Chapter 21

1.2K 49 4
                                    

"Wala ba akong karapatang dalawin ka sa bahay mo"

Inilang hakbang nito ang pagitan namin.

"You have all the right to come here kit-kat.Hindi ko lang inaasahan na makikita kita dito"

Tinitigan ko ito. Ilang linggo kunang hindi naririnig ang tawag niyang iyon sakin.

Masaya ang puso kung marinig ulit iyon pero unti unti naman itong nawawala habang nakikita ko ang takot sa mga mata nito ngayon.

Bakit siya natatakot?

"Tama ba ang narinig ko. I have all the right Rex, ni hindi mo nga sinabi sakin kung saan itong bahay mo!!. Sabihin mo nga kung hindi ko pa nahanap itong bahay mo may balak kabang sabihin sakin kung saan ka nakatira o ililihim mo parin sakin kasi sa totoo lang Rex pagod na pagod na ako. Nakakapagod kang mahalin "

Hinila ako nito at niyakap. Hindi ko gustong umiyak sa harapan nito lalo na sa harapan ni Bianca.

Pinahid ko ang tumulong luha ko bago ko ito tinulak.

Hindi ako pumunta rito para umiyak lang. Alam kung marami akong malalaman at Ayokong Paulit ulit na umiyak sa harapan nila.

"May mga tanong ako at gusto kung sagutin mo ako ng totoo. Sawa na ako sa kasinungalingan Rex.

"Aira"

Umatras ako ng ambang hahawakan ako nito.

"Stop the drama. Umalis kana lang dahil hindi ka kailangan dito."

Tinapunan ko ng masamang tingin si Bianca. Gustong gusto kung hilain ang buhok nito at ilampaso ang muka niya sa sahig ng matigil ang pag mamaldita nito.

"Leave us Bianca"may diing utos ni Rex rito. Umawang naman ang labi nito. Kung sa ibang pag kakataon lang pag tatawanan ko ito.

Para kasi itong batang pinagAlitan ng tatay niya sa itsura nito ngayon.

"No! Hindi kita iiwan kasama ang babaeng to"itinuro ako nito at masamang tingin rin ang ipinukol niya sakin.

Pinantayan ko naman ang mga tingin nito sakin.

"Dont make me repeat what I say Bianca. Alam mong Ayokong inuulit ang sinabi kuna"

Pumadyak ito bago tuluyang umalis doon.

Fiance my face.

"Kit-kat"

Bumalik ako sa riyalidad ng marinig ulit si Rex. Gusto kumang patayin sa utak ko ang malditang bianca nayun alam kung hindi iyon ang tamang oras.

"Anak kaba ni Alfredo Del Mundo? "

Unang tanong ko pa lang alam kung nabasag kuna ang lalagyan ng mg sikreto nito. "No" Nag salubong ang kilay ko sa naging sagot nito.

"Hindi ako nandito para sa kasinungalingan mo ulit Rex. Sinabi na lahat ni mama sakin ang plano mo para saming dalawa. Kaya tatanungin kita ulit. Tatay mo ba si Alfredo? "mabilis ang pag hinga ko dahil sa galit na nararamdaman ko.

Wala akong pakialam kung totoo nga lahat ng sinabi ni mama. Wala akong pakialam kung hindi niya nga ako mahal tulad ng sinabi ni Neville.

Ang gusto ko lang, malaman ang totoo.

Dahil kahit ano pa ang mangyari hindi mababago ng nakaraan o ng kasinungalingan niya ang pag mamahal na nararamdaman ko para sakanya.

Mahal na mahal ko si Rex at walang makakapag bago nito.

"Sinabi rin ba ng mama mo ang plano kung mahalin ka? "

Tumawa ako sa sinabi nito. "Wala akong pakialam sa kung anong mga plano mo. Gusto ko lang malaman kung ano ang totoo Rex"

Pinasadahan ng daliri nito ang buhok niya.

"Fine, you want to know the truth. Hindi ko tatay si Alfredo. Nag ka kilala sila ng mommy isang taon na ako. Itinuring niya akong anak ganun din ako sakanya itinuring kurin siyang tunay kung ama kaya ng mamatay siya dahil sa nanay mo ipinangako ko sa bangkay niya na mag babayad ang nanay mo"

Ilang minuto akong natulala matapos itong mag salita.

Paanong si mama ang may kasalanan samantalang ang tatay nito ang dahilan ng pag hihirap naming mag ina.

Kung hindi dahil sa tatay niya hindi mapapalayas si mama sa dating trabho nito at hindi sana masisira ang samahan naming dalawa.

"Bakit si mama ang sinisisi mo. Ang tatay mo ang dahilan kung bakit kami nag hirap ni mama at nagalit rin ako sa nanay ko ng dahil sa tatay mo"

Hindi ko lubos maisip na hahantong kami sa ganitong sitwasyon ni Rex.

"What? Hindi ba sinabi ng nanay mo na maling gamot ang ibinigay niya kay daddy kaya nag ka komplikasyon si dad dahilan kaya namatay siya "

Natigilan ako. Walang sinabi si mama tungkol doon ang alam kulang nag hiwalay sila lumipad pa ibang bansa si Alfredo nawalan ng trabho si mama at nag simula ng mag kanda letche letche ang buhay namin.

Umiling ako. Hindi magagawa ni mama iyon kay Alfredo mahal na niya ito kahit mali ang naging relasyon nila.

"Hindi magagawa ni mama iyon"umiiling na ani ko.

"Nagawa niya kaya nga wala na si dad ngayon. Matapos kaming ipag palit ni dad para sa nanay mo sa huli ito pa ang gumawa ng dahilan para tuluyan siyang mawala sa amin"

Hindi ko alam kung maniniwala ako sa mga sinabi ni Rex. Alam kung hindi kayang manakit ni mama ng ibang tao lalo na at mahal niya ito.

"Hindi ako naniniwala sayo"

Mabilis kung pinahid ang kumawalang luha sa mga mata ko. Humakbang ako.

Gusto kunang umalis sa lugar nato.

"Saan ka pupunta? "pigil ni Rex.

"Ayoko nang makarinig ng mga kasinungalingan mo"

Nanayo ang buhok sa katawan ko ng malakas itong tumawa.

"Kasinungalingan? Diba gusto mong malaman ang totoo, ibinigay ko sayo ang gusto mo tapos ngayon sasabihin mong kasinungalingan lang lahat ng sinabi ko"

Hindi ko makilala ang boses ni Rex habang sinasabi niya ang mga iyon pakiramdam ko ibang tao ang nasa harapan ko.

Hindi ang Rex na mahal ko ang nasa harap ko.

"Aalis na ako"

Nilampasan ko ito. Hindi kuna gustong manatili pa doon kahit isang sigundo.

"Aira"tumigil ako at nilingon ito.

May gusto pa akong malaman huli nato.

"Rex. Totoo ba ang nararamdaman mo sakin? "

Pakiramdam ko ang tagal ng takbo ng oras habang hinihintay ko ang sagot nito at hindi ko paman naririnig ang sagot nito unti unti ng nadudurog ang puso ko sa bawat sigundong dumaraan.

"No"

Sa pag talikod ko matapos ang sagot nito bumuhos ang masaganang luha sa mata ko.

Sa lahat ng nalaman ko ngayon pinaka masakit ang malamang hindi totoo ang inaakala kung pag mamahal niya sakin.

Kung tutuusin wala kaming kinalaman sa nangyari sa mga magulang ko namin pero naipit kami pareho.

Siya na sinisi ang mama ko sa pag kamatay ng tatay niya at ako na sinisi rin ang tatay niya at nag tanim ng galit sa mama ko.

Pareho kaming biktima ng maling pag ibig ng nakaraan.

.......

Wooooooohhhhh!! Naitawid ko rin sa wakas. Hindi ako magaling sa sagutan kaya hindi ko alam kung maayos kubang naisulat ang chapter. Nato. Pasensya na sa mga maling makikita nanaman ninyo.

Still. Enjoy reading and see you nxt update. T. Y

 DESIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon