Chapter 15

1.5K 44 4
                                    

"Hi, kamusta trabho? "

Isang linggo na itong walang paramdaman sakin.

Magdamag ko itong hinintay ng araw naiyon pero hindi ito dumating.

Tatanggapin ko kung hindi nga kami pareho ng nararamdaman.

Gusto ko sabihin niya iyon sa harap ko pero isang linggo na ang lumipas pero wala akong narinig mula sa kanya.

Mahal ko si Rex at aaminin kung mali ang ginawa kung pag-iwan sakanya sa restaurant at hindi pagsagot sa mga tawag nito.

Mahal ko siya at hindi ako dapat humingi ng kapalit. Hindi ko dapat inasahang mamahalin niya rin ako tulad ng pag-mamahal ko sakanya.

"Aira"napakurap ako.Ilang minuto naba akong tulala.

Tipid akong ngumiti kaya Neville.

"May dadaaanan ako"

Simula ng pumasok ako sa trabho lagi na itong nakaabang sa pag-labas ko.

Hindi ko gusto ang ginagawa nitong pag-hintay saakin pero kahit anong pangbabalewala ko rito bumabalik parin ito.

Matagal ng panahon ang lumipas at kung ano man ang namagitan saamin noon hanggang doon nalang iyon.

Ito ang una lalaking inakala kung makakasama kuna habang buhay pero nag kamali ako. At hindi ko hahayaang mangyari ulit sakin iyon.

"You told me the same excuse the other day Aira"

Bumuntong hininga ako."Ano bang gusto mo?"ngumiti naman ito.

"Dinner"

Tatanggi pa ba ako.

Sa isang Chinese Restaurant ako nito dinala.

Kaswal lang kaming nag-usap. At kahit na kinakausap ko ito sa likod ng utak ko naroon si Rex.

Madilim na nang maihatid ako ni Neville.

"So, see you tommorrow"nakangiting ani nito.

"Sabi ko naman sayo wag kanang magsayang ng oras at pagod sakin Neville. Kaibigan lang ang maibibigay ko sayo"

Pinipilit parin nito ang gusto niyang mag-kabalikan kami pero hindi kuna mahagilap sa puso ko ang pag-mamahal dito.

"I wont give up on you Aira. I love you"

Hinalikan nito ang gilid ng labi ko bago pumasok sa sasakyan nito. Pinanood ko ang pag-alis nito bago ako pumasok sa apartment.

"That's sweet! "Nanayo ang buhok ko sa katawan ng marinig ang malamig na boses ni Rex sa likuran ko bago pa ako tuluyang makapasok sa loob.

Hindi ko nakita ang sasakyan nito paanong narito siya. Nilingon ko ito.

Bumilis ang kabog ng dibdib ko ng makita ang galit sa muka nito.

"R-Rex nandito ka"hindi ko makilala ang boses ko.

Nag-hahalo ang saya at kaba sa puso ko habang nakatingin sakanya.

"What ? Am I not welcome here anymore"mahimig ng pagtitimpi sa boses nito. Mabilis naman akong umiling saka lumapit rito.

"Hindi, nagulat lang ako at nandito ka. Isang linggo kanang hindi nagpapakita sakin kaya hindi ko inaasahan ang pagpunta mo ngayon"

Bahagya namang nawala ang galit sa muka nito pero nanatili ang nasa mga mata nito.

Ambang lalapitan ko ito para yakapin ng mag-salita ito.

"Bakit magkasama kayo? "

Sa tono nito parang pinagtaksilan ko ito sa pag-sama kay Neville.

Samantalang siya itong hindi nag-pakita sakin at ngayon ito pa ang may ganang magalit.

"Pumasok muna tayo"ani ko.

Sumunod naman ito pag-pasok ko.

Hindi ko alam kung anong ginawa niya nitong mga nakaraang araw pero ngayon at narito siya kailangan kuna ng kasagutan sa mga katanungan ko.

"Nag-dinner kami ni Neville pero ngayon lang. Lagi siyang nakaabang sa pag-labas ko kaya pinag-bigyan ko siya. At kung iniisip mong nag-kabalikan kami nag-kakamali ka dahil wala akong balak na balikan pa siya"

Tumigil ako para kalmahin ang mabilis na tibok ng puso ko at para huminga. "Ngayon"pagpapatuloy ko.

"Anong dahilan mo at ngayon kalang nag-pakita sakin. "

Tinitigan ako nito.

"I have lots of work "hindi ako kontento sa sagot nito.

"Anong trabho? Saan ka Nag-tatrabho? Saan ka nakatira---"lumapit ito sakin. Niyakap niya ako.

"Shhhh! Im here now Aira. I wont leave you again"

Lumunok ako para pigilan ang nag-babadyang pagtulo ng luha ko. Kailangan ko ng kasagutan. Lumayo ako rito.

"Sino kaba Rex? Anong dahilan mo at lumapit ka sakin at hinayaan mo akong mahalin ka"

Hindi ko rin napigilan ang mga luha ko tumulo ang mga ito ng wala akong makuhang sagot kay Rex.

"M-mahal kita. Mahal na mahal. Ikaw mahal mo ba ako? "tanong ko habang walang tigil sa pagtulo ang mga luha ko.

"Aira,  Please! dont make this questions hard for both of us"

Kinuha nito ang kamay ko at iniyakap sa bewang niya. Sinapo nito ang muka ko saka pinahid ang mga luha ko.

"Mahirap bang sagutin ang mga tanong ko Rex? "Lumuluhang ani ko.

Tinitigan lang ako nito. Pinapahid rin nito ang mga luhang aagos sa pisngi ko.

"Nandito ako sa pilipinas para asikasuhin ang branch ng negosyo ng pamilya namin dito. "

Huminga ako ng malalim at inihanda ang sarili ko sa mga sasabihin nito.

"And my family know your mother. Sakanya ako tumuloy ng ilang linggo nang dumating ako rito"

Kung ganun wala silang relasyon ni mama tulad ng inakala ko noong una ko itong makita.

"Hindi ko gustong lumapit sayo o mag-sumiksik sa buhay mo noong una pero hindi ko mapigilan ang sarili kung hindi ka makita"

Tumigil na ang luha ko at ang kaninang mabigat na dibdib ko ay unti-unti nang gumagaan.

"Bakit gusto mo akong makita? "tanong ko ng hindi ito magsalita at nakatitig nanaman ito sa akin.

Hinaplos nito ang muka ko. Bago pinatakan ng mabilis na halik ang labi ko. Pinasadahan rin ng daliri nito ang labi ko.

"Hindi ko intensyong sumama sa mama mo ng araw naiyon pero sa lahat ng nangyari naisip kung buti nalang at pinilit ako ng mama mo kaya naman nakilala kita"

Ngumuso ako ng hindi nito sinagot ang tanong ko.

"Aira,hindi  ko pag sisisihan na nakilala kita "

Pakiramdam ko sasabog ang puso ko sa bilis ng tibok nito.

"I love you kit-kat"

.....

Sorry sa matagal kung UD. Sana makabawi itong update sa pag-hihintay ninyo.

Ps:check out my new story. HEARTLESS HUNK. T. y



 DESIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon