DIEZ.

588 60 48
                                    

Inihatid na nga kami ni Edong sa bahay nila Edward. Hindi ko na siya pinababa dahil baka magkasagutan na naman kami.

"May.. please.. sumama ka na sa akin"

May pag aalala parin sa mukha niya pero matapos akong magpasalamat sa kanya ay pinaalis ko na rin siya.

Sa isang banda wala paring imik si Edward sa akin at ganun narin ako sa kanya.

Nang maglakad na kami ni Ed papasok sa bahay niya ay bigla na siyang nagsalita.

"Maymay.. I'm sorry.."

Napahinto ako at inisip kong mabuti kung kakausapin ko ba siya o magtatampo pa rin ako sa kanya.

"Maymay..", hinawakan niya ang braso ko at paunti unting pinaharap sa kanya.

"I'm really sorry May.. I'm sorry wala ako kanina nung sumigaw ka.."

"Narinig mo ako?"

Kumunot ang noo ko. Napahinto siya.

"Narinig mo ako Ed pero di mo man lang ako pinuntahan??", tumaas ang boses ko. Ewan ko kung bakit bigla akong nainis lalo sa kanya.

"Alam mo bang ikaw talaga ang hinanap ko? Alam mo bang ikaw ang inasahan kong magliligtas sa akin?? Tapos hinayaan mo lang akong sumigaw? Muntik na akong mamatay Edward!"

"May.. sorry.. natakot lang talaga ako.."

"Suicidal ka! Hindi ka takot! Ang sabihin mo hinayaan mo lang talaga ako!"

Nag walk out na ako. Di ko alam pero sobrang pagkadismaya ang naramdaman ko kay Edward. Pumasok na ako sa bahay niya para magpahinga na at ng mawala na ang inis ko sa kanya.

Dumiritso ako sa kwarto niya para doon ibuhos ang lahat ng inis ko sa kanya.

"Muntik na nga akong mamatay! Narinig naman niya pala ako eh bakit hindi man lang niya ako pinuntahan??", nagmamaktol kong kinakausap ang sarili ko na paikot ikot na naglalakad sa tabi ng kama niya.

"Natakot siya? Anong klaseng excuse yun?? Natakot talaga siya ha!"

Nagpatuloy akong magmaktol hanggang sa bigla na namang lumamig ang hangin sa loob ng kwarto ni Edward.

Bigla akong kinabahan ulit at nakaramdam ng takot.

"Psst..."

Pamilyar ang sitsit na yun.

Ayokong lumingon sa kung saan galing yung sitsit na yun. Nanindig ang balahibo ko sa may batok at para bang gusto kong makaalis sa kwartong yun.

"Pssst!"

Palakas ang sitsit niya sa akin.

"Please... imagination ko lang to.."

Pinikit ko na ang mga mata ko. Ayokong idilat ito kasi nararamdaman kong paunti unti ay nasa harapan ko na ang dahilan ng malamig na hangin.

"Pssstt.. idilat mo ang mga mata mo.."

Nanginginig na ako sa takot. Nangangatog ang mga paa ko. Nanginginig ang kalamnan ko dahil sa takot.

"Tignan mo ako.."

Unti unti niya akong hinawakan sa may braso. Naramdaman ko ang lamig ng mga kamay niya hanggang sa hawakan na niya ang aking mukha.

"Sinundan kita dito Marydale..", namamaos na ang boses niya. Nanlalamig ang mga hawak niya.

"Ba..bakit po ba? A-anong kailangan niyo sa akin?", sinikap kong wag mautal o himatayin.

"Tulungan mo ako.."

Sa sandaling masabi niya yun sa akin ay binitiwan na niya ako. Biglang gumaan ang pakiramdam ko. Natatakot pa rin ako pero pinilit kong tignan siya sa mukha.

Loving Miss Turtleneck (A MayWard Fanfiction Story) COMPLETED #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon