"Tatalon ka ba?"
Isang hakbang nalang, matatapos na rin tong lahat.
"Ano? Talon na? Alam mo pag tumalon ka sa ganyang kataas eh pagbagsak mo dun sa lupa ay wasak yang bungo mo"
Wag mo siyang pansinin. Tumalon ka na Ed. Sigaw ng isip ko na atat ng tapusin ang buhay ko sa miserableng mundo na ito.
"Kung nagdadalawang isip ka, eh di wag ka na munang tumalon. Samahan mo nalang kaya muna ako?"
Binawi ko ang mga hakbang ko. Bumaba ako sa aking kinatatayuan na may nanlalamig na palad at namamasa sa pawis. Saka ko lang naramdaman ang takot kong mamatay. Saka ko lang rin naramdaman ang inis ko sa babaeng kanina pang nangungulit sa akin.
"Hoy babae ka! Bakit ka ba nangingialam ha? Sino ka ba? Pwede bang umalis ka na dito at nabubuwesit ako sayo!", pasigaw kong hulyaw sa babaeng naka hospital gown na may turtleneck na nakasapaw sa pang itaas niya.
"Wow. Bad attitude si kuya. Well, you look desperate enough para mawala ang manners mo", nakangisi niyang sagot sa akin na nakatayo sa harapan ko.
"Ako si Maymay. And may I remind you sir na hindi ito ang tamang lugar para mag suicide. Hospital po ito, hindi sementeryo!", nakataas kilay niyang komentaryo.
Nanginginig ang buo kong katawan. Siguro nga dahil ngayon lang nag sink in sa akin na muntik na akong tumalon sa forty storeys na hospital building na ito.
Matagal tumahimik sa pagitan namin ng babaeng weirdo na ito. Tinitigan niya lang ako. Di ko alam kung naaawa ba siya o natatawa sa ginawa ko sana.
"Eh ikaw? Anong ginagawa mo dito? At bakit ka ba nakikialam sa akin?"
Mas lumapit pa siya at inofer ang kamay niya sa akin para makipag shake hands.
"Gusto ko lang rin makaalis dito, pero di ako tatalon ha?", she smiled ridiculously.
Ridiculously cute, surprisingly.
Nakipagkamay na rin ako.
"So anong pangalan mo sir?", nakangisi niyang tanong ulit sa akin.
"Ed."
"Ed lang? Ang boring naman?!"
"Edward John"
"Ohh.. interesting, so Ed? Wanna get me out of here?"
Bakit parang mas mapanganib pa tong gagawin kong pagsama sa kanya kesa sa pagtalon ko sa building??
*****
Para kaming ninja kung gumalaw. Pag may nasasalubong kaming tao sa elevator o di kaya ay sa hallway ng ospital ay nagtatakip ng mukha tong babae na ito. Ano kaya ang meron sa kanya? Meron kaya itong tinatakasan dito? O baka naman takas to sa mental department??
"Ano bang inisip mo dyan Ed? Nagtatalo na naman ba ang mga demonyo mo isip kung magpapakamatay ka?!", bigla niyang hinto sa akin sa may hagdan.
"Wala."
"Magpapakamatay ka pa rin??"
"Anong paki mo? Dinedelay ko lang kasi andyan ka pa. Pag nawala ka na sa landas ko ay itutuloy ko pa rin yung plano ko"
"Walang iiyak para sayo?"
Hindi ako nakasagot sa tanong niya. Siguro. Baka. Baka wala na nga sigurong iiyak para sa akin.
"Ang daldal mo! Bilisan mo na at nang makalabas na tayo dito sa ospital!"
Nang nagpatuloy kami sa paglakad namin ay bigla kong naisip ang isang bagay.
"Wait lang", pinahinto ko si Maymay.
"Bakit?"
"Baka naman kaya ka tumatakas dito ay wala kang pambayad ano? O di kayay may kasalanan ka sa batas at may nagbabantay sayo dito no?"
"Excuse me? Ako? Walang pambayad?"
"Baka.."
"Kilala mo ba si senator Froilan Aizon??"
"Kilala. Bakit? Tatay mo yun?"
"Hindi. Naisip ko lang"
"Tignan mo, baliw nga tong babaeng ito!"
"Ay napakajudgemental naman talaga! Eh iyang nasa picture? Kilala mo?", sabay turo niya sa malaking portrait na nasa main hall way.
"Wag mong sabihing anak ka rin niyan? Sila Mr. And Mrs. Entrata? Yung may ari ng halos lahat ng mga building at ari arian dito sa central luzon??"
Di siya kumurap. She just had her hands crossed in her chest and lumabas na sa ospital.
"Oh my!!! This is life Ed!! Ang fresh ng hangin dito sa labas!"
Parang may tupak nga tong babaeng to. Parang mas mapapadali ang buhay ko sa isang ito ha.
"Oh halika na Ed!"
"Ha? Anong halika na?? Lumayas ka na! Alis na! Wag mo na akong gambalain pa!"
"Wait! Teka lang! Sasama ako sayo!"
"Ano ka homeless? Diba mayaman ka? Umalis kang mag isa mo!"
"Sige ka pag pinahiwalay mo ako sayo pupunta ako sa police station at sasabihin kong tinangka mo akong kidnapin Edward John!"
Namimintas ang mga tingin niya sa akin na para bang gusto niya akong manipulahin.
"Eh di magsumbong ka! by that time I'm pretty sure I'm already dead"
Tumalikod na ako at naglakad na pauwi.
"Pleeeeaaaasssseeee!!!!"
Sumigaw ng malakas ang baliw na babae habang tumatakbo patungo sa akin. Ng mahabol niya ako ay nakiusap ulit siya sa akin.
"Ano ba! ang kulit mo ha! Di nga kita kilala eh!"
"Please Ed! Isama mo na ako. Wala akong ibang mapuntahan. Ayokong umuwi sa amin. At ayokong bumalik sa ospital. Please isama mo na ako please! May kotse naman ako, ayun oh! gamitin mo"
"Bakit ba ha?? Bakit ba gusto mong sumama sa akin? Paano kung serial killer pala ako o serial rapist??"
"Wala namang masamang loob ang magpapakamatay ng basta basta eh. I'm sure you're just too sad to decide to jump off. And I'm sure mabait ka. Please Ed, tulungan mo nalang ako."
"Ano bang mapapala ko sayo? Ano bang makukuha ko kung isasama kita??", naiinis na ako sa kanya.
"Hindi ka mamamatay. Promise ko yan sayo."
"Paano mo naman nasisiguro? Di ba halatang suicidal tong sasamahan mo?"
"Suicidal. Pero pwede pang mabago yun. Please. Help me Ed"
"Sagutin mo muna ang tanong ko"
"Ano ba yun?"
"Takas ka ba sa mental o hindi? Kasi para kang praning na nagtitiwala sa kung sino sino eh"
"Promise I'm a sane person. And I'm pretty and funny and talented. Kailangan ko lang talaga makalayo dito", nagbuhat pa siya ng sarili niyang bangko.
"Bakit? Ano bang tinatakasan mo dito?"
Matagal siya bago nakasagot.
"Hoy? Ano bang tinatakasan mo dito Maymay??", idiniin ko sa kanya ang nagdududa kong mukha.
"Tulad mo, kamatayan rin. Iniiwasan ko muna siyang ma meet."
Wala akong maibalik na salita sa kanya. Ano bang meron sa babaeng ito? Pwede ko ba siyang mapagkatiwalaan?
"Naku naman.. sakit ka lang sa ulo eh"
"Please Ed.."
Her eyes were begging softly.
I sighed in defeat.
"Saan bang kotse mo dito?"
BINABASA MO ANG
Loving Miss Turtleneck (A MayWard Fanfiction Story) COMPLETED #Wattys2019
FanfictionIn a world full of highs and lows, will one girl change how you see it or will one boy teach you to survive it? A MAYWARDerful year to everyone! A brand new MayWard story full of mishaps and hope. A new year tribute to everyone na may pinagdadaanan...