"Rex! "
Nanginginig ang buong katawan ko kasabay ng mabilis na tibok ng puso ko.
"Aira"
Napa singhap ako ng kasing lamig ng yelo ang pag kabigkas nito sa pangalan ko.
Kinagat ko ang pang ibabang labi ko saka tinitigan ito.
Napakagwapo parin nito,kahit sa kadiliman ng gabi kita parin ang kagandahan ng katawan nito sa likod ng polong suot niya at ang mga mata nitong walang imosyon habang nakatingin sakin.
"What are you doing here? "napalingon ako sa kaliwa ko ng marinig ang boses ni Bianca.
Lumapit ito kay Rex. Agad nitong pinulupot ang kamay niya sa braso ni Rex.
Iba talaga ang higad nato. Kahit sa gabi umaatake parin kung makalingkis kasi kay Rex, ang sarap niyang sabuyan ng asin.
Mas masaya siguro kung asido para tuluyan na siyang mabura sa mundo.
Nakakapang init siya ng ulo. Kung wala lang si Rex sa tabi nito kanina ko pa inginudngud ang muka niya sa espaltong kalsadang tinutung-tungan namin ngayon.
"Pwede ba tayong mag usap Rex"
Kailangan kung lakasan ang loob ko ngayon kung gusto kung makuha ulit si Rex.
Ngayong nakita ko ulit ang babaeng higad nato. Hindi ko gustong tuluyang mapunta sakanya si Rex.
Magiging pantay muna ang paa ko sa lupa bago niya makuha ang lalaking pinakamamahal ko.
Kung ang pagiging masama sa mata ng iba ang magiging dahilan para makuha ulit si Rex gagawin ko.
"Bibigyan kita ng pag kakataon para makaalis sa harapan namin ni Rex babae ka dahil pag hindi kapa umalis ngayon ipapahuli kita sa pulis"
Masamang tingin ang pinukol ko kay Bianca.
"Hindi naman ikaw ang kinakausap ko at lalong hindi ikaw ang pinunta ko rito kaya bakit ba sabat ka ng sabat. Ikaw kaya ang umalis hindi namin kailangan ng linta rito na nag katawang tao"
Sa tulong ng ilaw na nag mumula sa gate ng bahay ni Rex kitang kita ang pamumula sa galit ni Bianca sa sinabi ko.
"Ako ba ang sinasabihan mo ng linta" pasigaw na ani nito saka humakbang palapit sakin.
Pinigilan naman agad ito ni Rex na tuluyang makalapit sakin.
Ayaw niyang lumapit sakin si Bianca dahil alam niyang sa oras na makalapit sakin ang babae hindi ako mag dadalawang isip na ilampaso ang muka niya sa ispalto kalye.
"Pumasok kana sa loob. Susunod ako"
Lumunok ako ng halikan ni Rex sa labi si Bianca matapos niyang sabihin iyon.
Hindi ka pwedeng umiyak ngayon A. Mag pakatatag ka.
"Now! anong ginawa mo rito"
Lumapit ako kay Rex. Hinawakan ko ang mga kamay nito.
Ang init sa mga palad nito ay umakyat sa puso ko, kahit papaano naibsan nito ang kirot na nararamdaman ng puso ko.
"Pakakasalan mo ba talaga siya? "
Napapikit ako ng hawiin nito ang kamay niya palayo sakin.
"We're done Aira. At kung ano man ang dahilan mo sa pag punta mo rito kalimutan muna"
Pinahid ko ang luhang kumawala sa mata ko.. Hinuli ko ulit ang mga kamay nito ngayon hinigpitan kuna ang pag kakahawak sa mga iyon.
"Inatake sa puso ang daddy mo. Hindi si mama ang pumatay sakanya. Pinag bintangan lang nila si Mama.... "
"You think may pakialam pa ako sa mga nangyari noon. Hindi na maibabalik ang buhay ng daddy ko kaya kahit anong sabihin mo ngayon wala na akong pakialam! "
Tinalikuran ako nito. Hinabol ko ito saka niyakap. Inaalis nito ang pag kakayakap ko sakanya pero maghipit ang pag kakayapos ko rito.
"Please! Rex. Mahal na mahal kita. Hindi ko kayang makita kang ikinakasal sa iba"
Tuluyan ng kumawala ang mga luha ko. Wala akong pakialam kung mabasa ang likod ng damit nito dahil sa pag iyak ko.
Naalis nito ang mga braso ko sa bewang niya. Hinarap niya ako. Hinawakan nito ang mga kabilang balikat ko.
"Hindi kaba nahihiya sa sarili mo. Aira, babae ka pero ikaw itong nag hahabol. Mahiya ka naman"
Para akong binagsakan ng mabigat na bagay sa sinabi nito. Namhid ang buong katawan ko, pakiramdam ko nabingi rin.
Gusto ko lang mahalin niya ulit ako. Gusto kung makasaya siya. Gusto kung ako ang pakasalan niya at hindi ang babaeng yun.
Binitawan ako nito at tuluyang pumasok sa loob. Sa pag bitaw nito naramdaman ko ulit ang katawan ko mabilis ko itong hinabul.
Niyapos ko naman ngayon ang mga binti nito. Wala akong pakialam kung nakasalampak ako ngayon sa lupa o kung anong hitsura ko sa mga taong makakakita sakin.
Kung kinakailangan mag makaawa at ibaba ko ang sarili ko para kay Rex gagawin ko.
Mahal na mahal ko siya at hindi ko kayang mawala siya sakin.
Nag kamali ako ng iwan ko siya at lumayo sakanya.Maaring huli na ako pero gagawa ako ng paraan para makuha siya muli.
"James, ilayo mo ang babaeng yan sa Sir mo"rinig kung sigaw ni Bianca kasunod nito ang pag hila ng kung sino sakin palayo kay Rex.
"No! Bitiwan mo ako! "Nag pupumiglas na sigaw ko.
Bilang babae wala akong sapat na lakas para sa lalaki isa pa ang walang tigil na pag iyak ko kaya tuluyan akong nailayo ng lalaki may hawak sakin kay Rex.
"Rex!! Please,mahal na mahal kita. Please, kit-kat. Bumalik ka sakin. Parang awa muna Rex"
Tuluyan akong na ilabas ng lalake sa bahay ni Rex. Isinara nito ang gate ng bahay.
Paulit-ulit kung tinawag ang pangalan ni Rex sa labas ng bahay nito pero natuyo nalang ang luha ko at naubusan na ako ng lakas hindi ito lumabas para tignan ako.
NakaUpo habang nakasandal ako sa bakal na gate ng bahay ni Rex. Nakatakip ang buhok ko sa muka ko, masakit narin ang mga mata ko sa kakaiyak.
Hindi ko alam kung ilang oras na ako sa ganoong posisyon ng may lumapit sakin at alalayan ako patayo.
Naririnig ko ang mga ito pero hindi ko maintindihan ang mga sinasabi nila.
Umiikot narin ang paningin ko ilang sandali pa tuluyan ng nag dilim ang
Paningin ko.
......A/N: two updates. I hope ma enjoy ninyo ang UD ngayon.
Thankyou guys for always waiting kahit matagal akong mga update. Sinusubukan ko naman mahirap lang talaga mag hati-hati ng oras at panahon.
Pps:SPG is coming so, be ready guyss.
See you nxt UD. THANKYOU
BINABASA MO ANG
DESIRE
General FictionSpg-BE OPEN MINDED I want to worship your body and kiss every inch of it....