"Mahal ko napakalungkot ko pag wala ka sa tabi ko.. hinding hindi kita iiwanan.. mahal na mahal kita aking Edward"
"Mariel!!"
Bigla na naman akong nagising at hiningal sa kalagitnaan ng mahimbing kong pagkakatulog. Tanghaling tapat palang pero nakatulog pala ako.
Teka. Nasaan kaya si Maymay?
Nilibot ko na naman ang bahay ko at tinangka siyang hanapin sa buong paligid pero hindi ko siya nakita.
Nasaan na kaya yun? Siguro gumala? O di kaya ay may pinuntahan na namang lugar yun.
Pero andito ang kotse niya?
Bahala na nga yun, ang mahalaga mag isa ako at malaya kong magagawa ang kung anuman ang nanaisin ko ngayon.
Hmm. Ano kaya ang magandang gawin ngayon para makasunod na ako kay Mariel?
Alam ko na!
Bigla kong naisip na puntahan ang luma naming balon na nasa likuran na bahay ko. Malalim yun at kung sakaling mahulog man ako dun ay siguradong di na ako makakabalik pa.
Hinanda ko na ang sarili ko. Nagdamit ako ng desente at tumungo na agad sa may balon. Nang makarating na ako doon ay agad ko itong inakyat at hinandaan ang pagtalon dito.
Isa.
Dalawa.
Pero bakit ganon? Handang handa na ako ngayon pero sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko ay naiisip ko si Maymay?
Hindi. Handa na akong wakasan tong buhay ko. Konting konti nalang.
Gago! Bakit di ko magawa? Bakit bigla akong natakot sa gagawin ko?
Nanginig ang tuhod ko at napaatras. Bumaba ako at humingal sa kaba.
"Mariel.. bakit ganon?"
*****
(Maymay's POV)
Wow. Ang gaganda ng mga damit dito sa mall. Lahat parang babagay sa akin ah! At makukulay pa sila!
Bibili ako ng tatlo! Tama tatlo! Nakakatuwa naman to! I love shopping parin pala!
Parehong mga makukulay na mga damit ang pinili ko. Yung isa whole dress, parang maganda kasi yun suotin pang burol. Yung dalawa parehong turtleneck, ewan ko ba paborito ko talaga ang mga sweater na turtleneck, parang ang sarap lang at komportableng suotin.
Magbabayad na sana ako ng marinig ko ang kulo ng tiyan ko.
Oo nga pala, hindi pa pala ako lumalamon. Si Ed kasi, matipid sa food.
Kumain nalang muna ako sa may food court. Lahat yata ng mga tao sa akin nakatingin kasi maliban sa malakas akong kumain eh yung outfit ko napaka weird naman talaga.
Hospital gown na sinapawan ng isang dark turtleneck pang itaas. Perfect.
Wait. Baka naman nakikilala ako ng mga tao mula sa mga balita? Oh no. Di pwede.
Dali dali kong sinubo lahat ng mga pagkain. Halos di magkamayaw ang bibig ko sa paglamon malunok lang lahat yun agad agad.
Nang matapos na ako ay agad na akong umalis.
Nang papalabas na sana ako sa mall ay may biglang tumawag sa aking pangalan.
"Psst! Maymay!"
Nang lumingon ako ay laking gulat ko kung sino ang nakita ko.
Isang pamilyar na mukha na alam kong kilalang kilala ko. Pero bakit ganun? Parang may iba sa kanya?
"Ch-Cherry?"
BINABASA MO ANG
Loving Miss Turtleneck (A MayWard Fanfiction Story) COMPLETED #Wattys2019
FanfictionIn a world full of highs and lows, will one girl change how you see it or will one boy teach you to survive it? A MAYWARDerful year to everyone! A brand new MayWard story full of mishaps and hope. A new year tribute to everyone na may pinagdadaanan...