VEINTIDOS.

479 50 19
                                    

"Psst"

Alas tres ng umaga.

Alam kong gising na ako sa isip ko, pero nakapikit pa yata ang mga mata ko at wala akong makita sa loob ng madilim kong kwarto.

"Edward?"

Bigla kong nasambit ang pangalan ng taong lubos ko ng namimiss. Mag-iisang buwan na rin kasi akong naghahanap kay Edward pero para yatang ayaw niyang magpakita sa akin.

"Psst!"

Palakas ng palakas ang sitsit sa akin, nasa ilalim na naman yata ng kama ko ang matandang lalaki na lolo ko pala, na laging nagpaparamdam.

Hindi na ako nakadama ng takot mula noong nalaman kong yung matandang lalaki na laging nagpaparamdam sa akin ay ang great granddad ko pala.

Weird sa feeling pero masaya parin ako.

Napatayo ako sa kama ko. Patay ang ilaw at may kaunting liwanag na galing sa bintana ko ang sumisilip sa akin.

Pero bakit ganon? Hindi ako natatakot pero balot ng pawis ang buo kong katawan? Wala namang masakit sa akin, actually I feel good, not in pain but why sweat so much in this hour of time?

"Psst!"

Palakas ng palakas ang sitsit sa ilalim ng kama ko. Palamig naman ng palamig sa loob ng kwarto ko.

"Lolo? Bakit po ba? Di po kayo makatulog?",nagbiro pa ako habang sinisilip ko ng dahan dahan ang ilalim ng kama ko.

Ng hinihila ko na pataas ang bedding ko para silipin ang ilalim ng kama ko ay biglaang nagsitayuan ang buhok ko sa katawan.

"Lo-lo?"

Nanginig bigla ang katawan ko at para bang ayoko ng ituloy ang pagsilip.

"Psst!!"

Palakas ng palakas na para bang yung sumisitsit ay nasa likod ko lang.

"Psst.."

Mariin. Marahan na sitsit sa likod ng tenga ko.

Napabitiw ako sa paghawak sa bedsheet ko at napatayo ulit.

Doon ko biglang naramdaman ulit ang takot. Ang kilabot. Ang sobrang kaba.

"Lolo? B-bakit po ba? Galit ba kayo?!"

Para akong baliw na kinakausap ang hindi pa nagpapakitang matanda.

"Lolo?"

Nabulag ako sa dilim. Bigla kasing namatay ang ilaw sa labas ng bintana ko. Mas lumamig rin ang kwarto ko na para bang nasa freezer ako.

Nakatayo ako malapit sa kama ko. Walang nakikita pero may nararamdamang nakaambang panganib sa malapit.

"Pssstt!"

Paulit ulit ang sitsit hanggang sa may maaninag akong nakatayo malapit sa malaki kong salamin sa kwarto. Nakayuko. Marungis siya at natatabunan ng buhok ang madumi niyang mukha.

"Lolo? Bakit nananakot na naman kayo?"

Honest to god, lahat ng buhok ko sa katawan ay parang nag standing ovation nung time na yun.

Hindi kumibo ang matanda, sa halip tinitigan niya ako at may dahan dahang itinuro sa likuran ko.

"Lo? A-ano p-po yun?"

Ayokong lumingon. Ayokong lumingon sa likod ko dahil para bang may nararamdaman akong malamig na hangin sa likod ng tenga ko. I mean, it was like a heavy and cold breath behind my ear.

Right behind my freaking ear!

Nakaturo parin si Lolo sa may likod ko. Hindi siya kumibo. Hindi parin niya ako inimik habang nakaturo lang siya sa likuran ko na para bang natatakot rin sa mga nakikita niya.

Loving Miss Turtleneck (A MayWard Fanfiction Story) COMPLETED #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon