ONCE.

532 52 6
                                    

"Saan ka na naman pupunta Maymay?", maagang tanong sa akin ni Edward na may nakataas na kilay.

"Papasyal, sama ka?", pangisi kong sagut sa kanya.

"Saan nga? Ang aga aga namang mag gala nito!"

"Ikaw ang kj mo talaga, halika na nga sumama ka nalang!"

"Ayoko. Dito nalang ako."

Napansin kong nasa depressive stage na naman si Edward kaya pinilit ko na siyang sumama sa akin.

"Ay nako! Umandar na naman yang mga demon thoughts mo! Halika na samahan mo akong mag mall!"

Kinaladkad ko siya palabas at pinilit na sumakay sa kotse ko.

"Ano na naman bang bibilhin mo dun? May pera ka ba?!"

"Meron. Kahapon binigay ni Edong yung atm ko eh so I can buy whatever I want!", I said excitedly while driving.

"So ano nga ang bibilhin mo?!"

"T.V!"

"Ha? Telebisyon? Para ano pa?!"

"Diba sabi ko sayo dati bibilhan kita? Ang boring na kasi sa bahay mo, minumulto na tuloy ako"

"Ha?"

"Ah basta! Marami tayong bibilhin, ipag sho-shopping kita!"

"Ewan ko sayo May"

"At tsaka yang damit mo favourite mo yata yan eh pa balik balik nalang! Old fashioned ka na nga repeater ka pa sayang ang gwapo mo dyan noh!", pangisi kong biro sa kanya.

"Nanlait ka na naman. Syempre bigay sa akin to ni Mariel, ito ang huli niyang ala ala na naiwan sa akin. So, kahit pa tawagin mo akong repeater, wala akong paki"

"Ayaw mo nun? May Mariel memorabilya ka na, at may Marydale memorabilya ka pa. Ang swerte mo boy!"

"Baliw ka talaga. Walang makakapalit sa mga bigay ni Mariel"

Bigla kong hininto ang mga biro ko. Bahagya akong nasaktan nung sinabi niya yun. I'm not even the jealous type pero may konting kurot akong naramdaman dun sa sinabi niya.

"Oh? Bakit nakasimangot ka na? Nasaan na ang hype mo?",siya naman ang nakangisi. Nahalata yata ang bigla kong pagka tahimik.

Hindi ko siya kinibo. Patuloy ako sa pagmamaneho at hinayaan lang siyang magsalitang mag isa.

"May?", panunuyo niya.

"Galit ka ba?", tanong niya ulit sa akin.

Nilingon ko lang siya, tinitigan sandali at muling ibinaling ang aking atensyon sa daan.

Hindi na rin siya kumibo at tuluyan kaming nabingi sa katahimikan.

Malapit na kami sa mall nang may mapansin ako sa daan. Take note, sa highway pa talaga.

"Paktay!"

"Ano ang problema May?"

"Sikat na ako!"

"Ha?"

"Ang laki laki ng mga pictures ko na nakapaskil sa daan, ayun oh!"

"Wow! Model ang dating ha!"

Naglalakihang mga posters advertisement na nananawagan sa kung sino ang may nakakakilala o nakakita sa akin. Paktay. Paano ako makakapasok sa mall ngayon?

"So, paano yan? Uuwi na ba tayo?"

"Siguro", sumimangot ako.

"Ang bilis namang sumuko nito"

Loving Miss Turtleneck (A MayWard Fanfiction Story) COMPLETED #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon