Tumakbo ako.... Natakot ako... Pag nag tagal ako doon tuluyan na akong mawasak at hindi kuna kakayaning bumangon pa.
Hindi ko alam kung anong plano ng tadhana at pinagtatagpo parin kami ni Rex.
Isang taon man ang lumipas at may ilang pag babago man sa itsura nito. Alam kung siya parin ang Rex na hinihintay ng puso ko.
Matagal ng sumuko ang isipan ko para sakanya pero ang puso ko kahit kailan hindi sumuko at umaasaNg babalik ito.
"Anong gagawin mo ngayon? "
Wala akong kailangang gawin.
Nang piliin nitong maikasal kay bianca, natapos narin ang namagitan samin. Lahat ng pangako at pangarap naming Dalawa ibinaon kuna sa limot kaya wala akong kailangang gawin ngayon at nag krus nanaman ang landas namin.
"Matagal ng naputol ang ugnay namin sa isat- isa. Pumili na kami ng landas na tatahakin..... Panahon nalang ang makapag sasabi kung sa dulo ng pinili naming landas mag kita parin kami"
Hindi ko kailangang dayain ang sarili ko si Rex lang ang gusto kung makasama hindi lang sa buhay ko ngayon pero maging sa susunod ko pang mabuhay.
........
"Bukas kaarawan ko, inaasahan ko kayo ng mama mo. Hindi ko alam kung anong namagitan sa inyo ni Rex pero gusto parin kitang inbitahin. Aasahan kita Aira. "
Hindi ko nagawang tumangi sa inbitasyon ni Mrs. Revera.
Kung maari lang ayoko naring mag karoon ng koneksyon pa sakanya pero ng lumipat kami ni mama rito sa lugar na ito si Mrs. Revera ang kauna-unahang tumanggap sa amin rito at unang naging kaibigan namin ni mama.
Masiyadong maliit ang mundo, sinong mag aakalang sa bagong buhay na sinimulan ko mAabot parin ako ng anino ni Rex, nag kataon man o hindi.
"May halaman po akong nakita na babagay sa sala nila Mrs. Revera iyon ang naisip kung iregalo sa kanya"
Tumakbo ako ng mag kita kami. Ngayonn kailangan ko siyang harapin.
Kailangan kung patunayan hindi lang sa sarili ko kundi maging sakanya na kung ano man ang namagitan samin sa nakaraan wala ng kinalaman iyon ngayon sa aming dalawa.
....
Hapon ang simula pag sisimula ng birthday party ni Mrs. Revera. Kaya alas tres ng hapon nag Sara na kami ni mama ng Garden.
Napili kung mag suot ng dress. Kulay baby Blue Ang kulay nito na umabot lang sa tuhod ko. Bulaklaking bistida rin ang napiling isuot ni mama.
Eksaktong alasais ng makarating kami sa bahay ni Mrs. Revera. Isa sa mga katulong nito ang umasikaso at nag hatid samin sa likod ng bahay kung saan gaganapin ang birthday party ni Mrs. Revera.
"Aira"
"Beth, kelan ka umuwi? "
Si beth, isa sa naging kaibigan ko rito. May trabho ito sa Maynila kaya minsan lang kami nag kikita. Hindi ko inaasahang makikita ko ito ngayon.
"Kahapon. Biglaan nga ang uwi ko. Itong si Mrs. Revera kasi kahapon ng umaga lang tumawag sakin"
Kahit papano nabaling sa iba ang atensyon.Sa daan habang papunta rito hindi ako mapakali. Alam kung makikita ko si Rex pero hindi ko parin maiwasa ang kabahan.
Anong sasabihin ko pag nag kita kami. Anong ikikilos ko sa harapan nito. Hindi ako dapat mag pahalata na may namagitan samin sa dami ng tao rito kung may hindi kaaya-ayang kilos ako siguradong mapapansin nila iyon at mag tatanong sila.
Ayokong maungkat pa ang nakaraan. Tapos na ako doon, ayoko nang balikan pa iyon.
Lumipat kami ng lugar para mag bagong buhay. Kaya kung ano man ang mga mangyayari dito, wala ng kinalaman ang nakaraan , nandito man o wala si Rex.
"Salamat sa pag punta ninyong lahat ngayon. Gusto kung mag enjoy tayong lahat, kalimutan muna natin ang mga problema. Mag saya tayo! "
Napuno ng palakpak ang bakuran ni Mrs. Revera matapos nitong mag salita.
Nag simula namang mag libot ang mata ko sa paligid. Bumuga ako ng hangin ng hindi ko makita si Rex.
"Lalamnan ko muna itong sikmura ko bago alak mahirap na baka malasing ako hindi ko matikman ang mga handa ni Mrs. Revera"
Natawa ako sa sinabi ni Beth. Sumunod naman ako rito ng lumapit ito sa lames a kung nasaan ang mga handa ni Mrs. Revera.
"Aira, Salamat nandito ka" salubong ni Mrs. Revera ng makita niya ako. Niyakap namin ito ni beth, saka binati ito.
"Matatanggihan ko ba kayo"
Tumawa lang naman ito saka nag paalam ng may lumapit na satingin ko ay kasosyo nito sa negosyo niya.
Namili naman ako sa mga nakahanda. Nag pang abot rin kami ni mama pero umalis din ito at Bumalik sa lamesa ng mga kaibigan nito.
"Nasa loob ng kusina ang Drinks Aira" ani ng kakilala kung katulong ng napansin nitong nag hahanap ako ng maiinom.
"Salamat" sagot ko saka ako nag marcha papunta sa kusina ng bahay ni mrs. Revera, may ilan nga akong nasalubong na bisita na may bit-bit na maiinom.
Pag dating sa kusina bumungad sakin ang ibat ibang uri ng maiinom. Ilang minuto rin akong namili ng maiinom.
"Here take this"
Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Ilang minuto akong nakatayo lang doon bago ako nag kalakas ng loob na lingunin si Rex.
Napaatras ako ng gahibla lang ang espasyo sa pagitan namin ni Rex.
"S-salamat" tinanggap ko ang hawak nitong inumin.
Kumilos ako para umalis ng harangin ako nito at kulungin sa pagitan ng lamesa at katawan nito.
Diretso ang titig ng mga mata nito sakin kahit na may salamin ito ramdam ko parin ang Tindi ng mga titig nito para napapaso ang buong katawan ko sa mga titig nito, nag iinit ang buong katawan ko.
"My annulment papers will be here on Monday"
Kusang umangat ang mata ko para titigan ito. Annulment?
"A-anong sinasabi mo? "
Nabitawan ko ang hawak kung Plato at inumin ng yakapin ako nito. Umalingaw ngaw sa kusina ang pag kabasag ng plato at bote pero hindi doon na tuon ang mga tenga ko kundi sa mga sinabi ni Rex habang nakayakap sakin.
"I love you A. Hindi ako hihingi ng tawad dahil alam kung hindi sapat ang sorry ko sa mga sakit na naramdaman mo ng hindi ako bumalik pero nandito na ako ngayon at wala ng hahadlang sakin para makasama ka. Gagawin ko ang lahat para mahalin mo ako ulit A. Mahal na Mahal kita Aira. Mahal na mahal! "
.....
Next update will be The last chapter of this story. Thankyou very much!!!!!!
BINABASA MO ANG
DESIRE
General FictionSpg-BE OPEN MINDED I want to worship your body and kiss every inch of it....