"Flower's for the most hottest and beautiful lady i know"
Humagikgik ako sa kalokohan ni Rex. Kinuha ko ang bulak na hawak nito at pinag sawaang amuyin habang nasa biyahe kami pauwi sa apartment.
Hatid sundo nanaman ito sa akin. Minsan nahuhuli ito sa pag sundo sa akin pero binabawi naman niya iyon sa mga sweet na ginagawa nito tulad ngayon.
"Daming trabho? "ani ko ng palapit na kami sa apartment.
"Yap. Bibisita ang kapatid ko rito sa sabado"
Hindi naman ako nag kumento sa sinabi nito.
Nasabi nitong may isa pa siyang kapatid. Hindi naman na ako nag usisa ng tungkol sa kapatid nito ng sabihin niyang nasa ibang bansa ito.
"Dalawang araw nalang "ani ko.
Tumigil ang sasakyan sa tapat ng apartment. Lumabas ito at pinag buksan ako ng pinto.
"Yeah, after 3years ngayon lang ulit siya bibisita"ani nito.
Hindi ko paman nakikita ang kapatid nito pero nakakaramdam na ako ng kaba sa dibdib ko.
"Mag kikita kaya kami? "Usal ko. Huli na ng mapansin kung nasabi ko pala iyon ng malakas.
Tumingin ako kay Rex, umiwas naman ito ng tingin sa akin. Binuksan nito ang pinto ng apartment at walang imik na pumasok.
Binalewala ko ang pananahimik nito.
Nasanay na ako sa pananahimik nito sa tuwing pamilya niya ang nag uusapan.
Marami akong gustong malaman tungkol sakanya pero sa pananahimik nito sa tuwing buhay niya ang usapan, wala akong magawa kundi hayaan nalang ito.
Alam kung mahal ako ni Rex at ngayon sapat na iyon para sa akin.
Hihintayin ko ang panahon na handa na itong mag bukas ng tungkol sa buhay niya sa akin.
.....
"Come here"lumapit ako kay rex.
Nasa sala kami kaupo ito sa isang mahabang sofa. Malakas ang ulan sa labas kaya minabuti kung dito na ito matulog ngayong gabi kahit na sa ganitong araw ay nasa condo niya ito.
"Hindi kapaba inaantok"tanong ko ng mahiga ako sa hita nito.
Hinaplos nito ang buhok ko. Hindi rin nito sinagot ang tanong ko.
"May problema kaba? "tanong ko ulit.
Ang malalim na buntong hininga nito ang patunay na may problema nga ito.
"Why cant she just stay there. "hindi ko alam kung sakin niya iyon sinasabi mo sa sarili niya.
Tumayo ako at hinarap ito. Hinawakan ko ang pisngi nito para maiharap ang muka niya sa akin.
"Maayos din ang lahat Rex"ngumiti ako matapos kung sabihin iyon.
Hinawakan naman nito ang kamay kung nasa pisngi niya.
"I love you Aira. No one can ever replace you inhere"tinuro nito ang puso niya bago hinalikan ang noon ko at yakapin ako.
Alam kung may mabigat itong dinadala at sigurado akong may kinalaman ang kapatid nito doon. Gusto ko mang mag tanong alam kung wala rin akong makukuhang sagot.
Sapat nabang alam kung mahal mo ako Rex, kung alam kung may itinatago ka sa akin.
....
Nagising ako kinabukasan na wala na ito sa tabi ko. Tanging ang maliiit na sulat nito sa lamesa sa kusina ang nakita ko.
See you on sunday My Kit-Kat. I love you.
Kung wala ito pakiramdam ko ang tahimik ng paligid ko at nararamdaman kung may kulang sa puso ko pag wala ito sa tabi ko tulad ngayon.
Hindi ko nagalaw ang pagkaing inihanda nito. Nag bihis ako at pumasok ng walang laman ang sikmura at wala rin akong ganang pumasok kung hindi lang sana kailangan.
"Wag mong sabihing nag break na kayo ng Kit-Kat mo"bungad ni Lorie sakin ng magkita kita kami sa trabho.
"Hindi"tipid na sagot ko.
"Nag-away kayo? "Tanong naman ni maggie na, iling ang i sinagot ko.
"E, bakit parang pasan mo ang mundo sa itsura mo ngayon "
Hindi naman ako iyakin pero, pakiramdam ko pinapagalitan ako ni Lorie kaya gusto ko nalang umiyak.
"Hindi kami mag kikita ng ilang araw"nanlulumong ani sabi ko.
Base sa iniwan nitong sulat, sa linggo kuna ulit ito makikita at alam kung isa iyon sa dahilan kung bakit ganito ako ngayon.
Na sanay na akong laging nakikita ito bago ako pumasok sa trabho at bago ako matulog sa gab.
"Dalawang araw lang kayong mag kikita kung umasta ka parang isang taon Ahh"
Hindi na ako nag kumento sa sinabi ni Lorie. Hinimas naman ni Maggie ang likuran ko. Tipid akong ngumiti rito.
Nag-simula ang trabho pero halos wala akong nasimulan dahil kung hindi ako natutulala, naiiyak naman ako.
Hindi lang dahil sa hindi kami mag kikita ni Rex ang nag papa sama sa nararamdaman ko. Pati narin ang kawalan nito ng tiwala sakin para sabihin ang problemang dinadala niya.
Girlfriend niya ako at gusto kung makatulong sakanya pero hindi niya ako hinahayaang gawin iyon.
Ang mga itinatago nito, na matagal ng hindi nag papatahimik sa isipan ko.
"Sana bukas hindi na ganyan ang muka mo. Pati ako nadadamay sa kawalan mo ng gana sa trabho"si Lorie.
Nag paalam ako sa mga ito. Nag lakad ako patungo sa lugar kung saan ako madalas hintayin ni Rex ng maalala kung wala pala ito ngayon doon.Bumuntong hininga ako at ambang pa para ako ng masasakyan ng marinig ko ang pagtawag sa pangalan ko.
"Aira Mendoza"
.......
Hi!!! Alam ko sobraaaaaaa na ang tagal ng last update nito, pasensya na. Sana wag kayong mag sawang mag hintay sa susunod pang UD.
THANKYOU.
PS:sorry sa maikling UD.
PPS:Visit my second acc. Its @ginnievinnie, I already posted my first story there. See youuuu.
BINABASA MO ANG
DESIRE
General FictionSpg-BE OPEN MINDED I want to worship your body and kiss every inch of it....