QUINCE.

498 56 24
                                    

"Saan ka galing?"

Nakakagulat na bungad ni Ed sa akin sa may pinto nang papasok na sana ako ng bahay niya.

Seryoso ang pagkakatitig niya sa akin at para bang may kaunting galit sa boses niya.

"S-sa labas lang, nagpahangin", naiilang kong sagot sa kanya na iniiwasan ang mga titig niya sa akin.

"Labas? Mag-aala una na ha?", nakataas kilay niyang tanong na hinila na ako papasok sa loob ng bahay.

"Hindi ka man lang nagpaalam?"

"Eh kasi, natutulog ka na kanina. Ayaw ko ring madisturbo ang tulog mo Ed", pakamot ulo kong sagot sa kanya.

He was standing firmly in front of me with his arms crossed, trying to investigate.

"Sa susunod magpaalam ka, hindi yung kung saan saan ka gumagala sa des oras ng gabi at pinag-aalala mo ako"

Huling sinabi niya bago tumalikod sa akin at nagtungo sa sofa kung saan siya natutulog. Nang makahiga siya ay di na niya ako kinibo.

I felt so guilty.

"Hoy..Edward", paglalambing ko sabay kalabit ko sa likod niya habang nakaupo ako sa may sahig.

"Galit ka ba?"

"Hindi ako galit. Matulog ka na"

"Oy.. sorry na.. importante lang talaga kasi ang pinuntahan ko"

"Kasama mo na naman yung Edong na yun. Lagi nalang eh"

Hindi ko alam pero bigla akong napangisi ng bigkasin niya yun na parang batang nagmamaktol sa akin. He sounded upset, like he was jealous.

"Ayee.. nagtatampo ka ba kasi kasama ko si Edong?", nakangisi kong pangungulit sa kanya.

"So kasama mo nga siya?"

Lalo pa akong natuwa sa reaksyon niya. Ewan ko ba, ang cute lang ng pagkakasabi niya. Nagtatampo nga siya.

"Oy.. hindi naman siya ang pinuntahan ko dun eh, si Abuela. Nagkita kami ng lola ko"

Hindi pa rin siya kumikibo sa akin. Nagtampo yata lalo sa akin at piniling talikuran lang ako.

"Hmm, ito naman. Ito na nga ako oh, nakabalik na ako sayo, wag ka nang magalit"

Kahit anong paglalambing ko sa kanya ay wala parin siyang kibo. Tumayo nalang ako at hinayaan ko nalang siyang magtampo sa akin. Siguro naman pagkabukas mawawala na rin ang inis niya at galit sa akin.

Pinatay ko na ang ilaw sa may sala saka na ako pumasok sa kwarto ko. Napagod man ako ay masayang masaya ako kasi nagkita kami ulit ng lola ko.

Ilang taon ko rin siyang na miss. At ilang taon ko rin tiniis na hindi siya makita, at ngayong naiintindihan ni Abuela ang sitwasyon ko ay siguro bahagya na akong handang tumawid sa kabilang buhay.

Sa sandaling nasandal ang katawan ko sa malambot na kama ay nakatulog agad ako. Pero minuto lang yata ang nakalipas ng makaramdam na naman ako ng matinding panlalamig at pangingilabot.

Wala namang sumisitsit sa ilalim ng kama pero nakakatakot bigla ang awra sa loob ng kwarto.

Napilitan akong buksan ang aking mga mata at pinilit bumangon sa pagkakahiga.

"Naman eh, nakatulog na ako eh", pagmamaktol ko ng mapansin ko ang isang bukas na bintana pala ang dahilan ng lamig sa kwarto.

Papalapit na sana ako sa may bintana para isara ito ng biglang nagpakita sa akin ang matandang lalaki na nasa labas pala at mabilis itong nakalapit sa akin sabay hawak sa aking mukha.

Loving Miss Turtleneck (A MayWard Fanfiction Story) COMPLETED #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon