Chapter 29

1.1K 30 0
                                    

Aira:

...

Inuwi ako ni Rex sa bahay. Nagulat man si mama ng mapag buksan niya kami ng pinto malugod niya paring tinanggap si Rex at Tahimik lang ito nakamasid samin.

Nasa balkonahe kami ng bahay ni Mama. Nasa banyo naman si Rex ng sabihin niya ito.

"Sigurado ba kayo sa gusto ninyong mangyari. May masasaktan kayo at may isasakripisyo "

Bumuga ako ng hangin saka tumingin sa malayo. Napakadilim ng paligid, ilang araw na kasing umuulan dahilan rin kung bakit hindi pa makabalik si Rex sa maynila.

"Hindi ba't pag nag mahal ka kaakibat narin nito ang sakit at sakripisyo"

Sakit,  hindi lang sa pag iwan sayo ng taong mahal mo o maging ang hindi ninyo pag kakaunawaan pero sakit, dahil kailangan mong mag sakripisyo kahit alam mong masasaktan ka o ikaw ang makakasakit ng ibang tao.

Binalik ko ang tingin kay mama ng hindi ito sumagot. Napakurap ako ng makita ang namumuong luha sa mga mata nito.

"Ma, ayos lang ba kayo? " Hinawakan ko ang kamay nito. Marahang pinisil niya naman ang kamay kung nakahawak sa kamay niya saka nito pinahid ang luha sa gilid ng mga mata niya.

"Nakikita ko ang sarili ko sayo noon anak. Alam kung mali ang mag mahal ng isang lalaking nakatali na at may responsibilidad sa pamilya pero sinunod ko parin ang gusto ng puso ko. Sa huli nawalan rin siya sakin at naging dahilan pa kung bakit nasaktan ka"

Inilapit ko ang umupuan ko kay mama saka ako yumakap sakanya.

"Marami talaga tayong nagagawa o magagawa dahil sa pag mamahal natin. Hindi lang para sa isang tao pero maging para sa pamilya. Minsan panga kahit sa hindi mo kaano ano, basta nakaramdam ka ng pag mamahal. Sabi nga nila makapangyarihan ang pag ibig lahat makakaya basta nag mamahal ka"

Dinampian ni mama ng halik ang noo ko. "Tama ka anak. Ipinapanalangin ko na sana maayos ni Rex ang problema at mag sasama kayo ng masaya"

.....

"Ang lakas ng ulan sa labas. Paniguradong baha na sa ilang lugar ngayon"

"Hindi nga rin macontact ni rex iyong kaibigan niya"

Lalo pang lumakas ang ulan. Alasingko palang ng hapon pero Napakadilim nang paligid. Abala kami ni mama sa pag aayos ng lulutuin para sa hapunan.

"Nasira siguro ang linya ng signal"

"Pagtumila na ang uulan bibiyahe na ako"

Tinitigan ko si Rex. Isiping aalis ito bumigat agad ang dibdib ko.

Nang mapansin nitong nakatingin ako sakanya lumapit ito sakin.

"Are you okey? "

"Kung pwede lang na dumito kanalang. Ang sabi mo daddy narin lang ni Bianca ang may ari ng kompanya ng daddy mo kaya wala narin sigurong dahilan para bumalik kapa doon"

Pumiyesto ito sa likuran ko saka ako nito niyakap.

"Natatakot kaba na baka hindi ako bumalik? " tumango ako.

Natatakot. Paano kung hindi pumayag  si Bianca sa gusto ni Rex ang malala baka may gawing hindi maganda ang daddy ni Bianca sakanya.

Pinihit niya ako paharap sakanya. Inayos nito ang buhok saka Hinawakan ang mag kabilang pisngi ko...

Tumitig ako sa mata nito ganun rin ito sakin.

"I love you A.Tapos na ako sa punto ng buhay ko kung saan ibang tao ang nag didisisyon para sakin ngayon ako naman ang magdidisisyon at ikaw ang gusto kung makasama habang nabubuhay ako at kahit sa kabilang buhay ikaw parin ang gusto kung makasama"

.....

"Paano kung hindi pumayag si Bianca sa gusto mo? "

Nasa silid na kami ni Rex ngayon. Simula ng dumating kami rito sa silid ko ito natutulog. Wala namang sinabi si Mama at Nasa tamang edad narin kami.

"Wala siyang ibang mamaga kundi ang pumayag. Ang company lang naman ang dahil kung bakit kami mag papakasal, malinaw sakanya noon pa na hindi ko siya mahal kaya wala ring rason para hindi siya pumayag sa gusto ko"

Kahit papaano nabawasan ng kaunti ang pag aalala ko.

Sa ilang beses naming pag tatagpo ni Bianca alam kung hindi ito basta bastang babae.

"Ang daddy niya. Paano kung ito ang hindi pumayag"

Tumagilid ito paharap sakin. Inangat nito ang muka ko gamit ang daliri niyang nasa ibaba ng baba ko.

"Look a, Ang isang negosyante hindi papakawalan ang isang bagay na alam niyang ikakaangat niya pa lalo. Baka nga mag pasalamat paiyon dahil ibinibigay kuna sakanya ang company"

"Sana nga maayos agad. Gusto kuna ring matahimik at makasama ka nang wala ng iniisip na problema "

Pinatakan nito ng magaan na halik ang labi ko saka ako nito hinila palapit sakanya.

"Maayos din ang lahat"

.....

A:N---- sorry sa AN ulit.

Sorry kung Maikli lang itong chapter gusto ko lang mag karoon ng chapter sa bahay nila Aira. Bawi nalang ako sa sa susunod.

Ps: may bagong story ako. There is a Billionaire in my house,. Paki bisita may tatlong chapter na akong na post sana suporta nyo rin iyon. Salamat.

Pps: keep safe guys lalo na tagulan ngayon.Sa mga papasok bring your umbrella mahirap mag kasakit.  😗😗😗😗

 DESIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon