Chapter 2:

5.3K 60 2
                                    

Like mother like daughter! Masarap pakinggan ang salitang iyon lalo na kung hinahangaan ng iba ang nanay mo pero paano kung kamalian ng magulang mo ang nakikita nila sayo.

.....

Umiikot na ang paningin ko ng mag pasya akong mag-paalam Kay Lorie at Magie. Biyernes at nakasanayan na naming lumabas at uminom sa araw nato.

"Sigurado kabang kaya mong umuwi mag-isa? "Tanong ni Lorie bago ito pumara ng taxi.

"Oo, hindi pa naman ako lasing"sagot ko.

Pag-baba sa taxi kumunot ang noo ko ng makitang bukas ang mga ilaw sa apartment ko. Papasok palang ako sa gate ng may lumabas sa pinto ng apartment.

"Aira!! "malambing na tawag nito.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako at narito siya ngayon o sisimulan ko ng ilabas lahat ng hinanakit ko sakanya.

"Anong ginagawa mo rito? "matabang na ani ko saka ito nilampasan. Nakasunod ito ng mag-tungo ako sa kusina.

May nakahandang pag-kain sa mesa. Hindi pa ako naghahapunan pero nawala ang gutom ng makita ito Kanina.

"Kumain ka nag-luto ako ng paborito mo"

Sinulyapan ko ang nakahain bago binalik ang tingin ko sa kanya.

"Iuwi nyo nalang, walang kakain jan"Nilampasan ko ito. Nasa pinto na ako ng kusina nang pigilan niya ako.

"Anak! "mahinang usal niya. Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang nag-babadyang luha. "Paki Sara nalang po ang pinto pag-labas ninyo"

Inalis ko ang hawak nito sa braso ko saka diretcho ang lakad ko paakyat sa kuwarto ko. Pag-dating sa loob siyang bagsak ng mga luha ko.

Masakit na baliwalain ang sarili mong Ina pero hindi ko kayang harapin ito na may dalang galit sa puso ko para sa kanya.

Lumaki akong si mama lang ang nagisnan kung magulang. Hindi man kumpleto ang pamilya namin pinaramdam naman ni mama ang pag-mamahal ng Ina at Ama.

Maayos na ang buhay namin kontento na ako hindi na ako nag-hahanap ng ama pero nang mag-mahal uli si mama gumulo na ang buhay namin ito rin ang naging dahilan para mag-kagulo kaming mag-ina.

Sa tuwing dumadarating si mama sa apartment hindi ko na ito naaabutan sa umaga kaya nag-taka ako ng marinig ang ingay sa kusina pag-baba ko.

"Bakit nand----"natigilan ako ng hindi si mama ang nakita ko sa kusina.

"Good morning "nanindig ang mga buhok ko sa katawan sa lamig ng bosses nito.

"S-sino ka? "

Nakagat ko ang ibabang labi ko ng mautal ako. Napako rin ang paningin ko sa lalaking nasa kusina ko ngayon.

"Kumain kana"malamig paring usal niya bago hinila ang upuan sa harap nito at nag-simulang kumain.

Hindi parin maalis ang tingin ko sakanya. Ilang minuto pa ng lumingon ito sakin.  Sa likod ng salamin nito ay ang mga mata niyang walang ano mangreaksyon at habang nakatitig ako sa mga matang iyon kasunod naman nito ang mabilis na tibok ng puso ko.

"Kung ayaw mong kumain lumabas ka. Ayokong may nakatingin sakin pag-kumakain ako"napalunok ako sa sinabi nito. Kusang gumalaw ang mga paa ko para lumapit sa mesa at umupo sa harap nito. Nakasunod naman ang  mata nito sakin.

"Rex"

Sabay kaming napalingon sa pinto. Ngumiti si mama sakin bago umupo sa tabi ko.

"Anak si Rex kaibigan ko"pakilala ni mama sa lalaki.

Nag-pasalamat ito sa lalaki. Habang pinapanood ko sila at nakikita ko sa mga mata ni mama ang saya unti-unting umahon ang galit sa dibdib ko. Mabilis ako tumayo.

"Hindi kana nahiya ma pinapasok mo ang lalaki mo sa apartment ko ng walang pasabi. Umalis na kayo!! "

Iniwan ko sila matapos kung sabihin iyon. Pabagsak kung sinara ang pinto ng kuwarto ko. Narinig ko ang pag-tawag ni mama pero binaliwala ko iyon. Nagmadali akong magbihis.

"Aira, anak"pigil ni mama sakin. Mangiyakngiyak ang mga mata nito. "Paki sara nalang ng apartment pag-alis nyo"Nasulyapan ko ang lalaki nakasandal ito sa pinto ng kusina habang nakatingin samin ni mama. Inayos nito ang salamin niya bago namulsa at nag-lakad palapit samin.

"Let's go Love , Hayaan mo siyang mag-sara ng apartment niya"

Umawang ang labi ko ng hinain nito si mama at sabay silang lumabas ng apartment ko. Ilang minuto pa akong tumayo doon nag mahimasmasan ako sa pag-kagulat mabilis akong lumabas hindi ko na sila naabutan.

Bumalik ako sa loob sa inis na naramdaman ko pabalibag kung tinapon ang bag na hawak dala ko.

"Ang kapal ng muka nyo!!!! "sigaw ko. Nag-hahalo ang galit at inis sa dibdib ko dahil sa nangyari.

Lalo lang tumindi ang galit ko kay mama. Hindi na siya nadala nag-kanda letche-letche ang buhay namin ng mag-mahal siya ngayon halos kasing edad ko lang ang lalaki niya.

Hindi kuna alam kung mapapatawad ko pa siya ngayon.

......

Hi!!! Maikling UD muna tayo ngayon bawi ako nxt time.

Thank you for reading!!.

 DESIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon