TRECE.

492 49 7
                                    

(Edong's POV)

"Edong! Please sabihin mo ang nalalaman mo! Nasaan ang anak namin?", nagagalit na tanong ni Mrs. Entrata na mangiyak ngiyak nang makita ang CCTV footage ng mall kahapon.

"Ma'am, hindi ko po talaga alam", nakayuko kong sagut na unti unti ng nagiguilty sa pagsisinungaling ko sa kanila.

"Edong, alam naman naming may alam ka dito. Ikaw lang ang natatanging kaibigan ni Maymay na pwedeng tumulong sa kanya. Please, sabihin mo na kung saan namin siya mahahanap.", pakiusap naman ni Mr. Entrata na naluluha habang tinitignan si Maymay sa video.

"Sir, sa totoo lang po, ayaw po talagang magpahanap ni Maymay sa inyo", unti unti ko nang binibigyang linaw ang duda ng mga magulang ni Maymay.

"At kahit tanggalin niyo po ako sa trabaho ko, hindi ko po talaga kayang sabihin sa inyo ngayon kung nasaan siya. Yun po ang kaisa isang hiniling ni Maymay sa akin nung huli naming pagkikita. Death wish niya po yun, at nirerespeto ko po yun. Pasensiya na po", nakayuko pa rin ako.

"Nagagalit ba siya sa amin?"

"Kilala niyo po si Maymay ma'am, hindi yun marunong magalit. May tampo lang talaga siya sa inyo kasi sa loob ng anim na buwan ay kinaya niyo siyang tiising wag makita", paliwanag ko sa kanila.

"Honey, bakit kasi natin nagawa yun sa kanya? Bakit ba natin siya tiniis di makita?!", humagulhol na si Mrs. Entrata.

"Edong, nasa mabuting kalagayan ba ang anak namin?", pagpipigil ng luha ng kanyang daddy.

"May nag aalaga raw po sa kanya sir. At naniniwala akong malapit na rin siyang bumalik dito sa inyo"

Tumango lang ang kanyang daddy habang akap akap ang kanyang ina na umiiyak.

"Tatawagan ko si mama honey, sigurado akong pag nakauwi si mama dito at malalaman yun ni Maymay ay tiyak na babalik na siya sa atin", tugon ng daddy niya sa kanyang ina.

Ang lola ni Maymay.

Siya lang yata ang pangalawang tao na higit na pinagkakatiwalaan niya maliban sa akin. Mahal na mahal siya nito. Kahit matanda na ito at malayo sa piling niya ay lagi itong naka suporta sa kanyang apo.

Labis ang lungkot ni Maymay ng magpunta ito sa Amerika tatlong taon na ang nakalipas, isang araw matapos malaman ni Maymay na may taning na ang kanyang buhay. Doon na kasi siya naninirahan kasama ang ibang anak nito.

Si Maymay lang ang naging mundo ng kanyang lola simula ng mabyuda ito. Lahat ng gugustuhin ni Maymay ay binibigay niya dito. Lage niya itong pinupuno ng pagmamahal. Pagmamahal na walang kapalit. Pagmamahal na parang sa isang ina sa kanyang anak.

"Please honey, pauwiin mo ang mama. Baka sakaling makinig sa kanya si Maymay at umuwi na siya dito sa atin, bago pa maging huli ang lahat para sa anak natin.", hagulhol pa rin ng mommy niya.

"I'm sorry po talaga... ", wala akong ibang nasabi kundi ang humingi ng tawad sa nag aalalang mag asawa.

"Ito nalang sana ang hihilingin ko sayo Edong, wag mo sanang pabayaan ang anak namin. Lage mo siyang babantayan kahit patago. At kung anu't anuman ang mangyayari nakikiusap kaming ipaalam mo agad sa amin", huling pakiusap ng daddy niya.

"O-opo.."

*****

(Maymay's POV)

"Ayan ang ganda ng mga palabas sa tv Ed oh! Halika nood tayo!"

"Para yatang isang buong sinehan na yang binili mo May ah!", namamanghang sabi ni Ed na naka focus lang sa harap ng tv.

"Matagal ka na bang walang tv Ed?"

Loving Miss Turtleneck (A MayWard Fanfiction Story) COMPLETED #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon