Chapter 23

1K 31 0
                                    

Mabilis ang tibok ng puso ko habang hinihintay ang pag bukas ng gate ng bahay ni Rex.

Ilang minuto pa akong tumayo doon ng bumukas ito at lumabas mula doon ang pamilyar na babae.

Natigilan ito ng makita ako. Sa tingin nito sakin ngayon alam kung naalala ako nito

Tipid ko itong nginitian. Ngumiti rin ito pabalik bago nag tanong.

"May maitutulong ba ako Miss? "

"Si Rex ba nanjan? "

Tinitigan muna ako ng babae. Tinitimbang siguro nito kung anong isasagot niya sakin.

"Wala sila dito ngayon"sagot nito matapos ng ilang minuto.

"Mga anong oras kaya siya babalik? "

"Hindi ko lang alam, kasi madalas gabi na sila kung umuwi ni ma'am bianca"

"Dito ba nakatira si Bianca? "

Gusto kung kutusan ang sarili ko sa naging tanong ko. Halata namang doon na ito nakatira sa sinabi nito kanina lang pero gusto ko paring malaman.

"Oo, ikakasal narin naman sila"

Para akong binuhusan ng tubig kasunod ng pag kirot ng puso sa sinabi nito.

Alam ko naman na ikakasal na ito pero masakit paring marinig iyon habang umaasa akong baka pwede pang bumalik kami sa dati.

Bago pa tuluyang bumagsak ang mga luha ko nag paalam na ako sa babae.

Ang sakit-sakit na Paulit ulit isinasampal sayo ang katotohanan pero nanatili ka paring umaasa na babalik pa siya.

"Aira? "

Natigilan ako sa ambang pag pasok sa mall kung saan ko balak mag palipas ng oras at mag isip ng dapat kung gawin.

Lumingon ako sa pinanggalingan ng pangalan ko.

"Neville "

Malapad ang ngiti nito ng makalapit sakin. "Hey, long time no see"ani niya. Tipid naman akong ngumiti saka binati ito.

"Mag isa ka lang? "tanong niya saka nilibot ng mata nito ang paligid bago bumalik sakin ang atensyon niya.

"Hmmmm, mag titingin-tingin lang sa loob"sagot ko.

"Great! Lets go"

Wala na akong nagawa ng hilain ako papasok ni Neville.

"Sa tingin mo magugustuhan kaya ni mommy ito"

"Ikaw, kung ano satingin mo. Ikaw naman ang mag bibigay "

Alam kung wala akong naitutulong sa pag hahanap ni Nivelle ng regalo para sa mommy niya.

Sa totoo lang kanina ko pa gustong mag paalam rito pero sa tuwing sisimulan ko, pipigilan ako nito kaya wala akong magawa kundi ang sumama lang dito.

Gusto kung mapag isa pero ayoko rin naman ipag tabuyan si Neville.

Huling pag kikita namin ng mag paalam ako sa trabho ko rito. Nilinaw ko rin sakanya na hindi na mangyayari ang gusto nitong mag kabalikan kami.

May mahal na akong iba at hindi iyon mababago ng kahit sino man.

Mahal na mahal ko si Rex at kung kailangan kung sumuot sa butas ng karayom para makausap lang siya ulit at masabi ko kung gaano ko siya kamahal gagawin ko.

Hindi ako basta-basta susuko. Kung mag kita man kami at hindi na talaga maibabalik sa amin ang dati tatanggapin ko iyon at mamahalin ko parin siya ng buong puso ko.

Nananghalian kami ni Neville matapos nitong makahanap ng Regalo para sa mommy niya.

Alam kung ramdam nito ang kagustuhan kung mapag isa kaya matapos naming kumain ito na mismo ang nag paalam sakin.

.......

Madilim na ng marating ko ang apartment ni Maggie.Wala pa ito doon kaya naupo ako sa labas hinintay ang pag dating nito.

"Aira, My god. Anong ginagawa mo rito? Tinawagan mo sana ako"

Tipid akong ngumiti saka tumayo sa kinauupuan ko

"Ayokong abalahin ka. Sa kararating ko lang rin"

Umiling lang ito bago buksan ang apartment niya.

"So, anong plano mo ngayon"

Sinabi ko rito ang nangyari sa bahay ni Rex kanina at ang gusto kung mangyari

"Gusto ko siyang makausap"

"Sinabi ng katulong na ikakasal na siya, ibig sabihin wala ng silbi kung ano pang sasabihin mo sakanya ngayon Aira. Doon narin nakatira iyong babae satingin mo hahayaan ka niyang makausap mo si Rex"

Nag init ang sulok ng mata ko. Alam kung tama si Maggie pero ayokong sumuko nalang at hayaan ang puso kung mag sisi dahil wala akong ginawa.

"Hindi ko kayang isuko nalang si Rex lalong ayokong mag sisi na hindi ko nasabi kung gaano ko siya kamahal"

Lumapit si Maggie. Hinawakan nito ang kamay ko at pinahid ang tumulong luha ko.

"Alam kung mahal na mahal mo siya Aira. pero satingin mo tama bang guluhin mo pa siya ngayon. Ayoko kung saktan ka pero Aira, mag mumuka kalang tanga sa harapan ni Rex sa oras na puntahan mo pa siya ngayon. Ikakasal nayung tao ibig sabihin lang kinalimutan kana niya at bubuo na siya ng sarili niyang pamilya. Hindi ba dapat ganun rin ang ginagawa mo kesa mag aksaya kapa ng panahon sa pag hahabol mo sakanya"

Halos hindi ako makahinga matapos ng mga sinabi ni Maggie.

Hindi ko matanggap na hindi ako kayang suportahan ng kaibigan ko sa gusto kung mangyari.

"Hindi ako pumunta rito para pag sabihan mo. Akala ko paman matutulungan mo ako pero hindi ko akalaing maging ikaw gusto mo ring kalimutan ko nalang si Rex. Hindi mo ba maintindihan na Mahal na Mahal ko siya at hindi ako papayag na basta nalang hayaang maikasal siya ng wala akong ginagawa para bumalik siya sakin."

Pinahid ko ang mga luha ko saka ako tumayo. Hindi ko kailangan ng kaibigan na hindi ako kayang suportahan.

Lumabas ako sa apartment ni Maggie. Tinatawag ako nito pero hindi kuna ito nilingon pa.

Pumara ako ng taxi.

Hihintayin ko nalang ang pag dating Rex ng makasiguro akong mag kakausap kami.

Hindi matigil ang pag tulo ng mga luha ko habang daan pabalik sa bahay ni Rex.

Aminin ko man o hindi alam kung tama ang mga sinabi ni Maggie. Ayoko lang tanggapin iyon dahil gusto kung sumugol kahit sa isang pag kakataon lang.

Kahit alam kung masasaktan ako gusto ko paring lumaban.

Mahal na mahal ko siya at kahit Paulit ulit pa akong masaktan para lang makita siyang muli gagawin ko.

Isang oras na kaming nag hihintay sa pag dating ni Rex. Kanina pa nag rereklamo ang driver ng taxi na inarkila ko.

Ilang minuto pa ang lumipas ng mag salita ang driver.

"Ma'am baka iyan nayung hinihintay mo"

Papalapit ang isang sasakyan at halos tumalon ang puso ko ng tumigil iyon sa gate ng bahay ni Rex.

Nag madali akong bayaran ang driver bago lumabas ng taxi at patakbong lumapit kay Rex.

"Rex! "

......

 DESIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon