hinaplos nito ang ibabaw ng kamay kunbg hawak niya.
"Anak. Ang pag mamahal nayan wag mong hayaang mawala sa puso mo"
Kumunot ang noo ko sa sinabi nito. Ambang tatanungin ko ito ng bumukas ang pinto ng kuwarto kung nasaan kami.
"Neville"gulat na usal ko ng makita ito sa pinto.
"Hi. Goodevening"
Sinalubong ko ito. May dala itong bulaklak at isang basket ng prutas.
"Anong ginagawa mo rito? Paano mo nalamang nandito ako? "Mag kasabay na tanong ko rito ng maipatong nito ang mga dala sa mesang naroon.
"I have my ways princess"nakatawang sagot nito. "Kamusta po tita"baling nito kay mama.
Pinakilala ko ito kay mama. Ilang minuto rin silang nag kuwentuhan bago ito mag paalam kay mama.
"Hihiramin ko po muna si Aira tita"paalam nito kay mama. Tumango naman ito.
Dinala ako nito sa lobby ng hospital. Mangilan ngilan lang ang taong naroon gabi narin at tapos na ang oras ng dalaw.
"I need to tell you something "
Nag salubong naman ang kilay ko sa sinabi ni neville. Nang makaupo kami Hinawakan nito ang dalawang kamay ko saka tumitig sa mga mata ko. Kumabog naman ang dibdib ko habang Hihintay ang sasabihin nito.
"You need to stay away to that man aira"
"Anong sinasabi mo? "nag tatakang ani ko.
"alam kung sinong tinutukoy ko"
Umiling ako at inalis ang kamay nito sa mga kamay ko.
"Hindi kita maintindihan neville. Umuwi kana"tumayo ako ambang iiwan ito ng pigilan niya ako.
"Lumayo ka kay Rex Aira. Sasaktan kalang niya.
.......
Sorry sa late update guys!
Hindi ko talaga alam kung paano sisimulan ulit ito kaya sorry kung hindi maganda ang chapter nato. Bawi ako sa susunod na.
Please! Keep on supporting DESIRE. Give this story a chance.
Thankyou very much.
BINABASA MO ANG
DESIRE
Narrativa generaleSpg-BE OPEN MINDED I want to worship your body and kiss every inch of it....
