Chapter 14

1.7K 53 9
                                    

Binalewala ko ulit ang lahat ng katanungan ko.

Natakot ako. Natakot ako sa maari kung malaman. Natakot akong ito ang maging dahilan para ang pag-mamahal ko sa kanya ay mapalitan ng galit.

Ayoko nang maramdaman ang galit sa puso ko.

"Ayos kalang? "

Hinaplos nito ang pisngi ko. Doon ko lang napansin na nasa harap na kami ng restaurant kung saan nito kakatagpuan ang kaninang tumawag sa kanya.

Isa ito sa dahilan kung bakit hindi ko itinuloy ang balak kung pag-kausap sa kanya.

Hindi ko inaasahang isasama niya ako ngayon.

Madalas iniiwan niya ako sa apartment pag may tumatawag sakanya at hindi na ito bumabalik.

"Hmmmm. Iniisip ko lang ang hindi ko pag-pasok ngayon"tumango naman ito saka ako hinalikan sa noo bago ito lumabas ng sasakyan niya at pag-buksan ako.

Mabilis ang naging kabog ng dibdib ko habang papasok kami sa restaurant.

Hindi ko paipaliwanag ang nararamdaman ko. Ito ang unang pagkakataon na may makikilala akong tao may koneksyon sakanya. At ito rin ang unang pagkakataon na maipapakilala niya ako.

"Rex"kaway ng isang lalaki sa isang mesa malapit sa bintana ng restaurant.

"Buti naman at pumunta ka. God! Hindi kuna alam kung anong sasabihin ko kay Danica. Lagi ka niyang h--- Mike!

Tumigil ang lalaki ng sambitin ni Rex ang patingin ko ay pangalan nito. Naramdaman ko rin ang paghigpit ng hawak nito sa kamay ko bago tumingin sakin.

Pinilit kung ngumiti kahit na sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

  Danica,  sino si Danica?

Napalingon narin ang lalaki sakin. Ngumiti ito saka humingi ng tawag.

"What do you want to eat"tanong ni Rex saka hinalikan ang gilid ng ulo ko habang hinihintay ang sagot ko, hindi rin nito inaalis ang pag-kakawahak niya sa kamay ko.

"Juice nalang, busog pa naman ako"sagot ko saka tumingin sa lalaking nasa harapan namin. Nang mapansin nitong tumingin ako sakanya ngumiti lang ulit ito sakin.

Matapos tumawag ni Rex ng waiter at sabihin ang order nito. Hinarap niya ang lalaki at nagsimula silang mag-usap.

Hindi niya ba ako ipapakilala.

"Tita Carmen ask me of you will attend the gradutiaon ceremony of nicko "

Tahimik lang ako nakikinig sa kanila. Pinaglalaruan naman ni Rex ang ibabaw ng kamay ko gamit ang isang daliri nito.

"No, i cant just fly back in U. S just to attend gradutiaon. May kailangan akong asikasuhin dito"naramdaman ko ang pagsulyap nito sakin matapos niyang magsalita.

"About the proposal for Chen Company, sinabihan kuna ang secretary mong ipadala iyon"

Halos maubos kuna ang juice na inorder ko. Ramdam ko narin ang tawag ng kalikasan sa pantog ko. Mag-papaalam sana ako ng magsalita ulit ang kausap ni Rex dahilan para matigilan ako.

"Anyway mind if you tell me who is this beautifull lady? "

Nasakin na ang atensyon nilang dalawa ngayon pakiramdam ko naman maiihi ako sa pantalon ko habang hinihintay ang sagot ni Rex.

Ang kamay nito may sa kamay ko ay inilipat niya sa bewang ko bago binalik ang tingin sa kausap niya.

"Aira, this is Mike my friend and Mike this Aira my--"

Pakiramdam ko tumigil ang oras at ang tanging naririnig ko lang ay ang kabog ng dibdib ko. Nakatitig din ako kay Rex habang naghihintay sa sasabihin nito.

"My? "Usal ng kausap niya.

Napalunok ako ng dumaan ang ilang minuto wala paring sinasabi si Rex.

"My---Friend"

Kusang Bumukas ang labi ko para sabihin ang huling salita. Friend

Oo, magkaibigan lang kami.Hindi nito sinabing may relasyon kami at inamin ko man ang nararamdaman ko sakanya hindi ko naman nakuha ang sagot para dito kaya tama lang sigurong magkaibigan nga kami.

Humigpit ang hawak ni Rex sa bewang ko dahil sa sinabi ko. Nilingon ako ito saka binigyan ng ngiti bago ako tumayo.

"Mauuna na ako. Mag kikita kami ni Magie ngayon. "

Hindi kuna hinintay ang sasabihin nito. Dahil pag-talikod ko palang sa kanila tumulo na ang luha ko.

Gaano ba kahirap sabihin kung anong posisyon ko sa buhay niya. Akala ko pareho na kami ng nararamdaman.

Umasa ako pero hindi naman pala kami pareho ako lang ang nag-mamahal sa aming dalawa.

Mabilis akong pumara ng masasakyan paglabas ko ng restaurant. Nakita ko pa ang paglabas ni Rex bago umandar ang sasakyan.

Tumawag rin ito pero pinatay ko ang cellphone ko.

Ikaw lang naman ang nag-assume. Pinaniwala mo lang naman ang sarili mong mahal karin niya. Kaya walang dahilan para umiyak at masaktan ka Aira.

........

A/N:maikling UD muna tayo. Sorry.

 DESIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon